CHAPTER 5 - THE WHITE FLOWER

220 12 2
                                    


"Oh ano? Ready ka na? Balita ko ikaw ang unang sasalang." sabi ni Onie kay Gabriel habang tinatapik ang likod nito. "READY? BA'T AKO ANG NAUNA? YUNG KABA KO ONIE ABOT HANGGANG BATOK!" sagot ni Vinci. 


"Wag mo ipapahalata, remember, nakasalalay sa'yo ang performance ni Vinci." advice ni Onie sa kaibigan. Hindi maipaliwanag ni Gab kung ano ang nararamdaman ngayon, kung kinakabahan ba siya dahil siya ang unang magpeperform o kinakabahan siya dahil may nang-i-stalk sa kanya at posibleng may alam na di siya si Vinci.


"Iiwan muna kita dito ha, magpeprepare na din kasi ako. Basta kung may problema, tawagan mo ako." sabi ni Onie na hawak hawak ang isang blue hoodie. Naiwan si Gab sa backstage habang inaantay ang cue ng host para siya ay pumasok. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Ayaw nitong sirain ang pinakaiingatang pangarap ng kapatid. 


Kinagat ni Gab ang kuko nito para mapigilan ang kaba. Saktong kakalabas lang ni Reyster sa kanyang dressing room at papunta na ito sa queue line ng mga sasalang sa auditions for Episode 1 nang makita nito si 'Vinci' na nakaupo sa sulok. Nilapitan niya ito at binigyan ng isang boteng maliit na white flower.


"Ha? Para saan to?" tanong ni Gab.


"Ahhhh.. para di ka kabahan." sagot ni Reyster


"Thank you." sabi ni Gab na binubuksan ang bote ng whiteflower para amuyin. Pinagmasdan ni Reyster nang matagal si 'Vinci' na sumisinghot ng white flower. Inabot ni Gab ang bote ng whiteflower ulit kay Reyster. Pagkahawak ni Gab sa kamay ni Reyster ay may naramdaman si Reyster na di nito maipaliwanag, kakaiba ito ngunit parang ibang kamay ang kahawak nito, parang hindi kamay ni Vinci. 

Iba ang pakiramdam ni Reyster, bumilis ang kabog ng puso niya sa sandaling nahawakan niya ang mga palad ni 'Vinci'. Biglang bumitaw sa pagkakahawak si Gab nang mapatagal ang hawak ni Reyster sa kanyang kamay.

"Okay ka lang ba? Alam mo minsan kinakabahan na ako sa'yo ha." sabi ni Gab kay Reyster. Iniwan na ni Gab si Reyster sa backstage at pumasok sa dream stage para mag rehearse bago ang shoot ng kanyang audition. Sinalubong si Vinci ng kanyang glam team at ng mga production para bigyan ng heads up.

"Vinci, so ang ipeperform mo ay Mabagal by Moira. Nandun yung tatlong camera, pero dito ka sa harap titingin, dito lang sa gitnang camera okay?" sabi ni Kyu, isa sa mga floor directors ng survival show.

"No, I'm not doing the Moira Song. I prepared something better, isang beses lang ako mag au-audition for a korean company, I want my audition piece to be memorable." sabi ni Gab sa mga staff. Mukhang hindi maganda ang reaksyon ng mga floor directors at staff sa nasabing suggestion ni Gab.

"Pero Gab, kase, gan'to yan, magkakaproblema tayo sa royalties if ibang song ang pinerform mo."

"I'll pay for it. Just let me perform this piece, para sa kapatid ko." nadulas ang dila ni Gab sa kanyang nasabi. Nagtinginan ang mga staff sa kanyang sinabi. "I mean, for my sisters, they loved this song, kaya I wanna pay tribute to them." biglang bawi ni Gab.

"No, don't pay anything, dun nalang namin iuupload sa kabilang channel yung audition piece mo. Anyways, let's go, let's start the rehearsal, paparating na si Kim Chiu at ang mga mentors." sagot ni Kyu.

Dumating na ang mga hosts at mentors at sa awa ng diyos, nairaos naman ni Gab ang kanyang performance. Pinaulanan ito ng komplemento at papuri at napaupo ito sa rank seats. May bakas ng pagkalungkot sa kanyang pag upo, napaisip ito na parang ninakaw nito ang sandaling para sana ay sa kanyang kapatid na si Vinci. 

Ilang mga contestants pa ang dumaan at si Reyster na ang sumunod na tumuntong sa entablado. Napalingon si Reyster sa mga nakaupo sa rank seats at nakita nito si 'Vinci'. Tinitigan ulit ni Reyster si Gab pero umiwas ito ng tingin sa kanya.


"HELLO REYSTER!!" sabi ni Kim Chiu, ang host ng programa.

"hello po.." sagot ni Reyster sabay bow kay Kim Chiu.

"WOW, BABY BOY SI REYSTER! HIIIII!" dagdag ni Kim.

"hi."

"Reyster, anong mga pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"uh..... uhm.. uh, pagpapractice po.." sagot ni Reyster.

"Balita ko, isa ka dawng total performer, best in singing and dancing, totoo ba ito?"

"uhm, dancing.. uh..." sabi ni Reyster. Matagal bago nito makumpleto ang isasagot kay Kim, lumingon ito sa likod at nakita si 'Vinci' na nakataas ang kilay sa kanya, nag mamouth si Gab ng "ano?" kay Reyster. Humarap ulit si Reyster sa host para sumagot.

"uuuhh.. mas sa dancing po ako kesa sa sing." dagdag ni Reyster.

"kakagising mo lang ba, Reyster?" pabirong sabi ni Kim Chiu kay Reyster. Nagtawanan ang mga tao sa waiting area at pati si Reyster ay napangiti sa sinabi ni Kim. "sorry po.." sabi ni Reyster.

"di po talaga ako sanay na magsalita." dagdag ni Reyster. Isang mahiyain at di palasalita si Reyster. Pero pag katabi o kausap nito si Vinci ay nag iibang tao ito, nagiging palasalita, makulit at malambing. 


Matapos ng kanyang interview ay nagperform na si Reyster ng kanyang audition piece at umupo ito sa kanyang final ranking seat. Natapos ang set ng audition para sa Day 1 kaya nagpackup na muna ang show para magpahinga. 


Bumaba si Gab sa rank seat at tumungo sa washroom para magbura ng makeup. Masaya ito dahil sa wakas, nairehistro na nito si Vinci sa show, at pag nagising at gumaling na si Vinci, maari na itong makabalik at makapagpalit ng pwesto sa kapatid. Dahil one person occupancy lang ang washroom, ay mag-isa lamang si Gab sa loob at nakalock ang pintuan. Tumingin si Gab sa salamin at inayos ang kanyang sarili nang may kumatok sa pinto. 


"Teka lang, patapos na." sabi ni Gab. Patuloy pa din ang pagkatok sa pinto kahit na ito'y nasabihan na ni Gab kaya minadali na nito ang pag-aayos ng sarili. Pagkabukas ni Gab ng pinto ay tumambad si Reyster sa kanya na may dalang white flower.


"Oh, Reyster? Gagamit ka? Sorry at natagalan ako." paumanhin ni Gab kay Reyster. Napaatras si Gab nang pumasok si Reyster sa loob ng Washroom at nilock nito ang pinto para silang dalawa lamang ang nasa loob. "R-Reyster? Anong meron?" tanong ni Gab. 


Tinitigan ni Reyster si Gab nang matagal. Nacorner ni Reyster si 'Vinci' sa sulok ng pader at kinulong ito gamit ang kanyang mga braso.


"Sino ka? Nasaan si Vinci." bigkas ni Reyster kay Gab. Napalaki ang mata ni Gab sa kanyang mga narinig kay Reyster. Alam na nito ang kanyang sekreto.


-END OF CHAPTER 5-

Accidental SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon