Chapter 4

24 7 0
                                        

-Nicole Santiago-


One month na ang makalipas simula nung pasukan. And well, wala namang masyadong changes. Na meet na namin ang mga subject teachers namin. Mas nagiging close din ako sa iba ko pang kaklase. Iba kasi sila sa previous classmates ko eh. Dito kasi, parang kapatid na ang turing sa isa't isa. Siguro dahil kadalasan sa kanila ay kilala na ang isa't isa mula pa first year. Si Andrea at Joshua ay hindi pa rin nagkakaayusan. Tinanong ko ulit si Andrea tungkol dun at wala pa rin akong nakuhang sagot. Pati si Michelle wala ding alam. Ang alam ko lang ay the day before first day of class sila nag-away. Hay naku, feeling ko nga ay hindi na itutuloy ni Josh ang panliligaw. Mukhang masaya naman siya ngayon eh. Ewan ko lang kay Andrea. Tuwing tumatawa kasi si Josh eh parang nalulungkot siya. Hay, hindi naman siguro totoo ang katagang "Masaya na ako basta masaya ka"

Si Gian naman, hindi ko alam pero the day after nung pinatawad ko na siya ay parang naging suplado siya. Ningitian ko siya noon pero hindi niya ako pinansin. Asan na 'yung "so friends na tayo?" Psh. Bipolar siguro ang taong iyon. Hindi ko na lang din siya pinansin after nun. I mean, hello? Alangan naman ngingitian o babatiin ko siya palagi while dedma naman siya? Magmumukha lang akong tanga at desperada noh. Hindi naman porke crush ko siya ay magpapapansin na ako.

Yung parents ko naman, ewan. Minsan lang naman kami magkikita sa bahay so wala akong say.

Nandito kami sa classroom ngayon and since walang teacher kasi may meeting daw, gumagawa na lang kami ng assignments and projects namin. Pinauwi na sana kami pero itong mga kaklase ko ay napaka grade conscious at nahawa naman ako. Well actually, grade conscious na ako noon pa pero parang mas lalo akong naging grade conscious ngayon kasi yung ibang kaklase ko ay napaka competitive! Honestly, plano ko talagang magpa top 1. 'Yon talaga ang goal ko mula pa noon.

Para naman maging proud sila sa akin.

Umiling na lang ako sa naisip ko. Okay, nagda-drama na naman ako.

Plano ko ngang magpa top 1 kaso hindi ako sure kung maabot ko 'yun. Ang hirap kasi ng mga pinapagawa sa amin! Nangangamba ako kasi parang sanay na ang mga kaklase ko.

Ang pinagkakaabalahan ko talaga ngayon ay ang Math. Grabe naman kasi, wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng Math teacher namin sa bilis ng pag di-discuss niya.

Solve dito, solve doon ako ngayon pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga makuha ang sagot. Ayaw ko namang gambalain ang mga kaklase ko since busy din sila sa pinanggagawa nila. Maliban kina Gian at sa barkada niya na prente lang makaupo. Ang chill lang nila, ba't hindi na lang sila umuwi? Wala naman silang ginagawa. Ewan ko pero nakakainis ang pagka chill nila.

Napasandal na lang ako sa sandalanan ng arm chair ko at pinaikot ang ulo ko habang nakahawak ako sa leeg. Kanina pa pala ako nakayuko. Gusto ko ng magwala! Hindi ko pa rin alam kung paano to i-solve! Tsk. Kailangan kong pag-aralan 'to kasi next week na exam namin.

"Parang problemado ah?" at nabigla na naman ako sa malamig niyang boses. Sino pa ba? Eh di si Gian. Ano na naman ang trip nito at kinakausap niya ako ngayon?

"Pakealam mo ba?" hindi ko alam kung bakit 'yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil na rin to sa stress. Nasa seat siya ngayon ni Andrea dahil nasa likod si Andrea, gumagawa ng project.

Tumawa siya ng mahina at sinabing "Ba't parang galit ka?"

Feeling ko mang-aasar lang to eh. "Kung wala kang maitutulong, bumalik ka na sa seat mo, o pwede ka na din namang umuwi, mukhang hindi ka naman busy" sabi ko sabay tuon ulit ng pansin ko sa notebook ko.

Naramdaman ko na lang bigla ang paglapit ng mukha niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa notebook ko at parang nag-iisip. Hindi ko alam pero feeling ko ang init ng mukha ko.

To Love or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon