Chapter 2

36 7 0
                                    

-Nicole Santiago-


Lunch break na at naglalakad na kami nina Michelle at Andrea patungong cafeteria. Pagpasok namin, namangha ako sa laki. 2 floors siya. May hagdanan sa kaliwa at sa kanan patungo sa second floor.

Pero siyempre hindi mawawala ang kaingayan ng mga estudyante.

"Tara dun tayo!" sabi ni Michelle at naglakad patungo sa isang bakanteng table at sinundan naman namin siya.

"Nicole, tayo na ang bumili"sabi ni Andrea at pumayag naman ako. Naiwan si Michelle dun sa table para wala ng o-okupyado nun. 

"Nicole mamaya ay ito-tour ka namin dito sa school. Baka sakaling maligaw ka" sabi ni Andrea at tumawa ng mahinhin.

"Sure! Thanks in advance" sagot ko naman. "By the way Andrea, may boyfriend ka na ba?" tanong ko.

"uhm, wala. Manliligaw pa lang" sagot niya at namula.

"Sus, may gusto ka sa manliligaw mo no?" mapang-asar kong tanong at lalo siyang namula. Hahaha, ang cute niya tuloy. "Eh, bakit hindi mo pa siya sinasagot?" tanong ko na naman

"Eh, marami pa siyang dapat patunayan eh" sagot niya at napakunot naman ang noo ko. Parang nabasa naman nia ang ekspresyon ko kaya nag buntong hininga siya "Actually, may pagka playboy siya noon. Kabi-kabila ang mga babae niya. Kaya nabigla ako nung isang araw ay bigla na lang niya sinabi na may gusto siya sa akin. Sabi niya na manliligaw daw siya. Syempre hindi ako pumayag at first kasi ayokong masaktan pero nakita ko ang sinseridad niya kaya pumayag na ako." pagpaliwanag niya.

"Kilala ko ba kung sino ang manliligaw mo?" tanong ko. Alam kong ang chismosa ko pero hindi ko talaga mapigilan ang pagtanong eh.


"Actually, kaklase natin siya." nabigla ako sa sinabi niya. Kaklase? Eh wala naman akong natatandaang lalaki na nagpapapansin sa kanya kanina sa classroom ah.

"Sino?" takang tanong ko

"Si Joshua" sagot niya at parang namula pa. Si Joshua? Sa pagkakaalam ko, barkada sila ni Gian. Siya yung kung makatawa ay wagas kanina sa classroom. Well, oo nga't gwapo din yun. I mean, wala namang pangit sa mga kaklase ko.

"Eh ba't parang hindi naman kayo nagpapansinan kanina?" tanong ko na naman. Kanina kasi, parang iniiwasan nila ang isa't isa.

"Nag-away kasi kami" malungkot niyang tugon. Oh gosh Nicole, tigil-tigilan mo na ang pagtatanong. Sumosobra ka na ah.

"Bakit?" Letseng bibig 'to, ayaw huminto.

Parang nagdadalawang isip si Andrea kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi.

"Teka, turn mo na" sabi niya at napaharap ako sa counter at sinabi na ang bibilhin ko. Hindi rin naman nagtagal ay binigay na sa akin ang tray na naglalaman ng pagkain ko at pagkain ni Michelle. Naku, parang mahihirapan ako nitong maglakad ah.


"Do you need help, Miss?" sabi nung lalaki na nasa counter. Umiling na lang ako at nagpasalamat kasi ayoko namang makaabala at mukhang busy din siya. Hindi rin naman nagtagal si Andrea at sabay na kaming naglakad pabalik sa table namin.


Hinay-hinay ako sa paglalakad dahil baka may mabangga pa ako. Nagkalat pa naman ang mga estudyante sa cafeteria. Sinabayan din naman ako ni Andrea sa paglalakad kahit mabagal ako. Nag offer siya na kunin ang iba kaya syempre pumayag ako.

To Love or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon