General POV
Pag-uwi ni Vice diretso agad siya sa kwarto at nahiga sandali. Biglang nag ring ang cellphone niya at tinignan niya kung sino ang natawag. Pero hindi niya ito sinagot dahil si Alds lang naman ang tawag sakanya. Kaya hinayaan na niya itong mag ring ng mag ring hanggang sa wala nang nagriring.
"Sabi ko na nga ba mapapagod ka agad. Dali mo mapagod!" Sabi niya habang tinitignan ang cellphone.
Bumangon na si Vice at pumunta sa banyo para maligo. Habang naliligo siya natawag si Jugs na naging kaibigan niya noon gradeschool siya. Kaya binilisan na lang niya maligo.
Pagkatapos ni Vice magbihis agad agad niyang kinuha ang cellphone dahil akala niya si Alds ang tumawag. Pero si Jugs pala kaya tinawagan nalang niya ulit.
"Viceeeee!!!!!" Sinagot na ni Jugs ang phone at halatang excited na excited ito na makausap ulit ang kaibigan.
"Jugggyyyyyy! Napatawag ka. Musta na?" Sagot ni Vice.
"Okay lang naman Vice! Kasama ko ngayon si Pareng Teddy. Ikaw, musta ka na? Tagal mo na di nag paparamdam ah. Mga 6 months na. Busy ka na sa sayaw at bar mo." Sabi ni Jugs.
"Sorry na Juggy ah! Sobrang busy lang talaga ako. Nagbabanda pa rin ba kayo?"
"Oo tuloy pa rin ang banda namin kahit wala ka na. Palit palit kami ni Teddy sa pag kanta. Kasi pinagpalit daw kami ni Viceral sa pag sasayaw." Biro ni Jugs.
"Ge hugot pa! Hindi bagay sayo! Hahaha." Natatawang sabi ni Vice.
"Totoo naman ah! Pero balik ka na sa pagbabanda. Miss ka na namin oh."
"Miss ko na rin kayo. Sige pag-iisipan ko. Saan ba kayo nag jajamming?" Tanong ni Vice.
"Dito pa rin sa bahay ni Teddy. Sige Vice kailangan na namin mag prepare para bukas kasi may gig kami sa Taguig. Bye!" Sabi ni Jugs.
"Ge. Bye!" Binaba na ni Vice yung call. At nag-isip hanggang sa makatulog ito.
Kinabukasan pagdating ni Karylle sa restaurant nila ay nakita niya si Anne.
Karylle POV
Habang pinapark ko yung kotse ko sa harapan ng restaurant namin nakita ko yung kotse ni Anne na nakapark na. Wow! Himala hindi yata late si Anne ngayon. At hindi rin ako tinext na maaga siya papasok ngayon. Makapasok na nga sa resto namin.
Pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko agad si Anne na may dalang food na nakalagay sa tray at good for two pa.
"Goodmorning K! Wait lang serve ko lang to. Then I will serve yours too. Upo ka muna doon. I know hindi ka pa nag brebreakfast." Sinabi ni Anne sa akin na halatang super energetic at saya niya today. Ano ba meron ngayon?
Nang makaupo na ako ay tinitignan ko lang si Anne habang nag seserve ng pagkain sa costumers namin. Ano ba meron dito sa babaeng to? Sobrang saya. Ayan papunta na siya sa kusina ng resto namin at kinuha yung sinasabi niyang iseserve daw na food for me.
"Here is your food, Love." Nilapag niya ang food ko at umupo sa harap ko at kinuha rin yung food niya.
Habang nakain kami tutok na tutok siya sa cellphone niya at ngiting ngiti.
"Love! Ano ba yan? Nakain tayo tapos tutok na tutok ka sa phone. Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong ko kay Anne. Hindi naman kasi siya ganyan dati. Hindi niya lagi hawak ang cellphone niya noon. Pero ngayon halos kainin na niya yung cellphone niya sa sobrang laki ng bunganga niya.
"Ang gwapo ni Vhongskie." Sagot ni Anne habang nakatutok pa rin sa cellphone. Vhongskie? Si Vhong? Katext niya? Gwapo? Si Vhong? Yung payatot na yun?

BINABASA MO ANG
The Beki's Tomboy
Fanfiction"Love is Genderless" "Love is Patient" "Love is Everywhere" "Love is Undeniable" "Love is definitely Unstoppable" #StriveForEquality I say "Wake up and Follow your heart" ------VICERYLLE AND VHONGANNE STORY.--------