-Nicole Santiago-
Saturday ngayon at nasa mansyon kami ni Oliver dahil birthday niya. Wala namang party o ano. May handa pero hindi marami. Mas gusto kasi ni Oliver ng simpleng birthday lang. Wala din namang masyadong tao, mga close friends lang kasi ang inimbita niya. Meaning, yung ka tropa niya at kaming tatlo nina Andrea at Michelle lang ang bisita niya. Nalaman kong close naman talaga sina Andrea at Michelle kina Gian pero dahil sa hindi pagkakaintindihan nina Andrea at Josh ay hindi muna masyadong lumalapit sina Michelle sa kanila. At ako naman, since sina Michelle at Andrea ang naka close ko, nasama na din ako sa barkada nila. And since magkabati na sina Andrea at Josh ay nagkasama-sama na naman sila. Naku, ang hirap talaga basta ang ka relationship mo ay isa sa barkada mo.
"Happy birthday to you!" kanta namin para kay Oliver. May dalawa siya nakababatang kapatid at ito ay kambal na babae. Ang mommy at daddy niya ang nagluto ng mga ulam at kanina pa ako nagugutom dahil sa amoy ng mga pagkain. Amoy pa lang, ang sarap na. Chef kasi ang parents niya.
"Thank you!" masiglang sabi ni Oliver sa amin.
"Naku, ang tanda na ng anak ko! Parang kelan lang, kinakain mo pa ang dumi mo!" sabi ng mommy niya at kahit nandidiri kami ay pinagtawanan pa rin namin si Oliver na ngayo'y mas pula pa sa kamatis.
"Mommy naman eh! Hindi ako kumakain nun noh!" pagdedeny naman ni Oliver.
"Hay nako, anak, bawas-bawasan mo na ang pagpapaiyak ng babae ha?" natatawang sambit naman ng daddy ni Oliver.
"Hay nako dy, stick to one ata 'tong anak niyo!" proud pa niyang sabi.
"Anong stick to one ang pinagsasabi mo? Ni wala ka ngang girlfriend eh!" at nagtawanan kami sa sinabi ni Joseph at namula na naman si Oliver.
"Bakla kasi si kuya" sabay na sambit ng kambal na kapatid ni Oliver.
"Hoy! Anong bakla pinagsasabi niyo ha? Lalaking-lalaki ako noh!" kunot-noong sabi ni Oliver.
"Hay nako, tama na nga 'yan. Kumain na muna tayo" At napangiti ako ng todo pag sabi ng mommy ni Oliver nun.
~~o--o~~
"Oh it's so sad to
Think about the good timesYou and I!!"
Kung pwede lang takpan ang bibig ni Michelle ay kanina ko pa ginawa. Kaso feel na feel niya ang pagkanta at baka ma hurt siya pag ginawa ko 'yun. Tsk, mas gustuhin ko pang mabingi kaysa pakinggan ang boses niyang mas malala pa sa iyak ng baboy. Pati nga sila pasimpleng tinatakpan ang tenga eh.
Nandito kami ngayon sa music room ni Oliver at nagvi-videoke. Mahilig kasi sa musika ang pamilya ni Oliver kaya may music room sila. Napag-alaman kong silang lahat maliban kay Michelle ang mahilig din sa musika. Mahilig naman ako sa musika pero wala naman kaming music room sa bahay. Actually, meron kami noon dahil mahilig kami ni kuya tumugtog.Ako guitar at piano lang at si kuya ay maraming alam. Kaso simula nung mawala siya, naging empty na ang room na 'yon. And simula nun, hindi na din ako tumutugtog.
"Huy Nicole! Ikaw na naman! Ikaw na lang hindi kumanta eh." sabi ni Michelle sa akin. Ako na lang ba talaga?
"Huh? Eh hindi din naman kumanta si Gian ah." sabi ko. Actually, nahihiya akong kumanta. I mean, hindi sa pagmamayabang pero maganda naman ang boses ko pero matagal na akong hindi nakakanta gamit ang microphone at hindi ko matandaan kung kailan ako huling kumanta kaya baka hindi na maganda ang boses ko pag kumanta.
"Eh hindi naman talaga kumakanta 'yan eh. Kahit anong pilit mo" sabi naman ni Michael habang nakatuon ang pansin sa cellphone niya.
"Huh? Eh ayoko ding kumanta eh." pagtatanggi ko.

BINABASA MO ANG
To Love or Not?
Teen FictionTo love or not? ~~o--o~~ a/n: characters, places, scenes are only fictional. Gawa lang ang mga ito ng aking imahinasyon. Kung meron mang kaparehas ng character, name of place, or scenes in this story sa other stories are purely coincidental. Al...