Chapter 6

8 3 0
                                        

"Hi, Ate Rhianna!"

Yun ang masiglang bungad ni Leigh nang makarating kami sa puntod ni Ate. Yumuko siya para ilapag ang mga bulaklak. Tahimik ko lang siyang pinanood habang maingat niyang inaayos ang mga bulaklak sa ibabaw ng lapida. Ang bawat kilos niya ay puno ng paggalang, at ramdam ko ang bigat ng sandali. Pagkatapos, kinuha niya ang kandila, sinindihan ito, at dahan-dahang inilagay sa tabi ng lapida.

"I know you don't know me yet, pero alam kong nakikita mo ako palagi kasama ng kapatid mo, Ate," sabi niya habang nakatingin sa lapida. "I am Azhi Leigh, classmate ni Miks, and of course ang pinaka-magandang kaibigan niya."

"Ayaw ni Ate sa mga nagsisinungaling," singit ko, kaya nilingon niya ako at inirapan.

Nagpatuloy siya sa pagkukwento kay Ate, kaya napangiti na lang ako. Nakakagaan sa pakiramdam na makita siyang parang natural lang ang pakikipag-usap kahit sa gano'ng sitwasyon.

"I will not leave her po," dagdag pa niya, ngayon ay marahang hinihimas ang lapida ni Ate. "I'll always have her back, Ate. I hope you're happy wherever you are."

Tumayo siya at tumabi sa akin, saka ako inakbayan. Para bang nararamdaman niya ang bigat na pilit kong tinatago.

"Narealize ko lang," sabi niya habang nakatingin sa lapida, "halos magkatunog pala pangalan niyo, noh? You're Mikaela Rhian, tapos siya naman Rhianna Nika."

Napatawa na lang ako. Sa simpleng komento niyang iyon, parang gumaan bigla ang paligid.

Kinabukasan, nagbalik na naman kami sa realidad. May pasok na at halos semi-finals na! Dahil leader ako ng grupo, naging doble ang responsibilidad ko sa paghahanda. Sobrang abala ang lahat sa pagpapractice at pagsasaayos ng presentation para sa defense ng aming produkto. Ramdam ko ang kaba ng bawat isa, pero alam kong kaya namin.

"Yes! Defended!" sigaw ng kagrupo kong si Hannah habang tumatalon sa tuwa.

Halos di namin mapigilan ang saya nang marinig ang positibong feedback mula sa panel. Pakiramdam ko, unti-unti nang nagbubunga ang lahat ng pagod at puyat namin bilang grupo.

Pagkatapos ng maikling selebrasyon, agad kaming nag-usap tungkol sa susunod naming hakbang.

"Okay, guys! Since approved na ang product natin, focus na tayo sa production at pagtitinda. Malapit na ang finals!" sabi ko habang iniisa-isa ang plano namin.

"Kailangan consistent tayo sa quality. Ayoko ng reklamo!" sabi ni Justin, na mahilig sa details.

"Puwede na rin tayong mag-finalize ng marketing strategies natin," dagdag ni Hannah.

Habang nag-uusap, ramdam ko ang excitement ng lahat. Hindi man madali ang proseso, alam kong kaya naming harapin ang hamon bilang isang team.

"Siguro tsaka na muna natin ayusin. Ang mahalaga ay alam na natin ang gagawin. Pahinga muna kayo tapos asikasuhin na din ang ibang subjects. We can do this, everyone!" nginitian ko sila bago ako tumayo.

Isa-isa silang nagsitayuan, inayos ang mga gamit, at nag-alisan na sa classroom. Habang nililigpit ko naman ang mga gamit ko, bigla kong naalala si Leigh. Grupo na kasi nila ang sasalang sa defense.

"Miks!" napalingon ako sa pintuan nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Leigh na nagmamadali tungo sa bag niya. Mukhang gulong-gulo siya.

"Uh, I'm sorry! Mauna ka na lang umuwi kasi nagkanda-leche-leche na yung papers namin eh."

"Huh?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Halata sa mukha niya ang pagkabahala, pero bago ko pa siya masagot, nagsalita ulit siya.

Surf Through The WavesWhere stories live. Discover now