Chapter 47

698 47 9
                                    

Chapter 47

I know it's too early to assume that she's not part of the things that are happening to me. Hindi sapat na nakita kong hindi nag-ring ang phone niya sa tawag ko, hindi sapat na nakita kong wala siyang na-receive na text mula sa akin. But somehow..it made me hope evenmore. It made me hold on to believing her, kasi gustong-gusto kong magtiwala sa kaniya kahit minsan niya nang sinira ang tiwala ko.

Kasi mas gusto ko pa ring magtiwala kaysa ang pagdudahan siya. Kasi pakiramdam ko sobrang bigat na ng dibdib ko dahil sa mga nangyayaring ito.

I just want Levi's investigation to be over. I just want to get over this because it breaks me to continue suspecting her.

"Are you okay?" Nozé asked while we're heading home from the site.

Sakay kaming tatlo ng isa sa mga van na gamit ng bodyguards ko. Natasha and Connie are both with us inside. Ang sasakyan naman namin ni Nozé ay ipinagkatiwala sa ibang bodyguards para ihatid sa Manila.

I sighed and nodded. "Just a bit tired.."

"You should take a nap."

Tumango naman ako.

I leaned on the backrest and closed my eyes, not to take a nap but to think about things.

Nothing suspicious happened today. Siguro busy lang si Casey sa cellphone niya kanina kasi may mga kausap. I waited for the number to text me again, kasi kung magti-text iyon at alam niya nanaman ang ginagawa ko, sino pa ba ulit ang paghihinalaan ko?

And I realized that I'm being paranoid, thinking that she's texting someone, and thinking that she's an accomplice of whoever that person is.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ang utak ko sa mga nangyayari. I just really want peace of mind.

We dropped Casey and Nozé at the hotel they're staying at. Gusto pa nila akong yayain mag-dinner pero tumanggi ako dahil gusto ko nang magpahinga. Mabuti nalang at naintindihan din nila iyon.

I feel so drained when I finally got home to Levi's condo. Lalo pang lumala ang sama ng pakiramdam ko dahil mag-isa ako sa lugar na iyon.

Natasha and Connie are there but it's not like I should seek warmth with their presence. They're here to guard me and secure my safety.

Ibinagsak ko ang sarili sa kama pagkatapos mag-shower. This time, si Connie ang nasa loob ng kwarto ko—nakaupo malapit sa pintuan, alertong-alerto pa rin kahit gabi na.

The sight of her made me feel more exhausted. Pakiramdam ko ay walang kapayapaan sa utak ko kahit nandito na ako sa condo. Pakiramdam ko ay may malalang threat at kailangan ko laging maging handa. I never thought it will exhaust me too much.

Hindi na ako nakakain ng dinner sa gabing iyon. I couldn't even answer Levi's calls because I fell asleep due to the exhaustion. At siguro ay nag-report nalang din si Connie na natutulog na ako.

I woke up the next day with a few missed calls and messages from Levi. Tinawagan ko nalang siya agad para makabawi.

He answered right away, like he's just waiting for it.

"Good morning. Sorry, nakatulog ako kagabi.."

He sighed. He watched me closely through the screen. "You look tired.."

I smiled a bit. "I'm fine. By the way, I forgot to tell you, sa office lang ako papasok ngayon pero babalik ako sa site bukas."

Inuwi ko ang blueprint para sa ilang modifications. And since I can't stay at the site like what I've been doing before, ipinauwi nalang iyon ni Engineer Thomas. Kaya iyon ang pagkakaabalahan ko ngayong araw sa office at ihahatid pabalik sa site bukas.

Wicked like Wildfire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon