Chapter 7

4 3 0
                                        

"Bili na kayo o itatapon ko tong paninda namin?!"

Nakapamaywang si Hannah sa labas ng stall namin, parang siya na ang bagong endorser ng chicken wings. Siya kasi ang naka toka sa pag si-salestalk ng mga costumer. May suot pa siyang headband na may drawing ng manok, na akala mo mascot ng fast food chain. Pero sa halip na bumili, tinawanan lang siya ng mga dumaan.

Natawa na lang ako habang nag-co-compute ng sales namin. Ako ang abala sa paggawa ng report na ipapasa namin by the end of the week. Bilang leader ng grupo, ako na rin ang umako sa lahat ng responsibilidad na 'to. Dito ko rin ginagawa ang trabaho ko habang sinisigurado kung maayos bang ginagawa ng bawat isa ang kanilang mga tasks.

One week lang naman ang pagtitinda namin dito. Para lang daw sa experience at para lang may ma report kami pero at least hindi rin kami nahirapan sa pag-benta dahil isinabay nila ito sa Intramurals Week ng college. Maraming tao, kaya mabilis ang bentahan.

"Alam mo, last ka na lang, ikaw na talaga piprituhin ko!"

Napailing ako nang marinig si Trisha. Kanina pa sila nagbabangayan ni Jio habang nagluluto ng chicken wings. Mukhang mali yata ang desisyon kong pagsabayin sila sa kitchen. Si Trisha ang naka-assign sa pagpi-prito ng manok, habang si Jio naman ang nagtitimpla ng mga sauce para sa iba't ibang flavor ng chicken wings namin.

"Jio," I warned in a calm but firm tone.

"Sorry, Madam! Ito kasi—" Tinuro niya si Trisha, pero bago pa niya matapos ang sasabihin, inakmaan na siya ni Trisha ng hampas gamit ang tong.

Napailing nalang ako at ibinalik ang atensyon sa laptop. Buti na lang, nanahimik din sila.

I smiled upon checking our sales, third day pa lang pero so far, madami na kaming natinda. Mukhang sulit ang effort namin, kahit maraming aberya sa araw-araw.

"Hi Boss," bati ni Justin na kakadating lang. Siya naman ang naka-toka sa inventory ngayong araw pero nangako siya kanina na tutulongan niya ako kami sa pagtitinda.

"Ako na bahala dito. Focus ka na lang diyan, boss." sambit niya sa akin.

Tumango naman ako, "Thank you."

Malapit na rin naman matapos ang mga computations ko, kaya pwede na akong tumulong sa kanila pagkatapos.

"Bili na kayo! Our chicken wings come in different flavors, with crispiness at its finest!" rinig kong sigaw ni Hannah.

"Ayaw ko! May lason 'yan eh. Mukha pa lang ng lalaking nagluluto oh," sagot ng isang lalaki. Napa-angat ang ulo ko para tingnan kung sino iyon. It was Ian!

Sayang wala si Leigh. Isa siya sa gumagawa ng report nila at mas pinili nilang sa library gawin iyon.

"Ayos-ayusin mo buhay mo ah!" sagot kaagad ni Jio, seryoso pero may konting pang-aasar ang tono.

I shook my head and put my attention back to the laptop. Hindi ko na lang sila pinansin para mabilis akong matapos.

"Bilisan mo na dyan," rinig kong sambit ni Ian mula sa may pintuan ng stall.

"Malapit na 'to!" sagot ni Jio.

"Oo na, dito nalang ako mag-aantay, paparating na din pala sila," dagdag pa ni Ian, sabay upo sa bakanteng upuan sa labas.

Abala ako sa trabaho, pero na-distract ako nang may dalawang lalaki na dumating. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang makita ko si Kaizen, pero pilit kong ibinaling ang atensyon ko sa laptop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Surf Through The WavesWhere stories live. Discover now