Chapter 4: Past

17 0 0
                                    

.Chapter 4:Past.

Ilang taon di lumipad ang panliligaw ni Bryan pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Ang dami na naming napuntahan pero hindi ko pa rin siya sinasagot, masyado rin kasi akong naging busy sa mga kailangan kong gawin eh.

~Lumipas ang mga araw~

"Oi, san ba talaga tayo pupunta?" Inis kong sabi kay Bryan.

"Basta. Wag ka ngang maingay." Sagot niya sa akin with matching inis at annoying face. Ang sarap tuloy sapakin niyong makong na ito at pinabayaan ko na lang siyang hilahin ako sa corridor na ito na himilang walang tao palibhasa nasa klase lahat at tanging mga second year lang ang walang pasok dahil sa letseng play na pauso nitong project  namin sa Arts. hayyyyyyyyyyy... Nakakapagod kaya... At hay salamay tumigil na rin kami pero bakit kaya nandito kami sa Theater Room? Ano na naman bang binabalak nitong mokong na ito...

"HOY! HUWAG MO AKONG TAWAGING 'MOKONG'. TANDAAN MO HINDI MO PA AKO SINASAGOT..." Sigaw niya bigla sa akin... Ganon ba talaga kalakas yung mga nasa isip ko, akala ko nasa isip ko lang yun eh. Nasasabi ko na pala. Napayuko na lang ako at naluluha luha na dahil sa pagkabigla niyang pagsigaw.

"Sorry na." At bigla niya akong hinalikan sa noo at pumasok na siya dun sa loob nung Theater Room at naiwan ako sa labas na gulat na gulat sa nangyari... Totoo ba ito o panaginip lang ang lahat?

"Hoy?! Ano na?! Papasok ka ba o hindi?! Baka hinihintay na nila tayo?!" Sabi niya sa akin at pumasok na rin ako sa loob. Kumuha kami ng mga damit na puwede pa naming gamitin sa play.

~15 na minuto ang nakalipas~

"Ano ba yan? Ilang damit pa ba ang kailangan natin para dun sa 'Romeo ang Juliet' nating play sa arts." Sabi ko habang nakaupo sa sahig habang naghahanap ng damit na pwedeng gamitin sa play. Humikab ako saglit at napahiga saglit para magisip pero nakatulog ako... Paggising ko, nakita ko na katabi kong natulog si Bryan at nakaunan ako sa braso niya. At dahil sa gulat napasigaw ako...

"HOY!!! IKAW! I... IKAW! A...ANONG G...GINAGAWA MO?!" Sabi ko sa kaniya sabay turo sa kaniya na nakatingin sa akin ng nakat-shirt lang at napansin ko na nasa akin pala yung polo niya...

"Ano?" Sagot niya sa akin... At napatingin na lang ako sa sahig at iniikot yung daliri ko sa sahig...

"So...Sorry Hindi ko naman alam ehh." Sagot ko sa kaniya.

"Okay lang iyon. Tara balik na tayo para makita na nila ito." At pinat niya ako sa ulo.

Tumayo na kami at naglakad papunta sa room namin at pinasuot niya sa akin yung damit na kimono na kanina ko pa tinitignan ang CUTE kasi ehh, at hawak-hawak niya yung mga damit na napili naming gamitin. Pero pagdating ko sa room, nagulat ako sa nakita ko...

"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY!" Sabi nilang lahat at nagpaputok pa sila ng confetti sa room. Oh diba?! BONGGA! XD At nagualt ako ng bigla akong hinawakan ni Bryan sa bewan at ibinulong na ang ganda ko daw... Naramdaman kong namula yung mga pisngi ko dahil sa kilig... WAIT WHAT?! WHAT DID I JUST SAY?! Nawala na rin yung mga hawak niya at sinabi niya na tinakbo niya pabalik sa Theater Room dahil wala naman daw kwenta yung mga yun

"AYIIEEEEEE!" Sabi naman nilang lahat... Natawa nalang ako sa reaksyon nila.

"Oi Best! Happy Birthday! Nakalimutan mo na kasi ehh kaya sinurprise ka na lang namin. Ang dami mo kasing iniisip ehhh." Ang sweet talaga ng Best Friend ko at binigyan niya ako ng isang libro... At nanlaki ang mga mata ko at ngiting-ngiti ako TO THE MAX kasi binili niya yung FAVOURITE BOOK ko ♥ Ang SWEET niya talaga... :)))

I'm Dating My Fearless LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon