Hi babies at vhongannes! Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag update. Super busy lang talaga. Hihi. Love lots. ❤️❤️❤️❤️❤️💛💛💛💛💛💛
------------------------------------Vice POV
Hay kakainip wala ako makausap. Si Vhong kausap si Anne. Si Billy naman kausap si Sakang este Karylle pala. Sorry na kung sakang tawag ko kay Karylle kasi naman kahit nakaupo siya sakang pa rin. Hmmm....Ano ba pwedeng gawin ngayon sa bar? Hindi naman siguro mapapansin nila Vhong kung lalandi ako sa mga boys ngayon kasi sobrang busy sila sa mga babae.Pumunta ako sa dance floor at sumayaw tapos lumandi sa mga lalaki. May lumapit sakin at binulungan ako.
" Long time no see Beb. Namiss kita." Bulong niya saakin. Bigla akong lumayo dahil baka makita ako nila Vhong kasi ayaw nila sa lalaking ito. Kaso hinawakan niya yung braso ko. At dinala ako sa VIP room na walang tao at kami lang.
"Alds naman! Bitawan mo ko! Ayoko ng gulo!" Sabi ko sakanya habang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko kaso masyado siyang malakas tapos niyakap pa niya ako ng mahigpit.
"Beb, Sorry na. Mahal na kita. Sorry kung ngayon ko lang na realize. Pero alam ko mahal mo pa rin ako. So please tayo na lang. Pangako hindi na kita paasahin at sasaktan pa." Sabi ni Alds habang yakap ako. Ano akala niya sakin tanga? Ayoko na sa kanya.
"Alds! Kung dati ako ang naghahabol, nag mamakaawa at pinapahiya at sinaktan mo. Pwes! Ngayon hindi na ako yun. Hindi na kita mahal Alds! Kaya pwede ba pakawalan mo na ako? At HUWAG KANG GAYA GAYA! " Galit na galit kong sabi sa kanya. Kaya unti unti na niya niluluwagan yung pag yakap niya at nakaalis na ako sa yakap niya. Sinapal ko siya ng sobrang lakas. At lumabas na ako ng VIP room.
Vhong POV
Habang kausap ko si Anne at Karylle tinitignan ko si Vice na papunta sa dancefloor. Sabi ko na nga ba hindi yan makakapigil kapag nasa bar."Yatotsssss! Huy! Ano ba? Nakikinig ka ba? " Sabi ng kababata kong si Karylle. Nagkwekwento kasi siya kung pano naging sila ni Anne.
"Oo, Nakikinig ako. Grabe pala lovestory niyo ah. So college din pala kayo nagkakilala. Kami rin kasi nila Vice." Sabi ko kila Karylle. Same condo pala sila ni Anne pero not the same room nung college. Then same course pa. Chef din. Tapos since same course at same schedule sila naging magkaibigan sila hanggang sa naging mag girlfriend na sila. Hay. Ang ganda nilang dalawa pero sayang tomboy sila.
"Speaking of Vice. Nasaan na kaya siya? Bigla na lang nawala sa table." Sabi ni Billy na katabi ko.
"Ano pa nga ba Brad? Andun sa dancefloor lumalandi. Hahaha." Yun naman talaga gawain ni Vice pag andito sa bar.
"Vhong, bakla ba si Vice?" Tanong ni babe este ni Anne pala. Ganda niya talaga eh.
"Yes bakla siya. Pero kakaibang bakla."
"Panong kakaiba?" Tanong ni Karylle
"Basta! Wait hanggang malaman mo." Sabi ko at uminom ng alak. "Hanapin ko lang si Vice." Umalis na ako at hinanap si Vice.
Nasaan ba kasi yun? Hanap ako ng hanap sa dance floor hanggang sa pabalik na ako sa table namin. Dumaan si Buernitz. At hinarang ko.
"Buern. Si Vice nasaan?" Tanong ko kay Buern.
"Uy Papa Vhong! Happy Birthday! Ah si Meme ba hanap mo? Nakita ko kanina may kasamang lalaki pumunta sa VIP room." Sabi ni Buern. Sabi ko na nga ba lumalandi na naman. Mapuntahan nga.
"Sige Buern. Thank you!" Sabi ko at pumunta na sa VIP room. At pag dating ko sa VIP room sakto palabas si Vice at natitigan kami. Kita ko sa mga mata niya na umiiyak siya at dali dali niya akong hinila papunta sa lugar na walang masyadong tao at niyakap ako. Umiyak siya ng umiyak.
General POV
Umiyak ng umiyak si Vice sa shoulder ni Vhong. Kaya si Vhong naman todo hagod sa likod ni Vice. Hanggang sa mag salita si Vice."Hindi ko na alam gagawin ko. Andiyan si Alds. Nagkita kami at nag usap. Vhong please wag mo kong pagalitan." Sabi ni Vice habang naiyak ito.
"Brad... Tahan na. Hindi kita pagagalitan." Hinarap ni Vhong si Vice at kinausap.
"Pero ano ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba?" Tanong ni Vhong kay Vice.
"Gusto niya maging jowa ako." Sagot ni Vice.
Kaya nagulat si Vhong. At kitang kita mo sa mukha ni Vhong ang galit.
"Ano ginawa mo? Pumayag ka ba?" Tanong ni Vhong na may halong galit.
"Hindi. " Sagot ni Vice at kinuwento lahat ng pag-uusap nila ni Alds kanina sa VIP room.
"Buti naman natuto ka na! Pero Brad, bakit umiiyak ka pa?" Sabi ni Vhong.
"Brad, sympre kahit papaano may natitira pa rin na pag mamahal ito para sakanya." Sabi ni Vice habang nakaturo sa puso niya.
"Bakit hindi mo ulit subukan mag mahal ng babae? Malay mo this time mag work na." Sabi ni Vhong kay Vice sabay hila kay Vice. Pero tumigil sila.
"Hoy! Teka nga! Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ni Vice na naiinis.
"Sa pagbabago."
At hinila siya ni Vhong papunta sa table nila Karylle kung saan mag kausap pa rin sila Billy, Karylle at Anne.
"Yatots! Oh.... Kasama mo na pala si Bakla." Sabi ni Karylle kay Vhong.
"Andito pa pala tong Sakang na ito." Sabi ni Vice.
Mag-aaway pa sana sila pero pinigilan sila ni Vhong.
"Ano ba kayo?!? Hindi na ba kayo magkakasundo? Please for me mag kasundo naman kayo. " sabi ni Vhong kila Vice at Karylle.
"Oo nga para maging mag kaibigan na tayong lahat." Dagdag ni Billy. Kaya tumahimik nalang ang dalawa at inenjoy ang party.
Nag-iiwasan ng tingin ang Vicerylle buong party ni Vhong. Kasi magkatapat lang ang upuan ng nila. No choice ginawa kasi talaga nila Vhong yun para mag Ok na ang lahat.
Karylle POV
Grabe makairap itong baklang to. Kala niya hindi nahahalata na kanina pa siya nakatingin sakin pero pag tumingin ako sakanya todo iwas naman siya.Hay bahala ka diyan!
Napatingin ako kay Anne na todo chika kay Vhong. Mukhang nagkakagustuhan na itong dalawang to ah. Okay lang sakin kung si Vhong ang ipapalit niya saakin. Dahil alam ko aalagaan siya at mamahalin siya ng kaibigan kong yan.
Kinausap naman ako ni Billy. Hay salamat hindi na panis laway ko. Sarap kakwentuhan si Billy. Napatingin naman ako kay Bakla na nakatingin din saamin ni Billy pero umiwas na naman siya ng tingin.
"Brad! Pagod na ako. Uuwi na ako. Happy Birthday ulit!" Rinig kong sabi ni Vice kay Vhong at pumayag naman si Vhong tapos umalis na si Vice.
"Kayo? Ayaw niyo pang umuwi?" Tanong ni Vhong saamin ni Anne. Wow. Buti naman isipan pa ni Vhong umuwi kala ko sosolohin na niya si Anne hanggang bukas.
"Sure. Uwi na kami! Thanks Bruh! Happy Birthday ulit!" Sabi ko kay Vhong at nag paalam na rin ako kay Billy.
To be continued......

BINABASA MO ANG
The Beki's Tomboy
Fanfiction"Love is Genderless" "Love is Patient" "Love is Everywhere" "Love is Undeniable" "Love is definitely Unstoppable" #StriveForEquality I say "Wake up and Follow your heart" ------VICERYLLE AND VHONGANNE STORY.--------