Pagkagising ko, nakita kong nasa ospital pala ako, may mga dextrose na nakakabit sa akin at kung anu-ano pang nakakabit sa katawan ko. Nasa ICU ata ako. Pero bakit ako nandito?! Gaano na katagal?! Ilang araw na ang nakalipas na wala akong alam sa mundong ito?! Ano ba talagang nangyari sa akin?! Sino ba ako?! Sino ba talaga ako?!
Inikot ko ang paligid gamit ang mga mata ko, hirap akong igalaw ang katawan ko, at kaya ko lang igalaw ang mga kamay at ulo ko, tila paralisa ang mga natitirang parte ng katawan ko. Nakita kong may lalaking nakaupo sa sofa na malapit sa hinihigaan ko, nakayuko siya at tila nagdarasal ang kaniyang mga kamay, ngunit sino siya?
Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Nagulat rin ang kaniyang mga mata bigla siyang napatayo at unti-unti siyang naglakad papunta sa akin gulat na gulat siya at titig na titig sa akin ang kaniyang mga bilog,itim at nakakahilo niyang mga mata, nang makarating siya sa mismong higaan ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mga kamay sa aking mukha, nanginginig ako, a...anong gagawin ko? Pumikit na lang ako at hinintay ang mga sumunod na pangyayari.
Ngunit, Walang masamang nangyari, Pagmulat ko, magkalapit ang aming mga mukha, magkadikit ang aming mga noo. Mas lalo akong nagulat ng bigla siyang nagsalita.
"I'm glad you're awake. It's been 3 weeks since you're gone. I'm sorry, Sweet Heart, I don't want to lose you again. I'm sorry, Can you forgive me?" Tuluy-tuloy niyang sabi, ramdam ko sa mga salita niya na seryoso siya. Kaso sino ba itong lalaking ito? Bakit siya ganito sa akin? Ganito ba ang pakiramdam ng pagmamahal na tinatawag nila? Sino ba siya? Tumayo siya sa tabi ng hinihigaan ko at mukhang hinihintay niya ang magiging sagot ko.
"Si...Sino ka?" Inosente kong tanong sa kaniya. Halatang nagulat siya sa tanong ko. Kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging sagot niya? Akala ko ayos na ang lahat, ngunit sobrang nakakagulat ang mga sumusunod na pangyayari, na hindi ko inakala na magagawa niya ang ganitong bagay, akala ko kakampi ko siya, akala ko mahal niya ako, akala ko kaibigan ko siya pero HINDI... HINDI...
Tumawa siya pagkatapos ng tanong ko. At inulit-ulit niya ang pangalang hindi ko alam kung ako ba talaga ang may ari.
"Hahahahahahahaha. Celine, Celine, Celine, Nakakatuwa ka. Hindi mo naalala pati sarili mo hindi mo kilala." Sabi niya ng nakangisi.
"A...Anong sinasa...sabi mo?" nangangatal kong tanong sa kaniya, muli na naman siyang tumawa. Nakikita ko sa kamay niya na parang may kinukuha siya sa kaniyang likuran, at nagulat ako sa nakita ko.
"A...ANONG GA...GAGAWIN MO?!" Sigaw ko sa kaniya, pinilit ko ang sarili kong isigaw iyon sa kaniya dahil pakiramdam ko hinang hina talaga ako ngayon.
"Shhh, kailangan mo lang tumahimik, mabilis lang ito. Celine." Iyon na lamang ang mga huli kong narinig sa kaniya at bigla na lang niya akong sinaksak sa dibdib ng paulit-ulit. Sobrang sakit, nararamdaman ko na nanlalamig na ang aking mga katawan. May narinig pa akong pumasok sa kwarto, may sumisigaw, may nagtatawanan,may nagwawala. At isa sa kanila ay nakilala ko, si Charlotte. Ang matalik kong kaibigan na laging nandiyan sa tabi ko. At muli kong naalala ang sarili ko. Ako nga si Celine De Valdeumoure. 14 years old. Heir of the Valdeumoure Estate and Villa. The one and only daughter and princess of the family. And this is not the end of this. I will revenge everything. I was shocked when I heard a boy's voice and he called my name.
"Celine,Celine,Celine. I'm here. Wake up. I'm here." Sabi ni Charlotte.
"Charlotte?! CHARLOTTE!!!"
"Celine, you have to wake up now." Sabi ni Charlotte.
At muli akong nagising, but this time, it's real. Everything's real.
-End of Chapter 7-
![](https://img.wattpad.com/cover/16066852-288-k448906.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Dating My Fearless Lover
عشوائيSabi nila wala daw akong kinatatakutan Dahil ang tapang ko daw sa lahat ng bagay Pero ang totoo nagkakamali sila