-Nicole Santiago-
Nakahiga lang ako at tulala. Tanging kisame lang ang tinututukan ko pero wala dun ang isip ko. First day of class na ngayon sa bago kong papasukan na skwelahan. 12th year or senior year of high school na ako. Kinakabahan ako na excited. Kinakabahan kasi what if napaka hirap ng mga projects, assignments, activities o sa madaling salita, what if napaka hirap ng buhay doon?
Excited din ako kasi makaka meet na ako ng new people. At sana magiging friendly sila sa akin, kasi magiging friendly din ako sa kanila.
Ako nga pala si Nicole Santiago. 17 years old. 5'4 ang height. Medyo mataray ako sa mga taong hindi ko gusto. Kaya wala akong masyadong kaibigan sa U.S. eh, kasi hindi ko sila gusto.
Hindi ko na masyadong idedescribe ang sarili ko kasi baka magalit kayo sa akin. Sabihan niyo pa ako ng conceited.
Nag iisang anak na lang ako nina Nico at Amanda Santiago. Sa U.S. ako nag aaral noon kasi for the past six years doon nakafocus ang work ng parents ko. Pero last month lang, bumalik kami dito sa Pilipinas kasi dito na naman sila mag fo-focus. Ako naman, no choice eh di sumunod sa kanila. Wala naman akong karapatan mag reklamo. Tsk.
Tinignan ko ang orasan na nasa bedside table ko. Bumangon na ako nang makitang 5:22 A.M. na 7:30 A.M. ang klase pero kailangan pa naming mag flag ceremony kaya kailangan ko ng bumangon. At isa pa, mas mabagal pa ako sa pagong kung kumilos.
Naligo na ako at nag toothbrush na rin.Sinuot ko na ang uniform ko. Hmmm, Yung top ay long sleeve at white tapos may kulay pula na neck tie at nakalagay doon ay SHS at pababa ang pagkasulat noon. Meaning nito ay Senior High School. Nakabase sa neck tie naming kung anong antas kami. Sa pambaba naman ay below the knee na pulang skirt. Ang init tignan pero aircon naman daw kada classroom doon. Nagsapatos na ako at nagsuklay na din.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako patungong dining room para kumain.
"Good morning 'nay Tere" masiglang bati ko kay manang Teresa na ngayo'y naghuhugas ng pinagkainan nina mommy at daddy.
Hay, nauna na naman silang umalis.
"Oh, andyan ka na pala. Sige kumain ka na para hindi ka ma late. First day mo pa naman" sabi ni 'nay Tere kaya umupo na ako at nilagyan na ng ulam at kanin ang plato ko. Binigyan din ako ni 'nay Tere ng gatas.
"Salamat 'nay Tere" nakangiti kong sambit at ngumiti din siya sa akin.
Hay, kung si mommy lang ang gumagwa nito sa akin ngayon.
Well, wala naman akong magagawa kaya kumain na lang ako. Pagtingin ko sa wall clock, 6: 45 na at 6:30 daw ang flag ceremony. Hindi na ako nag-alala dahil plano ko talagang magpa late. Ayoko kasing intrigahin ako ng mga magiging kaklase ko first thing in the morning eh. Kaya magpapalate na lang ako para sa flag ceremony, eh hindi muna nila ako makakausap. First day of class naman kaya okay lang siguro ma late.
"Sige 'nay, una na ako" masigla kong sabi at saka naglakad na palabas. Paglabas ko ng pinto, nandun na ang kotse kaya pumasok na ako agad. Pagpasok ko, binati ko na ang driver naming si Kuya Angelo.
"Good morning kuya" masigla kong bati
"Good morning din miss" masigla din niyang bati. 29 na si kuya at hindi sya nakapagtapos ng pag-aaral kaya naging driver na lang namin sya.
BINABASA MO ANG
To Love or Not?
Teen FictionTo love or not? ~~o--o~~ a/n: characters, places, scenes are only fictional. Gawa lang ang mga ito ng aking imahinasyon. Kung meron mang kaparehas ng character, name of place, or scenes in this story sa other stories are purely coincidental. Al...