Kaunti nalang ay mababaliw na ako kaka-ikot rito sa kwarto ko. Naghahanap ako ng masusuot dahil ang sabi ni Leigh required daw na magsuot kami ng kulay dilaw na damit dahil ngayon ang awarding at huling araw ng intrams.
Ang alam ko yellow daw kasi talaga pag nasa business track ka dahil yellow represents gold daw and gold represents money. And business people are usually the wealthy ones.
"Ang tagal mo naman!" bungad ni Leigh nang makita ako. Sinalubong niya ako ng yakap tsaka halik sa pisngi.
She's wearing a yellow fitted top and a long denim skirt. It shaped her body tho at mas lalo siyang tumangkad tignan.
"Bakit? nag-start na ba?" tanong ko. At nagkibit-balikat naman siya.
Buti nalang may ni-reserve na upuan para sa amin ang mga kaklase namin kaya hindi na kami nahirapan maghanap ng mauupuan pagkapasok namin. Hindi pa naman nagsisimula pero marami na ang mga tao na nandito sa loob.
"Good afternoon, Blyana University!"
And there the awarding ceremony began. It started with the school president's opening message. Tapos sumunod ang performance ng B.U Dance Troupe.
Lahat ay naghiyawan nang may biglang sumulpot na babae sa gitna. She literally stands out from the other dancers.
"Sino siya?" tanong ko kay Leigh na tumitili din at ang likot pa.
"Oh my gosh! You don't know her?" hay, magtatanong ba ako kung kilala ko? Umiling nalang ako bilang sagot.
"She's ate Drexine Figuerra! From B.S Accountancy. The president of Blyana Dance Troupe!"
Drexine? Parang yung resort na pinuntahan namin.
Tumango ako at ibinalik ang atensyon sa mga sumasayaw na hindi ko maikakaila na magaling silang lahat. Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal, sinimulan nila ang awarding sa pagbibigay ng sertipiko sa bawat manlalaro na lumahok. At sinundan ito ng pag-anunsyo at pagbigay sertipiko tsaka medals at trophy ng mga nanalo sa bawat laro.
"And now for the overall champion..."
Lahat kami ay umaasang banggitin ng host ang ABM bilang overall champion.
"Congratulations... Accountancy, Business and Management!"
Parang mabibingi ako sa sigawan ng mga ABM students. May iba pang umiyak. After all, our players deserve the trophy.
Hindi ko alam na nagplano na pala ng celebration party ang ABM Student Council, manalo man o matalo. Ayon na agad ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko nang matapos ang awarding.
"See you tomorrow!" kumaway sila sa amin ni Leigh.
Wala akong choice kundi ay sumama kay Leigh pauwi. Hatid sundo kasi ito at ako naman ay wala ng masasakyan.
"Thank you." sambit ko at humalik sa pisngi niya bago lumabas ng kotse nila. Kumaway sa akin si Leigh nang bumaba ako.
Bukas ay magiging isang mahabang araw kasama ang mga classmates ko at schoolmates na ABM strand. Kaya naman hindi na ako masyadong kumilos pagkapasok ko sa bhouse. Ang tanging ginawa ko ay kumain ng hapunan at ginawa ang night routine ko at saka nagpasyang matulog ng maaga.
YOU ARE READING
Surf Through The Waves
Teen FictionBlyana Series #1 Mikaela, traumatized by the loss of her sister in a ferry accident due to rough seas, is deeply afraid of the ocean. Her life changes when she meets Kaizen, a man who has been passionate about the sea since childhood. As Mika's path...
