"Eh bakit ba kasi ayaw mong pumayag? To think na ikaw din ang may kasalanan kung bakit na-koma yung kakambal mo, Gabriel do this for your brother, matagal niya na'tong pangarap, tsaka it'll be just a walk in the park, pag nagising na si Vinci, he will be taking over and you can go back to wherever you want to be, please. Do this for him." Wika ni Onie na tila ba nagmamakaawang kinukumbinse si Gabriel sa kanyang pakiusap.
"Onie, alam mo na sa aming dalawa ni Vinci, ako ang di pinagkaluuban ng talent sa pagsayaw, pagkanta and even facing the camera, hello? Pumaparty-party lang ako sa mga clubs pero di ako sumasayaw, tsaka anong alam ko sa inauditionan ni Vinci?" sagot ni Gabriel kay Onie. Tiningnan ni Gabriel ang nakahigang Vinci, pinag-iisipan kung bakit humantong sa isang aksidente ang isang simpleng twin reunion sana.
13 hours ago
[Vinci: I'm on my way, sunduin kita sa airport.][Gabriel: K Vinch! Here na me! Antay na lang kita here]
Tila ba naninibago pa din si Gabriel sa amoy ng hangin sa kanyang paligid, ibang iba sa hanging naiudulot sa kanya ng Australia. Simula kase nung nagkolehiyo ito ay minabuti na nitong mag-aral sa Australia at tumira sa kanyang mga kamag-anak na nakatira sa lugar. Tatlong taon na din ang lumipas simula nang siya ay umalis at ngayon ay umuwi ito para bumisita at makita ang kanyang kakambal na si Vinci. Hindi tukoy ni Gabriel kung bakit pinipilit siya ng kakambal niyang umuwi ng Pilipinas, pero isa lang ang sinabi nito, na may sorpresa ito sa kanya at sa wakas ay matutupad na nito ang pangarap niya.
Habang nag aantay sa kanyang kakambal, iniisip ni Gabriel kung ano nga ba ang sorpresang ibig sabihin ni Vinci, anong pangarap ba ang maaabot niya na? Sa tagal nang panahon na di nagkasama ang magkambal ay tila ba di na nito tukoy ang mga pangarap nito sa buhay, last time na nagkausap sila ay gusto ni Vinci na sumunod sa yapak ng kanyang ina, ang maging doktor, habang si Gabriel naman ay gustong maging isang abogado. Marahil siguro ay ito ang sorpresang ibig sabihin ni Vinci. Napangiti na lamang si Gabriel dahil tila ba hindi na sorpresa ang iaannounce ng kanyang kapatid kung pagdodoktor ang sasabihin nito. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay bumusina ang tunog ng kotse sa kanyang harapan.
"Lalim ng iniisip ah?" sabi ni Vinci habang lumalabas ng kotse para sunduin ang kanyang kapatid. Agad na tumakbo sa direksyon ni Vinci si Gabriel at niyakap ito nang mahigpit.
"Ambilis mo naman, kakatext mo lang ah? Naku talaga Vinch, pag ikaw naaksidente." tanong ni Gabriel kay Vinci habang nagpapasok ng kanyang gamit sa kotse.
"Ano ka ba Gab-Gab! Alam mo naman ako, I don't like traffics, so I went and found a new route to get here. Ang importante nasundo kita!" wika ni Vinci habang tinutulungan ang kakambal sa pagpwesto ng mga gamit sa loob ng kotse, pagkatapos nito ay agad na sumakay ng kotse ang dalawa at inumpisahan na ni Vinci ang pagmamaneho papunta sa bahay nila.
"Kamusta si Mama?" tanong ni Gabriel sa kapatid nito.
"The usual, busy, pretty and masarap pa rin magluto!" sagot ni Vinci habang nakangiting nagmamaneho. Tumango si Gabriel sa kanyang narinig. Hindi masyadong naging maganda ang pag-uusap ni Gabriel at ng kanyang ina nung nagdesisyon itong umalis at mag-aral sa Australia kaya kinakabahan ito kung paano siya tatanggapin ng kanyang ina sa kanyang pag-uwi. Wala pa sa pamilya nila Vinci at Gabriel ang nakakaalam na uuwi ito ng pinas kaya magiging isang malaking sorpresa ito sa lahat pagdating nila sa Batangas.
"Vinch nga pala, ano ba yung sinasabi mong matutupad mong pangarap?" tanong ni Gabriel sa kakambal. Lumingon si Vinci sa kapatid at ngumiti ito. "Gabriel! Finally! Alam mo ba na natanggap ako sa-" hindi na natapos ni Vinci ang kanyang sasabihin nang walang ano-ano'y bumangga ang kotse sa isang poste. Dumilim ang mga paningin ng magkambal at nagsimulang umusok ang kotse. Mga ilang minuto ang nakalipas bago nagkaroon ulit ng ulirat ang isa sa mga kambal.
"V-Vinci? Vinch? Hey, wake up." sabi ni Gabriel na kahit na namimilipit sa sakit ang ulo ay pinilit na lumabas ng kotse para tingnan kung saan pwedeng humingi ng tulong. Nasa kalagitnaan sila ng kawalan ngayon at tila ba nasa isang di kilalang kalsada sila. Binuksan ni Gabriel ang pintuan kung saan nakapwesto si Vinci, binuhat niya ito at dali daling hiniga ito sa waiting shed na nasa harapan nila. Bumalik si Gabriel sa kotse at kinuha ang cellphone nilang magkapatid. Sinubukang buksan ni Gabriel ang cellphone niya ngunit nasira ito sa lakas ng impact ng pagkabangga nila sa poste. Binuksan niya ang cellphone ng kapatid at sa kabutihang palad ay gumana ito. Ginamit ni Gabriel ang kanyang mukha para maunlock ang cellphone at iniscroll ang contacts ng kapatid niya, hindi niya nakita ang phone number ng kanyang nanay sa contact list. "Vinch, really? Wala kang number ni Mama?" nagpatuloy ito sa pagscroll at doon ay nakita niya ang phone number ng isa sa mga malapit na kaibigan ni Vinci at tinawagan ito.
{Gabriel: Onie? Ikaw ba 'to?}
{Onie: Huy Vinci? Nasaan ka na ba, hinahanap ka na nung stylist, photoshoot na natin bukas ng 3AM!}
{Gabriel: H-ha? Anong photoshoot, aish--, this is not Vinci, si Gabriel to. Pick us up please, track the GPS nitong phone, we need your help, we got into an accident.}
{Onie: WHAT? UMUWI KA NG PINAS?}
{Gabriel: Punyeta, yan pa ba ang kinagulat mo instead of us bleeding to death here?}
{Onie: Okay, okay chill, teka papunta na ako.}
Present TimeTinitingnan pa din ni Gabriel ang nakaratay nitong kapatid. Pagkatapos siya masabihan ni Onie tungkol sa audition at pagkatanggap nito sa show na Dream Maker, bigla itong nakonsensya sa mga nangyari. Kung hindi sana siya nagpasundo ay di sana ito nakaratay sa ospital. Pinag-isipang mabuti ni Gabriel ang mga susunod na salitang lalabas sa kanyang bibig.
"I don't get you Gabriel, kung ayaw mong magpanggap bilang si Vinci sa Dream Maker, bakit di na lang natin sabihin kanila Tita na naaksidente si Vinci?" tanong ni Onie na may hawak na ponkan.
"No Onie, we can't. Masyadong masasaktan si Mama pag nalaman niya 'to and ayaw kong mangyari yun. Ayaw ko na dagdagan ang mga problema nila and besides di naman alam nila na uuwi ako, wala na nga yata silang balak na pauwiin ako after the whole Australia thing." hinawakan ni Gabriel ang kamay ng natutulog na kambal.
"Sabagay, may point ka, pero paano yung show? Matagal na'tong pangarap ni Vinci, sabay pa nga kami nung nag audition kami. Sabi niya gagawin niya daw ang lahat para sumikat at matupad ang pangarap niyang magin KPOP Icon, paano na yun ngayon if nakaratay siya diyan?" sabi ni Onie na lumalamon ng ponkan.
"Tell me what I need to do, let's do it." wika ni Gabriel habang mahigpit na hinawakan ang kamay ng kambal.
"Ang dami mong aaralin." wika ni Onie habang nakangiting tinitingnan si Gabriel.
![](https://img.wattpad.com/cover/335237048-288-k98230.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidental Switch
RomanceTwins Gabriel and Vinci's lives were affected by an unfortunate accident. With Vinci getting into a comma, Gabriel must assume Vinci's identity and continue on with the survival competition Vinci auditioned for. Little did Gab know that it's not jus...