The current name is not giving.
I hope maintindihan niyo!
Mag lalagay na rin ako ng warning na napalitan ang name ni Primo in all chapters!
Thank you for support and kindly vote for me!
. . . . . . . . . . . .. .. . . . . . . .Isaiah Miguel ocampo pov.
Ilang araw na ang nakalipas nung may nakita akong 'mosquito bites' sa leeg ni Liam.
And yes hindi ako naniniwalang kagat oo ng lamok yun!
"Liam kamusta ang leeg mo?" natatawang saad ko pero umiling lang siya sakin at sinamaan ng tingin.
"sino ba kasi ‘yang 'Mosquito bites' ‘yan ha." Natatawang sabi ni lara kaya natawa na rin kami ni gianne.
"Wala nga. oh ayan na si ma'am manahimik na kayo!." Agad kaming umayos ng upo at natatawa rin kasi halatang may tinatago!
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakahalata na mas malapit sila ni lance o ako lang? May parte sakin na natatakot pero bahala na-wala pa namang sila, siguro?
"Okay this project is by group, president ikaw na mag group sakanila, ito lang at pwede na kayong nag recess." sambit ni sir at umalis na.
Nag by group muna kami at kagroup ko sila ken, jenna, at ang dalawa kong kaibigan na si lara at gianne, si liam lang ang nahiwalay sa'amin.
"Ayokong malayo sainyo miggy! Mag papalit ako!" Sabi ni liam at nag mamaktol. Sabagay sino ba naman kasing gustong mapalayo sa circle diba?
"Edi magpapalit ka! Tignan natin kung payagan ka baliw!" Natatawang saad ni gianne at nakita ko namang tinarayan lang ni liam si gianne.
"Wait and learn! Mapapayag ko rin yun si jen ‘no!"
"Gaga watch and learn ‘yun!" Sabi ni lara at binatukan naman si liam. Habang ako ay natatawa na lang sa kakulitan nila.
Papunta na kami sa cafeteria dito sa building namin habang si tyler ay sa bench na lang daw siya kakain, gusto ko sanang samahan kaso sabi niya may kasama naman daw siya kaya wag na lang.
Nag order na kami sa counter tsaka na lang kami mag hahanap ng mauupuan pagkatapos.
"Hoy alam niyo ba ang bali-balita? Si Isaiah daw nilalandi si luis!" Rinig ko ang pinagsasabi ng babae at ganun din sila lara, gianne, at liam.
"Oo te sabi raw na nakita raw sila nung nakaraang month na pumasok si Isaiah sa kotse ni primo!" Tinignan ako ni liam at umiling na lang ako dahil pag pinatulan niya ay paniguradong away lang ‘to.
"Oo nga kaya makati raw yan kagaya sa mam-"
"Hoy babaeng chismosa! Pinagsasabi mo diyan?! Baliw kaba o takas ka lang sa mental hospital?!" Malakas na bulyaw ni liam at susugurin na sana ang babae pero hinawakan namin siya.
"Bakit?! Totoo naman ha, kahit nga kayo nahahawa na diyan kay Miguel! Akala mo ba wala nakakita sainyo ni lance nung nakaraan?!" Agad kaming tumingin kay liam. Nakaraan? Wala siyang na k-kwento samin!
Pero palaban si liam at alam kong galit na siya.
"Aba chismosa kana nga snitch pa! Tangina nito amputa gusto mo mawalan ng buhok ha!? Nangengealam amputa putangina mo tarantado!" Sigaw nito at susugurin na sana ng may humawak sa kamay niya.
Nakarinig ako ng mga bulong bulungan sa paligid namin. Bakit na naman ba sila nandito?!
"Ano ba bitaw nga!" Sigaw niya dahil hinihila na siya ni lance. " Hindi pa ako tapos aa babaeng ‘yun!" Malakas na sabi niya pero binuhat na siya ni lance at umalis ng cafeteria habang pasan pasana sa balikat si liam.
"Oh anong tinitingin tingin niyo! Mga inggetera!" Malakas na sabi ni valerie kaya agad din silang umiwas ng tingin.
Tinignan ko si valarie pero napako lang ang tingin ko kay luis at nakatingin lang din siya sakin. Lalapit sana siya pero agad kong hinila si gianne at lara para makaalis na doon sa cafeteria.
Kasalanan nito 'to. Kasalanan niya 'to!
One week have past nung nangyare sa cafeteria, wala na ring rumors—oh dapat bang tawagin kong rumors yun kung totoo naman?
@gia_dmingo
- hoy @lia_jaz wala kapa ring kwento kung saan kayo pumunta ni lance ah 😛😛
@lia_jaz
- apaka chismosa mo, manahimik ka nga 🖕🏽
Walang na k-kwento samin si liam tungkol sa nangyare nung binuhat siya ni lance. Law ang kinuha ni lance second year hindi ko rin alam kung bakit sila nandoon.
@lara_del
-totoo naman kasi pakipot kapa @lia_jaz !!
Agad kong pinatay ang cellphone ko nang makarinig ako ng marahas na katok galing sa pinto ko. Sa loob ng isang linggo, hindi rin naging madali sakin.
"Hoy migo!" Malakas na bulyaw ni ate at agad akong sinampal. " Totoo ba? Totoo ba ha!? Na nakita ka sa loob ng sasakyan ni primo!"
Napahawak ako sa pisngi bago siya tignan. " Ate hindi.. r-rumor lang 'yun." Sambit ko at ininda ang sakit sa pisngi para lang maabot ang kamay niya.
Tinignan niya iyun ay agad hinawi.
"Delusyonada! Hindi ka magugustuhan ni primo kasi isa kang bakla! Anak ka ng kabit!" Sabi niya. Maraming punyal ang tumutusok sa puso ko nang marinig yun.
Tama siya. Anak ako ng kabit. Bakla ako. Salot. Walang matutunguhan.
Hinawakan niya ang panga ko at diniin.
"Wag kang tanga migo. Alam natin dalawa na ako ang mas may karapatan dahil salot ka! At mamamatay kang salot, puta!" Sabi niya at umalis na nang kwarto ko.
Masakit. Sobrang sakit! Agad tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Gusto kong umalis dito pero paano si papa. Siya na lang ang meron ako.
Agad kong pinahid ang luha ko nang may pumasok, si ate grace.
"Migo." Sabi niya at agad umupo sa higaan ko. "Pag pasensiyahan mo na si camille ha? Bruha kasi yun spoiled pa." Sabi niya sa mababang boses at hinimas ang likod ko.
"A-ate." Nanginginig kong tawag. "Dapat ba.... Dapat ba hindi na lang ako nabuhay?" Sabi ko sa mahinang boses.
"Migo naman, blessing ka sakin, blessing ka kay tita at kay papa. Hayaan mo at pagsasabihan ko si camille mamaya sumusobra na siya!" Agad akong nag angat ng tingin dahil kung pagsasabihan niya si ate camille baka mauwi lang sa sagutan at magkaroon pa sila ng alitan..
"Wag na po ate. Okay lang po ako. Strong po ako diba?" Sabi ko at ngumiti kahit gustong gusto ko nang bumitaw dahil masakit na, sobrang sakit na.
Thankful ako dahil nagkaroon ako ng kapatid na katulad ni ate grace, lagi niya akong dinadalhan ng pagkain pag ayaw akong kasama ni tita marie o kaya ay si manang fe. Sobrang bait nila sakin.
Siya at si manang fe at papa na lang ang pinanghahawakan ko, sila na lang at wala na akong hihingiin na iba.
HI IT'S BEEN A WHILE, SO I'M BACK!! I HOPE MAGUSTUHAN NIYO. SORRY ANG BAGAL HEHEHE ENJOY!!
YOU ARE READING
You Are Mine (Mine alone)
Romance"Even if you want to run away baby." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang dalawa kong pisngi bago ito pisilin at iangat. "Do you think you can?" //wrong grammatical words//