HANESHIEA
Naalimpungatan ako ng may marinig akong malakas na pagsabog. Hindi ko mawari kong saan ito nagmula, ngunit sa tingin ko'y nagmumula ito sa harding pinuntahan ko kani-kanina lang.
Tumingin ako sa orasan, 12:00 na ng gabi. Bumangon ako't dahan dahang nagtungo sa pintuan, dahan dahan ko itong binuksan at luminga linga, nagbabaka sakaling mayroon pang ibang nagising ng malakas na pagsabog, ngunit saaking palagay ay ako lamang ang nagising sa malakas na tunog na iyon.
Dahan dahan akong lumabas ng aking silid, bumaba sa napakahabang hagdan. Mabuti na lamang sanay na akong lumakad ng walang tunog at walang maiiwang bakas sa bawat pagtapak ng aking mga paa sa sahig man o sa lupa.
Nang ako'y makababa ay bumungad saakin ang napakalaking pintuan ng palasyo na naka-awang ng kunti. Napakunot ang aking nuo nang mapagtantong wala ring ni isang
kawal na magbabantay sa loob ng palasyo.‘Hindi man lang sila natatakot na manakawan?’
Hindi ko nalang iyon pinansin at tinungo sa pintuang nakaawang, unti unti ko itong binuksan at sumilip ng kaunti upang masiguro kung mayroon bang nagbabantay na kawal sa labas. Ngunit muli na namang napakunot ang aking nuo nang masiguradong wala ring nagbabantay sa labas ng pintuan.
Dahan dahan akong lumabas sa napakalaking pintuan, nilibot ko ang aking paningin ng ako'y makalabas. Napakatahimik at taging tunog lamang ng mga naghihilik na mga hayop at tanging maririnig sa paligid. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng tahimik patungo sa hardin, kung saan nagmula ang malakas na pagsabog.
Nakamamangha ang paligid at kalangitan, napakaraming bituin at ang buwan sa mundong ito'y tatlo, hindi tulad sa mundo ng mga taong iisa lamang ang buwan, ang buwan sakanila'y may tatlong kulay, pula ang pinakamaliit, abo ang pinakamalaki, at ang katamtaman ay kulay dagat. Manghang mangha ako habang naglalakad patungong hardin, ngunit ang pagkamanghang iyon ay mas lalong lumala nang masilayan ko ang napakagandang batis. Ang tubig nito'y napakalinaw at sumasabay sa pag-ilaw ng tatlong buwan sa kalangitan.
Ang mga halaman ay berdeng Berde, at ang mga bulaklak nama'y kulay bahaghari. Ang taglay nitong liwanag ay di nakasisilaw, sapagkat napakaganda nitong pagmasdan. Hinayaan ko ang aking mga paang tumungo sa batis, kinalimutan ang masasamang impormasyong nakalap tungkol sa batis na ito.
Napakasarap sa pakiramdam masaganang hangin na tumatama saaking balat. Napakagaan sa kalooban ng gabing ito, hindi ko mawari kong bakit pinagbabawal na ito'y puntahan at lapitan gayong napakaganda ng batis na ito.
Dahan dahan akong nagtungo sa batis at inilubog ang aking mga paa sa napakalinaw na tubig. Hindi malamig at hindi rin mainit ang tubig, tamang Tama lang ang ligamgam nito, napakagandang pagmasdan ng tubig, sa paglubog ng aking mga paa'y Siya ring pagliwanag ng tubig.
“Wow” Ang tanging naibulalas ko habang pinagmamasdan Ang tubig na lumiwanag at pumalibot ang mga isdang may iba't ibang mga kulay. Ang mga bulaklak ay bumuka't lumabas dito ang mga paruparo't mga bubuyog na may kumukintab na mga pakpak.
Nakakatuwa panuorin ang makukulay na pangyayari sa batis na ito, ngunit ang kasiyahang iyon ay napawi at napalitan ng pagkagulat ng may taong lumusong mula sa tubig. Tao nga ba o isang serino? Sapagkat lalaki ang lumusong mula sa tubig. Pinagmamasdan ko ito ng mabuti, mayroon siyang napakagandang pangngatawan, may buntot na kulay bahaghari, kumikinang ang kaniyang mala abong mga mata sa liwanag na nanggagaling sa batis, ang kaniyang mahahabang pilik mata'y kitang kita, gayon din ang makakapal niyang kilay, mayroon din siyang matangos na ilong, maputing balat, buhok na may mga pultak ng asul at napakapulang mga labi.
Nakaawang ang aking labing nakatingin dito, lumusong ito at ako'y nagulat. Pa-paanong nawala Ang kaniyang buntot at napalitan ng mga paa, ang kaninang huban niyang katawan, ngayo'y mayroon ng kasuotan, Ang kaninag kulay abo niyang mga mata'y napalitan ng pula ngunit iyon ay panandalian lamang, sapagkat napalitan ng berde ang kaniyang pulang mga mata, ang buhok niyang kanina'y may pultak ng asul, Ngayo'y tuluyan nang naging kulay abo.
“Si-sino ka?” May pagtatakang tanong ko sakaniya. Tumingin ito saakin at naroon parin ang napakalamig niyang mga tingin.
“I'm the one who should ask you...Who are you? And what are doing in my place?” Tanong niya saakin, pero teka? Place? Hindi ba't sakop ito ng hardin ng palasyo?
“This is not part of your palace, it's part of my place... I'll repeat it again even if I hate it, who are you?” Pangalawang tanong niya saakin, te-teka, part ng lugar niya? At paano niya nalaman ang iniisip ko? Kunot nuo ko itong tiningnan.
“What do you mean by that?” Tanong ko, hanggang ngayo'y naguguluhan parin ako, paanong nasa loob iyon ng hardin ng palasyo?
“Wag ka ng maraming tanong, sino ka ba talaga?” Inis niyang saad, nagulat pa ako nang magsalita Siya ng tagalog, ang hot- wait... Bakit ko Siya pinupuri?
“I'm Hale- I mean... Haneshiea Greawn Shaza” Tugon ko sakaniya
“I-ikaw sino ka?” Nauutal na Tanong ko sa tao- wait...tao nga ba ito?
“I'm Vib” Malamig na tugon nito, Vib? Yun lang? Ano yun Vebe?
“Vib? Yun lang?” Nagtataka ko siyang tiningnan, tumaas ang kilay niya
“Yes, only Vib” Tugon nito't humakbamg papalapit sa akin.
Napaatras ako habang siya'y umaabante, napapikit ako ng mapagtantong wala na akong ibang maatrasan, sapagkat puno na ang nasa aking likuran, itinukod niya ang kaniyang mga kamay sa aking gilid, kaya't ako'y kaniyang nakulong, sinubukan kong tumakas ngunit napapikit na lamang ako ng siya'y tumungo at inilapit ang mukha saakin.“Now lady... answer my question, what are doing here?” Tanong niya, ramdam na ramdam ko ang lapit niya saakin.
“Ma-may narinig akong malakas na pagsabog, kaya't sinundan ko ito, hindi ko naman alam na mayroon palang nagliligo ngayon sa batis na ito ” Mahabang paliwanag ko. Napamulat ako ng maramdaman kong may dumamping napakalambot na bagay saaking mga labi.
Nanlalaki ang aking mga mata ng mapagtantong hindi iyon basta malambot na bagay, sapagkat ang bagay na iyon ay...Ang labi ng nilalang na nagngangalang Vib.
Napaatras ito ng malakas ko siyang itulak, napatutop ako saaking nga labi't tumitig dito ng may panglalaki ng mga mata, hahampasin ko sana siya ng mabilis itong nawala saaking harapan at tanging tinig na lamang niya ang aking narinig...
“From now on your mine, my moon”
•NEOSTERIUMPIENTA•
BINABASA MO ANG
WHAT'S REALLY ON THE BOOK
RandomHalieshiea Gouweun Salvo, a girl that always reading a books and her life is full of mystery, no one knows that she is a mafia, no one knows that, she is has good heart, she loves lion, but her family hates her because of so many reasons. Haneshiea...