CHAPTER 2: THROWBACK THURSDAY

272 12 21
                                    

24 hrs Before the Accident

Nakaupo si Vinci sa isang coffee shop, tila ba may inaantay itong dumating. Nakatuon ang atensyon nito sa cellphone. Mga tatlong oras na itong naghihintay sa nasabing coffee shop. "Ang sabi niya mauuna siya dito pero anong oras na." sabi nito sa sarili. Ilang minuto pa ay may pumasok sa coffee shop, mapungay ang mga mata nito, mapula ang labi at may katangkaran. Inirapan lang ni Vinci ang nasabing lalake, pagpapakita na hindi ito masaya sa pagkahuli nito sa kanilang tagpuan.


"Anong oras na Reyster oh, sabi mo mauuna ka dito." sabi ni Vinci habang umuupo si Reyster sa harapan nito.


"ah. yun ba. pasensya di na mauulit." tumango si Reyster habang nakaupo sa harapan ni Vinci.


"nag audition ka din pala sa show?" tanong ni Vinci.


"ahh.. oo." sagot ni Reyster habang humihigop ng frappe.


"paano yan? magiging kalaban mo ko if ever na makapasok tayong dalawa." wika ni Vinci habang tinitingnan ang kumakain na si Reyster.


"ah. sige. di na lang ako tutuloy.." sagot ni Reyster, sabay balik nito sa iniinom na frappe.


"huy! ano ka ba? sinabi ko bang wag kang tumuloy, nagtanong lang ako, ituloy mo na, malay mo pareho pa tayong manalo diba, let just do our best to win this one, you know how important this is to me, kailangan ko 'to para makauwi na yung kapatid ko, para di niya na kailanganing umalis pa." sabi ni Vinci. Hinawakan ni Reyster ang kamay ni Vinci at hinigpitan ang pagkakahawak nito.


"kung ano man ang dahilan mo sa pagsali, suportado kita. para saan pa't naging magkaibigan tayo kung di kita susuportahan." sagot ni Reyster habang nakatingin sa mga mata ni Vinci.


Mag-iisang taon na simula ng maging magkaibigan ang dalawa. Nagkakilala ang mga ito sa isang event kung saan si Vinci ang naging photographer at si Reyster naman ang host ng naturang event. Simula noon ay di na naputol ang ugnayan ng dalawa.


"alam mo, napakadrama mo. paiiyakin mo pa ako eh. sino magbabayad ng bill ngayon?" tanong ni Vinci at bigla namang yumuko si Reyster para inumin ang natitirang frappe nito. "alam mo, everytime na lang na may ganito tayong meetup ako ang nagbabayad, pano kung mawala ako, pano ka na? jusko, waiter, bill please." sabi ni Vinci, inabot nito ang card sa waiter at binato ng tissue si Reyster. Napangiti na lamang si Reyster sa kasama. Kinuha ni Vinci ang cellphone nito at biglang kinunan ng litrato si Reyster.


"oh, para saan yan?" tanong ni Reyster.


"popost kita sa instagram, sabihin ko buraot ka." sagot ni Vinci.


Napatawa na lamang si Reyster sa sinabi ni Vinci. Pinagmasdan ng mabuti ni Vinci si Reyster, hindi nito mapigilang makaramdam ng comfort at home sa piling ni Reyster, itinuturing nito si Reyster na sandalan. Isang kaibigan na di niya kayang mawala sa buhay. May sumasagi bang higit pa sa pagkakaibigan sa utak ni Vinci? Hindi niya sigurado. Ang sigurado lang ay di nito kayang mawala si Reyster.


"may dumi sa mukha ko?" tanong ni Reyster na ikinagulat ni Vinci.

"ha? Dumi? Muka ba akong salamin. Bilisin mo na kumain at may pupuntahan pa ako."

Accidental SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon