General POV
Pumasok na sila Karylle sa dressing room nila Vhong. Pinakilala na rin ni Vhong sila Karylle at Anne sa mga ka-grupo niya except lang kay Vice na hanggang ngayon ay MISSING IN ACTION pa rin.
"Billy, Nasaan ba talaga si Viceroll?" Tanong ni Vhong kay Billy.
"Nagkaroon daw ng emergency sa Rock&ViceRoll kaya nauna na" Sagot naman ni Billy.
Vhong POV
Nakakatampo na talaga si Vice. Pero kamusta na kaya yung resto bar niya. Akala ko pa naman makakapagcelebrate kami ngayon kasama si Anne este sila Karylle at Anne. Sobrang ganda talaga ni Anne. Oo hanggang ngayon nakatitig lang ako sakanya habang siya ay nakikipag-usap sa mga kaibigan ko.
"Yatot!" Pag gulat ni Karylle sa akin.
"Oh. Bakit? May problema ba?"
"Huh? Wala naman. Sabi ko uuwi na kami. Kita nalang tayo sa susunod since nagbigayan na rin naman tayo ng cellphone number. Tawagan nalang tayo."
"Uhmmm... Pwede wag muna kayo umuwi? Since birthday ko at nanalo pa kami. Pwede niyo ba ako pagbigyan tonight para makapag celebrate?" Pag-aya ko kay Karylle. Kaso narinig ni Anne at siya rin ang sumagot.
"Oo na yan please Love....." Pagmakaawa ni Anne kay Kaylle. At pumayag naman si Karylle.
———————————
General POV
Sa Rock&ViceRoll....
Abalang abala si Vice sa pag preprepare ng surprise para kay Vhong. Alam ito ng mga kagrupo nila sa sayaw.
"Okay na ba lahat Archie? Yung mga foods? Yung mga drinks? Kaloka! Kailangan perfect ito." Sabi ni Vice habang chinecheck lahat kung complete na yung mga kailangan nila.
"Jusko naman teh! Hinay hinay lang sa pagsasalita. Okay na ang lahat" Sabi Archie. Si Archie ay kaibigan ni Vice na katulong niya sa pag mamanage ng kanyang resto bar.
"Perfect!" Sabi ni Vice ng makita niya ang buong resto bar. Dahil inarrange nila ito para sa birthday surprise para kay Vhong at para na rin sa victory party nila. "Uwi muna ako para makapag ayos ng kaunti. See you later beks!" Umuwi na rin si Vice.
———————————-
Anne POV
Yes! Sa wakas nagkaroon na rin ako ng POV. Hahahah
Ako si Anne Curtina ang matalik na kaibigan slash girlfriend ni Karylle slash Tomboy. Nag mamanage kami ng Italian restaurant ang pangalan ay "italiANNAs". Mahal na mahal ko si Karylle.
Anyway.... Buti nalang napapayag ko si Karylle loves ko na sumama kami kila Vhong. Kaso may binulong si Billy saakin tungkol sa birthday surprise raw para kay Vhong at gagawin daw ito sa resto bar ng kaibigan nila.
"Vhong.... " Lumapit ako sa kanya. Para kasing gusto ko pa siya makilala pa pero di ko alam kung bakit.
"Uy Anne. May kailangan ka?" Tanong ni Vhong saakin.
"Wala naman" At tumalikod ako kay Vhong kasi grabe ang pogi niya talaga.
"Anne... Alam mo? Ang ganda mo." Jusko naman Vhong!!! Kinikilig na talaga ako.
"Pare... Tomboy ako at pogi ako." Ngumiti pa si Vhong ng sobrang gwapo this time.
"Edi! Gagawin kitang tunay na babae ulit." Sabay kindat niya saakin tapos tumalikod na siya at pumunta kay Billy na nasa kabilang dressing room
Sobrang natulala ako sa mga sinabi ni Vhong saakin kanina. Pero pano nga? Pano si Karylle? Maiintindihan naman siguro ako ni Karylle. Hay! Tska ko na ito pag iisipan kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko.
General POV
Habang naglalakad si Vhong papunta kay Billy sa kabilang dressing room may nag takip ng mata ni Vhong gamit ang panyo.
"Brad... Wag kang papalag. Si Billy ito" Sabi ni Billy. "At wag ka na rin magsalita" dagdag pa nito. Kaya napatango nalang si Vhong at sumunod nalang sa trip ng kaibigan niya.
Hanggang sa makarating sila sa venue.
"Brad andito na tayo. Tanggalin mo na yung panyo sa mata mo." Sabi ni Billy at agad naman sinunod ni Vhong si Billy.
" SURPRISSEEEEEEEEEEE!!! HAPPY BIRTHDAY VHONGSKIEEE!!!!" Sabi lahat ng tao sa venue.
"Happy Birthday Brad!" Sabi ni Vice na may dalang cake. "Make a wish Vhongskie" dadag pa ni Vice.
Nagwish at nagblow na si Vhong ng candles niya.
"Thank you Vice!" Sabay yakap ni Vhong kay Vice at humiwalay din agad.
Tinignan niya yung mga tao sa paligid niya at ngayon lang napansin na lahat ng bisita ay yung mga importanteng tao para sakanya.
"Thank you sainyong lahat!" Sabi ulit ni Vhong.
To be continued......
BINABASA MO ANG
The Beki's Tomboy
Fanfiction"Love is Genderless" "Love is Patient" "Love is Everywhere" "Love is Undeniable" "Love is definitely Unstoppable" #StriveForEquality I say "Wake up and Follow your heart" ------VICERYLLE AND VHONGANNE STORY.--------