Chapter 4

266 10 4
                                    

I'm going to change the name of Primo Ethan luis to Primo Oliver Elliott.

The current name is not giving.

I hope maintindihan niyo!

Mag lalagay na rin ako ng warning na napalitan ang name ni Primo in all chapters!

Thank you for support and kindly vote for me!
. . . . . . . . . . . .. ..  . . . . . . .

[Isaiah Miguel Ocampo pov]

Kakabukas ko pa lang ng pintuan ay mukha agad ni ate Camille ang nakita ko.

" Oh you are awake. Let's breakfast together." Malambing na saad niya.

Simula nung nangyari sa pagitan namin ni Primo dalawang araw na ang nakakalipas ay naging malambing na sakin si ate camille.

Naging mabait na siya sakin at medyo hindi ako sanay pero pabor iyon sakin.

Tumango ako at sinarado yung pinto hinawakan niya naman ang braso ko at hinatak ako papuntang dining room.

" Hi mom." Bati niya sa ina niyang nasa lamesa. Tumingin naman sakin si tita sakin at inismidan lang ako.

Nadaanan ko rin si manang fe na nilalagay ang nga platong may lamang ibat ibang putahe kasama ang ibang mga yaya.

Tinignan niya lang ako ng may kahulugan. Siguro ay nagtataka kung bakit kasama ko si ate Camille.

I only nod to inform her that I'm okay.

Humiwalay na sakin si ate camille at umupo sa lagi niyang upuan.

Nakatingin lang ako sakanila. " Migo eat this." Saad ni ate camille at tinuro sakin yung salad.

Tumango ako at kumuha ng kaunti. Kumuha na rin ako ng sandwich.

Nakatingin lang sa akin si ate grace habang kumakain ako tumingin ako sakanya.

" What the hell is happening?" She mouth.

" Mom what's that look you gave to migo?" Ani ni ate Camille kaya napatingin ako kay tita na masama ang tingin sakin.

" I don't know what's going on here. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa anak ko at naging mabait siya sayo migo."

" Mom ano ba gusto ko lang naman maging mabait kay migo." Saad ni ate camille.

" Anyway mom tuloy ba tayo sa pagbili ng dior bag ko?"

" Yeah this saturday we are going buy that bag." Sabi ni tita. Nag simula ulit akong kumain.

" Mom kailan daw uuwi si papa?" Ani ni ate grace. " Hindi ko pa alam baka sa susunod na linggo. Ikaw wala ka bang gustong bilhin?"

" Nothing mom. Ikaw ba migo may gusto ka bang bilhin?" Napataas ako ng ulo ng marinig ko ang pangalan ko.

" Wag mo na siyang tanungin Grace baka maging spoiled brat pa yang bastardo na yan." Sambit ni tita.

" Ma! Stop it!" 

" Did you just raise your voice at me?! Bakit hindi ba totoo? Anak yan ng papa mo sa labas!"

May isang luhang nahulog galing sa pisngi ko bakit ang sakit-sakit kahit lagi ko itong naririnig.

Hindi ko naman kasalanang ako ang bunga nila.

" Aalis na po ako." Sambit ko at tumayo galing sa pinaguupuan ko at tinignan ko si ate grace.

" Aalis na rin ako. Sumabay kana samin." Ani ni ate grace at nauna nang lumabas.

.
.
.
.
.
.

Sumabay ako kila ate camille papuntang school dahil pinilit ako ni ate grace.

You Are Mine (Mine alone)Where stories live. Discover now