Chapter 2

19 1 0
                                    

"Ano ang mas maganda?" napatingin ako kay Leigh nang kalabitin niya ako.



"This?" inayos niya ang kulay brown nyang buhok at nilagay lahat sa likuran. Her shoulder-length hair in a loose wave framed her face elegantly.



"Or like this? wait."




This time sinuot niya ang kulay puti niyang headband. Ganon pa rin ang ayos, maliban sa nag-iwan siya ng kaunting hibla ng buhok sa harapan para daw magmukhang magulo ngunit malinis, daming alam talaga.





Pero bandang huli napili ko yung huling ayos na pinakita nya, yung may headband, kaya ayon ang sinunod niya. Habang ako naman ay nilugay ko din ang buhok ko tapos hinati ito sa dalawang side, kaliwa't kanan. Ito ang karaniwan na ayos ng buhok ko kapag pumapasok. Naglagay lang din ako ng press powder sa buong mukha ko pati leeg, tapos light pink na powder blush ni Leigh at light din na lipstick.





Abala kami ni Leigh dahil ngayon kami kukuhanan ng litrato para sa School I.D namin. One year din naming susuotin ito kaya dapat lang na maganda kami doon. We looked neat and clean as both of us are wearing our complete school uniform.




Mikaela Rian Hayes
11 - Accountancy, Business and Management
Section A







"Pretty!" sambit ni Leigh nang agawin nya ang I.D ko. Inirapan ko siya at inagaw din yung kanya. Nakuha kasi namin agad ang mga I.D namin pagkatapos ng picture taking.





Azhi Leigh Dizon
11 - Accountancy, Business and Management
Section A





As expected, Leigh slayed in her I.D picture. Medyo mataray nga lang siya tignan dahil sa makapal niyang kilay at pula niyang labi.





Umalis na kami agad sa office kung saan namin nakuha yung I.D namin dahil lunch break na. At dahil wala na kaming pasok ngayong araw, nag-aya si Leigh kumain sa cafe ng kaibigan niya na malapit lang din sa school namin. Pangalawang beses na ako kakain dito dahil kay Leigh, pricey yung foods pero worth it din naman dahil ang sasarap.




"Eh? lasang damo! Akala ko avocado or pandan." tinulak niya kaagad yung platito palapit sa plate ko. 




"Ikaw lang naman nagpupumilit na hindi matcha yan kahit matcha yung nakalagay sa menu."





Inirapan ko siya at tinikman iyon. Nasa menu kasi na matcha at chocolate lang yung available nilang sliced cakes ngayon pero pinagpipilitan ni Leigh na avocado yun because she likes avocado. Habang para sa akin talaga kahit anong klase ng pagkain basta matcha ay masarap.





"Bet mo?!" nagulat siya nang dire-diretso ko iyon kainin.




Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya.




"Ako kasi siya lang bet ko!" she smirked kaya napairap ako. Nabawi agad yung tawa ko dahil doon ha.




"Isa Leigh, masusuka si Ian!" pareho kaming napalingon ni Leigh sa counter nang may pumasok na grupo ng mga lalaki.




"Epal ka talaga kahit kailan!" buti nalang at kami lang ang tao dito kaya walang ibang nakakarinig sa sigawan nina Leigh at Jio.




Umupo pa talaga sila sa katabing table namin para asarin lalo si Leigh. Ang ingay nila pati na din si Leigh pero nanahimik siya nang dumating si Ian kasama ang isang tropa niyang lalaki that seem so familiar to me.




Surf Through The WavesWhere stories live. Discover now