Vhong's POV:
Ako si Vhong Nabaho ang may ari ng VhongX44 Dance Studio. Ako rin mismo nag tuturo sa mga gustong matutong sumayaw. Simula bata pa lamang ako ay hilig ko na sumayaw. Kaya ito ang hiningi ko sa magulang ko ang makapagpatayo ng isang dance studio at dito ko ishashare yung mga talento ko sa pag sasayaw.
Andito na ako sa VhongX44 Dance Studio. Magsisimula na sana kami kahit wala pa yung mga ibang kagrupo kaso biglang may dumating.
"Brad!" Sigaw ng isang lalaki sakin na dumating. "Pasensya na nagkaroon kasi ng emergency sa bar ko." Paliwanag pa nito.
"Pang ilan excuses mo na yan Mr. Tutoy Viceroll. Hindi mo na kailangan mabigay ng excuses dahil alam ko na yung mga ganyan mo. Hahaha!" Sabi ko sa kanya dahil lagi nalang yung bar niya ang dahilan kapag late siya at nakita ko sa itsura niya na may halong inis at hiya.
"Brad nemen eee. Kakainis ka naman. Bakit may MR. na may Tutoy pa? Di ba pwede Ms. Vice Beautiful nalang?" Sabi niya at natawa ako sa mga sinabi niya dahil ayaw na ayaw niya sa lahat tinatawag siyang Tutoy.
"Hahaha! Ms ang itatawag ko sayo tapos ganyan porma mo? Wow lang ah. Taob mo pa sila James Red at Deniel Padela sa pogi ng suot mo." Natatawang sabi ko kay Vice. Kasi naman....
Naka Vice Pogi talaga ang porma niya. Mas pormang porma pa siya sa ibang lalaki dito. Sana talaga magkaroon siya ng karelasyon para kahit papaano ay may makasama siya sa pagtanda niya.
Vice POV:
Halleeerrrr!!! Ako nga pala si Jose Marie Viceroll aka Vice Beautiful pero Vice ang tawag nila saakin. Walang jowa pero maraming bet na lalaki. Mayroon akong sariling RestoBar. Rock&ViceRoll ang pangalan ng akin RestoBar. Mahilig akong sumayaw kaya sumali ako sa grupo ni Vhong. College palang kami ni Vhong magkaibigan na talaga kami. Kaya alam niya lahat ng sekreto ko. Pati si Billy Crawtoyota ang pinakamaraming alam na kalokohan pero sobrang bait niya sa lahat. Kaya kahit bakla ako di nila ako binabastos. Lahat ng mga dancers dito ay barkada na rin namin.
Nasa Dance studio na ako at alam na alam na ni Vhong ang dahilan ko kung bakit ako laging late. Actually hindi naman talaga yung restobar ang dahilan kung bakit ako late sadyang mabagal lang ako kumilos at mabagal din pumili ng damit. Pero ngayon hindi ko napansin kung bakit lalaking lalaki ang porma ko baka dahil sa nagmamadali ako.
"Hoy POGAY!" Sigaw saakin ni Vhong. Kaloka kanina pa pala ako tulala kasi nagrerehearse na pala sila.
"Kaloka ka Vhong! Ginulat mo naman ako. At saan mo naman na pulot yan salitang Pogay na yan?" tanong ko sa kanya kasi ngayon ko lang narinig yung word na iyon.
"Bakla ka diba? Tapos ang pogi mo today. So PO-GAY poging gay. Hahaha" natatawang sabi ng napakatalino kong kaibigan. Natawa rin ako sa sinabi niya.
"Sira ulo ka talaga! Tara na nga! Magrerehearse pa tayo para sa competition natin bukas. " Oo bukas na ang competition namin. Kaya kailangan na talaga namin magrehearse ng todo.
General POV
Nagrehearse na sila. Nagdagdag sila ng konting steps at improvements sa sayaw nila. Hanggang sa naging perfect na ang lahat. Pagkatapos ng rehearsals para sa competition nila nagsiuwian na ang lahat.
Pero si Vice nag punta muna sa Rock&ViceRoll restobar para i-check yung resto bar niya.
"Kumusta ang restobar ngayon araw na ito?" tanong ni Vice isa sa mga Team Vice niya na si Buernitz
"Ganun pa rin Meme. Marami pa rin costumers." Sagot ng Buernitz sakanya.
"Good! Bukas wala ako dito may personal na lakad ako so kayo muna bahala dito" sabi ni Vice
Uminom lang ng konti si Vice at umuwi na agad ito sa condo. Nag wash up lang siya at tulog na rin dahil sa pagod.
——
General POV:
Nag Fefesbuk si Karylle at may nakita siyang poster ng dance group at ang nakalagay ay "Vhongey and Friends" tapos nakita niya ang kababata niya na si Vhong. At tinignan ang pictures ni Vhong para malaman niya kung talagang si Vhong.
Gusto panuorin at supportahan ni Karylle ang kababata kaya pupunta siya sa dance event nito mamaya.
Mabuti nalang magkasama sila ni Anne sa condo niya.
"Love.... " paglambing ni Karylle kay Anne
"Yes Love?"
"Pwede mo ba ako samahan sa dance event ng kababata ko? Pleaseeee" sabi
ni Karylle kay Anne habang nakapout ito .
"Sure, Saan ba yun?" tanong ni Anne.
"Diyan lang sa EK." Excited na sabi ni Karylle dahil finally 7.50 na ang Ariel charot dahil finally mag kikita na rin sila ni Vhong after 12 years.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
The Beki's Tomboy
Fanfic"Love is Genderless" "Love is Patient" "Love is Everywhere" "Love is Undeniable" "Love is definitely Unstoppable" #StriveForEquality I say "Wake up and Follow your heart" ------VICERYLLE AND VHONGANNE STORY.--------