-Nicole Santiago-
Tapos na rin ang klase kaya pauwi na kami. Pumunta na akong parking lot at pagdating ko dun ay wala pa ang kotse.
Baka na traffic si kuya Angelo.
Since wala naman din akong magawa, nag-hintay na lang ako at dahil walang mauupuan ay nakatayo lang ako.
Maya-maya ay may kotseng huminto sa harap ko. Pagbukas ng side window ng kotse ay nakita ko si Gian na nakangiti.
Problema nito?
"Nicole? Wala pa ang sundo mo? Tara hatid na kita" nakangiti niyang tugon. Agad naman akong kinabahan.
Teka, hindi ko pa siya masyadong kilala at hindi pa rin niya ako masyadong kilala. Tapos yayayain niya akong ihatid? Baka naman may masamang balak to sa'kin.
Agad ko namang tinakpan ang katawan ko pero hindi masyadong halata, parang nag cross arms lang ako.
"Uhm, no thanks. Padating na daw ang driver ko" sabi ko na pilit pinapakalma ang boses.
"Teka, natatakot ka ba sa akin?" kunot-noo niyang tanong
"huh?"
"Nag-iisip ka ba na ire-rape kita?"
"H-hindi ah. Ah! Nandiyan na ang sundo ko! Sige, bye!" agad-agad akong tumakbo at pumasok sa loob ng kotse. Buti naman at nakadating agad si kuya Angelo.
"Naku pasensiya na miss, na traffic eh" sabi ni kuya Angelo
"okay lang kuya"
Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Parang ayokong umuwi. Hay nako, pagod lang siguro 'to.
Hindi naman nagtagal ay nakauwi na din kami. Pagpasok ko ng bahay, nakita ko agad si mommy na nakaupo sa sofa, naka cross arms at parang galit na galit. First time ko siyang makita dito sa bahay na maaga. Kadalasan kasi ay gabi na siya umuuwi.
Lumapit ako sa kanya para sa halikan siya sa lips gaya ng ginagawa ko noon. Pero natigilan ako sa tanong niya.
"How's school?" hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o matatakot sa tanong na 'yun.
Masisiyahan ba dahil sa wakas ay tinanong niya ako niyan gaya ng pagtanong ng normal na nanay sa anak nila, o matatakot dahil sa itsura niya?
Pero pinili ko ang maging masaya.
"Okay naman po! Friendly po ang mga kaklase ko at nakahanap din po agad ako ng kaibigan. Tapos yung teacher namin, minisan mabait, minsan strict. Tapos ang laki din ng cafe--"
"Wala kang nakaaway?" doon na ako natakot.
"W-wala naman po" kitang-kita ko ang pamumula niya sa galit.
"How dare you lie to me?!" sigaw niya dahilan ng panginginig ko.
Sinisigawan na naman niya ako.
"P-po?"
"Akala mo hindi ko alam ang kalokohang ginawa mo sa school? Ganyan ka na ba talaga ka tanga para hindi makita ang tao sa harap mo? At nakipag sabunutan ka pa?!" galit niyang sigaw sa akin habang ako naman ay pinipigilang tumulo ang luha.
"H-how---" hindi ko pa naman naitanong pero sumagot na siya.
"Paano ko nalaman? Eto! eto!" sabay pakita abot sa akin ng iPad at kahit hindi pa nakaplay ang video ay alam kong kami 'yan ni Gayle.
BINABASA MO ANG
To Love or Not?
Genç KurguTo love or not? ~~o--o~~ a/n: characters, places, scenes are only fictional. Gawa lang ang mga ito ng aking imahinasyon. Kung meron mang kaparehas ng character, name of place, or scenes in this story sa other stories are purely coincidental. Al...