"So, what's going on with you and Kuya Kaizen?"
Napakunot ang noo ko sa tanong ni Leigh. Tinaasan niya ako ng kilay, parang inaasahan niyang may aaminin ako.
"Wala?" sagot ko, pilit na nilalabanan ang kabang biglang bumalot sa dibdib ko.
"Anong wala? Eh magkasama kayo kanina!" Pinulupot niya ang mga braso niya sa dibdib at sinimangutan pa ako.
"Sinamahan niya lang ako sa... sa boutique niya kasi ano... may binili ako," sagot ko, pilit na ngumingiti kahit halata namang awkward.
"Really, huh?" Halata sa boses niya ang pagdududa.
"Oo nga! Kulit. Matulog na nga lang tayo!" Tumalikod ako sa kanya at tinakpan ng kumot ang mukha, pilit na iniwasan ang usapan.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Akala ko titigil na, pero bigla siyang bumulong mula sa gilid ng kama, sapat lang para marinig ko.
"Goodnight, lover girl. Okay lang 'yan... para dalawa na tayong may crush. Kahit huwag mo nang aminin sa akin, gets ko na."
Napairap ako kahit nakatago ako sa ilalim ng kumot. Binaba ko ito nang kaunti para sumagot. "Leigh, wala nga akong crush kay Kuya Kaizen! Tigilan mo na 'yan!"
"Ay, defensive," tukso pa rin niya habang humiga ulit.
"Leigh!" napasigaw ako, pero binalot niya ang sarili sa kumot niya at kunwari natutulog na.
Bumuntong-hininga na lang ako at bumalik sa pagtakip ng kumot sa mukha. Naiinis ako sa kanya, pero higit sa lahat, naiinis ako sa ideya na iniisip niyang totoo ang ini-assume niya.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik ang paligid, at tanging mahinang hilik ni Leigh mula sa kabilang kama ang naririnig ko. Dahan-dahan akong bumangon, naligo, at nag-toothbrush. Pagkatapos, naisipan kong lumabas sandali upang magpahangin at magmuni-muni.
Paglabas ko, sinalubong ako ng malamig at sariwang simoy ng hangin. Sa di kalayuan, napansin ko ang isang staff na masiglang kausap ang isang guest.
"Hi, Ma'am! Good morning. I hope you enjoyed your stay here in Drexine's Beachfront and Hotel. I would like to inform you that today is our harvest day. That means everyone is free to pick the flowers of their choice in the garden. Have a good day and have fun po!"
Napangiti ako sa narinig. Edi ibig sabihin, pwede rin akong kumuha. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at naglakad papunta sa garden nila.
Pagdating ko sa garden, sinalubong ako ng napakagandang tanawin. Sakto ang pagsikat ng araw, at wala pang masyadong tao, kaya tahimik at payapa ang paligid. Naglakad ako sa gitna ng hardin pinagmamasdan ang iba't ibang bulaklak na nakatanim.
Napahinto ako sa tapat ng isang napakagandang bulaklak na malaki at maliwanag. It's Ate's favorite flower. Napangiti ako nang maalala ko na palagi niya akong binibigyan ng tatlong sunflower dati para daw I love you. Napahawak ako sa tangkay ng sunflower, marahang hinaplos ang petals nito. Kumuha ako ng tatlong sunflower at nagpasya nang dumiretso sa dagat.
Dahan-dahan kong inilapag ang tatlong sunflower sa ibabaw ng tubig. Tinulak ko ang mga ito papalayo, pinapanood kung paano sila tinatangay ng alon. Agad akong tumayo at umatras, pumwesto sa mas malayong bahagi ng buhanginan. Hindi ko pa rin kayang magtagal sa malapit sa tubig, parang may kung anong bigat na humihila sa akin tuwing nandiyan ako.
Pumikit ako, hinayaang tangayin ng alon ang mga bulaklak habang marahan kong binubulong ang panalangin. Bumuntong-hininga ako bago iminulat ang aking mga mata. Inikot ko ang tingin sa paligid at napahinto nang mapansin si Kuya Kaizen sa di kalayuan, nakasakay sa surfboard. Abala siya sa pagsubok na makasabay sa mga alon.
YOU ARE READING
Surf Through The Waves
Teen FictionBlyana Series #1 Mikaela, traumatized by the loss of her sister in a ferry accident due to rough seas, is deeply afraid of the ocean. Her life changes when she meets Kaizen, a man who has been passionate about the sea since childhood. As Mika's path...
