CHAPTER ONE
NAPABUNTONGHININGA si Jackie saka ibinaba ang kanina pang binabasa na module. Tiningnan niya ako saka na naman umandar ang pagpu-puppy eyes niya. "Had... Bawal ba talaga?"
Ako naman ang napabuntonghininga. "Napakakulit mo talaga eh 'no? Sinabi nang hindi." Muli kong ibinalik ang aking tingin sa binabasa ko kaya lang ang makulit na Jackie ay mabilis na inagaw iyon. "Kapag nasira 'yan, lagot ka sa 'kin," pagbabanta ko sa kaniya.
As a result, my best friend just pouted her lips. "Dali na kasi, Had. Para namang minsan lang mangyari 'to, eh. Saka what if last party na niya 'to—"
"Bakit? Kukunin na ba siya ni Lord?"
"Haddy!" pasigaw niyang bulong na muntik ko nang tawanan. "What I mean kasi ay last party na niya na y'know? Pwede kong attend-an? It is our last year na kaya."
Muli akong napabuga ng hangin. "Jack, kahit ilang beses pang magpa-party ang presidente ng section natin, walang-wala akong planong pumunta sa bahay niya, okay?"
Mas lalo lang humaba ang nguso ng babaitang ito. "Pero si Nexus na 'to, Had! Minsan lang naman magpa-party si Nexus at birthday niya pa! Kailangan kong magpapansin! Dali na, please!" halos pasigaw na bulong niya. Ilang beses na kasi siyang napagalitan ng librarian namin dahil sa lakas ng boses niya.
I flatly looked at her. "Hindi naman kita pinipigilang magpapansin kay President, Jack. Ang sinasabi ko lang ay hindi ako sasama sa 'yo kahit na anong mangyari—"
"Eh paano kung mapahamak ako?" pagda-drama niya.
"Edi 'wag ka na lang din pumunta. Tapos ang isipin. Prevention is better than cure, beh," mas madrama ko namang sabi sa kaniya saka mahinang tinapik-tapik ang balikat niya at kinuha ang module kong inilayo niya sa akin. Kailangan ko pang tapusin ang assignment ko para wala na akong gagawin sa bahay.
Kasalukuyan akong nagpipilit magpaka-busy sa pagsagot nang makita kong nakapalumbaba si Jackie sa lamesa habang nakatingin sa akin. Oo nga at nanahimik na siya pero tinititigan niya naman ako. Nakakainis ka talagang babaita ka!
"Fine!" halos pasigaw na bulong ko na may kasama pang pagbuga ng hangin sa sobrang inis. Kitang-kita ko naman ang pagliwanag ng mukha ni Jackie kaya agad akong nagsalita. "Pero mangangako ka sa aking hindi mo 'ko iiwan sa lugar na 'yon. Sinasabi ko sa 'yo, Jacqueline Shane Ishida, kapag ako nagmukhang ewan doon, hindi ka na makakaulit sa akin," pagbabanta ko sa kaniya.
Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi niyang maninipis at ang pagningning ng mga mata niyang singkit. Tumayo pa siya mula sa pagkakaupo sa upuang katapat ng akin saka umikot sa lamesa para lang yakapin ako. "Of course! Of course! Thank you talaga, Had. Kaya love na love kita, eh!"
Napailing na lang ako saka hinintay siyang bitawan ako. Aware naman si Jackie na hindi ako fan ng physical touch pero kapag ganito siya kasaya, mukhang nakakalimutan niya ang bagay na 'yon. "Now, pwede na ba tayong mag-focus sa reporting? Ayokong tumulala sa harapan."
Bumitaw na rin naman siya habang nakangisi saka bumalik sa upuan niya. And since Jackie got what she wanted from me, she could finally cooperate and start reviewing for our reporting later this afternoon.
I was seriously going to keep my eyes focused on the module when something — perhaps, someone — caught my eye. Nexus...
Pasimple na lang akong napabuga ng hangin. I shouldn't be admiring him. Lalo pa't very vocal si Jackie when it comes to her adoration towards that guy. Pero hindi ko rin naman kasi mapigilang hindi humanga sa kaniya.
For heaven's sake! It's Nexus Cairo Arcanghel that we're talking about. The class president and the student council's vice president whose smile can always attract other people. And his humor... Hayst!
BINABASA MO ANG
Feb-Ibig Project: Oh, To Fall For Him [COMPLETED]
Novela JuvenilSOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~ Oh, To Fall For You Duology: Her POV ~•~•~ Nexus Cairo. He is a ray of shining moonlight on a starless breezy night. The nostalgic scent of coffee and newly opened books. A sweet taste savo...