PROLOGUE:

3 1 0
                                    

MORTAL WORLD

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa isang dalaga galing sa kaniyang ama

"BAKIT MO SINAKTAN ANG KAPATID MO HALIESHEA!! WALA KA NG GINAWANG TAMA WALA KA NANG KWENTA NAKUKUHA MO PANG SAKTAN ANG KAPATID MO!!"

Malakas na sigaw ng isang ama sa dalagang nagngangalang Halieshea.

Nakasunod sa kanyang ama ang kanyang nakatatandang kapatid, hawak hawak Ang kanyang braso na dumudugo.

Ngumisi lang Ang dalaga dahil sa galing pagpapanggap ng kanyang kapatid.

"I didn't do anything to her"

Cold na pagkakasabi ng dalaga sa amang galit na galit, sa galit ng kaniyang ama, aambahan sana ulit sya nito ng sampal pero napigilan nya ito at nginisihan.

"Lay your hands on my face again-" lumapit sya at bumulong sa ama

"I'll kill you, kasama nang mapagpanggap mong anak, I don't care if you're my father and she's my sister, wala pa nga akong ginagawa nasasaktan na sya, panu kaya pag tinuloy ko ang pagpapanggap nya"

Lumayo sya sa ama at ngumisi

"Mark my words dad"

Tumalikod ang dalaga sa galit na ama at umakyat na sa kanyang kwarto, nang makarating sa kanyang kwarto, kinuha nya ang libro na nasa loob Ng kanyang bag.

Naagaw nito ang kanyang pansin nang sya ay pumunta sa book store bago umuwi.

IMMORTAL WORLD

Puro panghuhusga at pandidiri ang tingin ng mga estudyante sa prinsesang nagngangalang Haneshiea, naglalakad ito papunta sa prisepeng kanyang minamahal, dala dala ang mga pagkaing kanyang niluto para dito.

Napansin niyang kasama ng prinsepe ang mga royalties, isa na dun ang kanyang mga kapatid na parehong may disgusto at galit sa kanya.

Nang siya ay makalapit iniabot nya ang mga pagkain at ngumiti ng matamis.

"Keor para sau ako Ang nagluto niyan"

Nakangiting ani ng dalaga, lalong lumawak ang ngiti nang dalaga nang ito'y tinanggap ng binata.

Pero napawi ang kanyang ngiti ng itapon ito ng binata sa kaniya at hinalikan nito ang kanyang kapatid na babae sa mismong harapan ng nasasaktang prinsesa.

"Hinding hindi kita mamahalin Haneshiea dahil ang kapatid mo Ang mahal ko"

Napakagat sa labi ang dalaga dahil sa pagpipigil ng luha, ngunit traydor ang kanyang luha at tuluyan na itong nalaglag galing sa kaniyang kulay dagat na mga mata.

"N-n-niluto ko yun para sayo ba-bakit mo tinapon"

Humihikbing saad ng dalaga, lumapit sa kanya ang kanyang kapatid na si Erusia, ang minamahal ng prinsepeng kanyang tinatangi, nang makalapit ito sa kanya tinulak sya nito.

Kinuha nito ang pagkain na ibinigay ng prisesa sa prinsepe na natapon na, ngumisi sa kanya si Erusia at binuhos sa kanya ang pagkaing kaniyang pinaghirapang maluto.

Natawa ang lahat ng nakakita sa ginawa ng kanyang kapatid, gayon na rin ang kanyang minamahal na prinsepe

Bumuhos ang luha ng prinsesa...tumayo sya at tumakbo palayo sa mga taong mapanghusga



0:54 ┈┈┈◯┈┈┈┈┈┈┈3:00

(A/N: Music will always helps you to ease the pain)

~This story is not edited, so expect grammatical error and typos


•NEOSTERIUMPIENTA•

WHAT'S REALLY ON THE BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon