MB 8

30 2 1
                                    

Sabay na kaming umuwi. Hinatid niya din ako sa bahay. Automatic na yun, lagi niya akong uunahin. And ramdam ko yung saya na nabibigay niya sa tuwing ginagawa niya yun. "Sige bye Den! Bukas I'll go here." Niyakap niya ko, ang bango talaga niya kahit galing practice. "Sige bye, ingat ka. Text mo ko pag nakauwi ka na a?" Paalam ko sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, walang tao. Pumunta agad ako sa kusina kasi nauuhaw na ko. Pagkakita ko sa ref may note.

Anak.

Umalis muna kami ng papa mo. May aayusin lang kami, babalik din kami agad pagtapos nito. I love anak, ingat.

Mama.

Ah kaya pala, siguro yung mga papel para dito sa bahay. Mukhang pursigido sila sa pagbili nito a. Mabuti yun para hindi na ko maninibago. Ayoko kasi yung pabago bago. Nahihirapan ako makaadjust, pero depende na lang kung anong pagbabago yun. Katulad na lang ng pagdating ni papa, syempre masaya ako dun. Umakyat na ko pagkatapos kong uminom. Naiirita na ko sa suot ko e.

Pagpunta ko sa kwarto, nagbihis na ko agad. Paalis na sana ako nung biglang tumunog yung phone ko. Pagkabasa ko si Luigi pala.

I'm home na, so tired. What are your doing?

Pagkakita ko nun, dali dali akong nagpaload sa kanto. "Manong paload ng bente." Aba si manong ang tagal. "Manong pakibilis po." Naatat na kasi akong replyan si Luigi. Buti na lang at ako yung pinagtype ng number ko, kung hindi ang tagal pa nun. Binigay ko agad yung bayad ko at bumalik sa bahay. Pagkakuha ko ng phone ko nakita ko may 5 messages na. Dalawa yung sa load, tatlo galing kay Luigi.

Den?

May question mark pa talaga a.

Den! Where are you? Bakit di mo ko nirereplyan?

Medyo galit na siya.

Answer my texts or unless I'll go there.

Demanding talaga siya kahit kailan. Buti na lang nakapagregister na ko agad.

Sorry, wala kasi akong load e. Peace! :V

Ilang minuto lang nagreply na din siya sa akin.

Pinag alala mo ko a. So ano na nga bang ginagawa mo?

Lagi naman siyang nagaalala sa akin e.

Nakahinga lang, tinatamad pa kong kumilos e. Ikaw?

Inaabangan ko lang siyang magreply, hindi naman siya ganon katagal e.

Really? Me, nothing much because talking to you is enough :)

Shocks! Kinikilig na ko. Kasi naman e! Lagi niya na lang akong binobola.

Hihi :') Bolero ka din pala Luig.

Syempre, hindi dapat magpahalatang kinikilig.

No I'm not, sinasabi ko lang yung totoo at ang laman ng puso ko. ;)

Ayun! Pak na pak! Grabe siya, makalaglag panty naman to. Kahit minsan lang kami magkatext never niya kong hindi napapakilig.

Laman talaga ng puso? Nahiya naman ako dun ^//^

Pasaway! Hindi ko tuloy mahiwasan mangiti dahil sa kanya.

Oo, you know, masyado kang importante kaya nasa puso kita. Ang hirap huminga pag wala ka, I feel breathless and lifeless. Serious talk.

Ay! Hindi ko tuloy alam irereply ko. May paseryo seryoso pa siyang nalalaman. Alam ko naman kung gaano siya kaseryoso sa mga sinasabi niya e.

Kung ikaw breathless at lifeless, ako naman speechless. Masyado naman kasing natutuwa yung puso ko.

Nakakaloka kasi! Hindi ko naman inaasahan yung mga to.

Sabihin mo lang kung gusto mong itigil ko 'to. Pero tandaan mo hangga't kaya kong pasayahin ka gagawin ko. Makita ko lang ang mga ngiti sa labi mo :)

Hay! Wala na, nalusaw na ko! "Pola?" Biglang umeksena si papa. Nadatnan nila ako sa lapag na nginginig ay este kinikilig. "Hayaan mo na pa, si Luigi na naman yang kausap niya." Si mama talaga kabisadong kabisado na ko. "Ma naman e!" Tas ginaya ako ni mama. "Ma naman, ma naman ka dyan. Hindi ka pa nga kumakain e." Hindi pala nila alam na late akong dumating. "Kumain na ko." Sabi ko, at balik tuon sa phone ko.

Ganon ka talaga kaspeechless no? Hindi mo na ako sinasagot e.

Hindi naman kasi siya nagtatanong hahaha joke!

Ay sorry, dumating kasi sila mama e.

"Saan ka kumain?" Biglang lapit ni papa sa akin. Umayos ako ng upo at tinabihan ko siya. "Dun lang po malapit sa school pa." Tapos hinawi niya yung buhok sa mukha ko. "Sino kasama mo?" Pasimpleng protective si papa. Akala mo napahamak ako o ano e. "Si Luigi po." Biglang umilaw yung phone ko, nagreply na ulit siya.

Ah ganon ba? Pakisabi kay tita't tito na magandang gabi, kahit mas maganda ka pa sa gabi.

Grabe naman yun! Hahaha okay na yung magandang gabi e, kinumpara pa ko sa gabing madilim. Iba talaga tong si Luig. Hay! Napansin ko naman na katingin pa din si papa sa akin. "Oh bakit pa?" Nagbuntong hininga siya. "Dapat ba akong magselos sa kanya?" Ay may pagdrama si papa. "Pa naman, syempre ikaw pa din ang king ng princess mo. At ako pa din naman si Pola ni Pole." Sabay halik sa pisngi ni papa. Ngumiti naman siya at binalikan si mama sa kusina.

Grabe naman yun, may gandang gabi pa. Hahaha!

Iba talaga vibes ni Luigi. Nakakaganda e, naooverwhelm tuloy ako sa kanya.

Yung magandang gabi talaga na pansin mo. Hindi yung mas maganda ka pa sa gabi ^^

Ayun, inulit na naman niya. Paano ko siya marereplyan kung ganito ang nararamdaman ko. Kulang na lang lumabas yung puso ko sa katawan ko dahil sa kanya e.

Sabi nga ni Lord lahat naman ng tao ay magandang nilalang.

Pati tuloy si Lord nadamay sa kanya. Pero totoo naman sinabi ko e. Wag kasing masyadong nagpapakilig.

Kaya nga perfect si Lord. Kasi he manage to create a wonderful girl like you.

Edi lalong nakalaglag puso yung sinabi niya. Hindi ang galing niya talaga. Kaasar! Hahahaha

Its almost 10. Let's sleep na.

Aw, tulog na daw. Nalungkot naman ako bigla dun.

Calling...

[Hey Den!]

[Luig? ]

[Secret hahaha]

That hahaha :")

[Bakit? Nagulat naman ako.]

[Just wanna say goodnight, sleep tight and don't let the bed bugs bit you. Godspeed, bye!]

At pinutuloy na niya yung tawag. Gosshhh! Edi mas maganda talaga sa gabi ang tulog ko ngayon. Hayssss. Goodnight Luigi :)






Is Two Will Always Be Better Than ONE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon