MB 3

24 1 2
                                    

Kakastress talaga yung kanina. Buti na lang nakaisip ako ng excuse kanina kundi ewan ko na lang hahaha. Nakita kong padating na siya. "Ano ginagawa mo?" Ngumiti ako sa kanya. "Magluluto ako." Tumawa siya ng hindi gaano kalakas. "Gamit yang lapis?" Napatingin ako sa hawak ko, takte lapis nga. Bakit may lapis sa kusina namin. "Eh he." Nakakahiya, si mama talaga. Binitawan ko agad yung lapis.

"Ako na lang magluluto. Di ka naman marunong e." Napataas ako ng kilay. "Hoy! Marurunong ako no! Wanna bet?" Inusog ko siya at kumuha ng mga lahok sa ref. "Watch me!" Nakaupo lang siya sa gilid pinapanuod ako. Hahaha baka mainlove siya pag natikman niya luto ko.

Hiniwa muna yung sibuyas. "*Sniff* *sniff*" Bat ba nakakaiyak maghiwa ng sibuyas. Pinunasan ko yung onting luha ko. "Ako na." Lumapit siya sa akin para punasan yung luha ko. Napangiti ako dun pero di ko namalayan nahiwa ko na din yung daliri ko. "Ouch!" Shocks, di ko nakita yun a. "Shot shot!" Ang hapdi. Dali dali niya akong hinila sa sink.

Hinugasan niya yung hintuturo ko. "Aw." Medyo mahapdi nung hinugasan na niya ng sabon. "Sorry." Kaya yun dahan dahan na niya tinapos. "First aid kit?" Tinuro ko yung cr nandun kasi nakalagay. "Wait me here." Pumunta siya dun para kunin at pinaupo ako sa sala.

Pagbalik niya dala niya yung alcohol at betadine tas may bulak din. "Medyo masakit to a? Sabihin mo lang pagnapadiin ko." Tumango tango lang ako. Nilagyan niya muna ng alcohol yung bulak at dahan dahan niyang dinampi sa sugat ko. Nahigit ko yung kamay ko kasi biglang dumiin. "Oops sorry." Tas kinuha niya ulit yung kamay ko.

Bago niya ulit lagyan hinipan hipan niya muna. Napatingin siya sa akin, nginitian ko naman siya. Paulit ulit lang yung ginawa niya hanggang betadine na yung ilagay niya. Hinalikan niya yung sugat ko kaya nagulat ako. "Ay, nasanay ako e. Ganon kasi ginagawa ko kay Sophie pag may sugat siya." Yung pinsan niyang cute, kamukha niya.

Naalala ko yung kakainin namin medyo late na kasi. 8 na wala pa rin kaming pagkain. "Yung niluluto ko." Tumingi siya at umiling iling. "Ako na." Nagpout ako, gusto ko ituloy e. "No, ako na. May next time pa naman." Tas hinila niya ako papuntang kusina.

Pinaupo niya ko sa gilid kung saan siya nakapwesto kanina. "But, I can cook." Tumigil siya sa ginagawa niya. "Okay you win, mas magaling ka magluto at mas masarap yung gawa mo. But I won't let you do this with your wound. Mas masasaktan ka, it needs to heal. Hindi ka naman sundalo para sumabak sa gyera kahit alam mong 50/50 ang chances na you survive. You know I won't allow that." Grabe talaga siya, yun lang sinabi ko ang haba ng response niya. Pero ang sweet, ugh!

After 10 mins, natapos na din siya. Grabe amoy pa lang masarap na. Alam ko naman na mas masarap yung luto niya e. "Here you go." Hinila niya yung upuan. What a gentleman. "Enjoy!" Ngumiti siya, kahit siya lang nageenjoy na ko e. Hahaha joke lang!

Ayos talaga siya! Ang sarap! Full package talaga siya, matalino, gwapo, athletic, mabait at magaling magluto. Husband material! Bigla niya kinaway yung kamay niya. Hala, nakatulala pala ako. "Masarap, oo masarap talaga." Palusot ko sabay subo ng pagkain. Nakakahiya, nagfafantasize ako habang kaharap ko siya. Great Den! Just great.

Pagkatapos niligpit na namin yung kinainan. Habang may kinukuha siya. Sinimulan ko na maghugas. "Ang kulit mo talaga." Hinila niya ko sa bewang. "Kaya ko naman e." Bumalik ako tas hinawi ko siya. Kiniliti niya ako. "Lu-igi hahahaha! Wag k-a hahahaha!" Hindi pa rin siya tumitigil. Kumuha ako ng bula sa sink. Pinahid ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Peace!" Nagpeace sign ako.

Bigla ba namang nilagyan din akong bula sa mukha. Gumanti ako, ganon din siya. Tawa lang kami nang tawa. Hawak niya lang ako sa bewang para daw di ako makawala. Bigla niya akong nacorner. Nakataligod ako sa sink tas siya nakaharap sa akin. Sobrang lapit na ng mga mukha namin. Hawak niya pa risk ko. Natigilan din siya.

Di ko alam kung paano magrereact. Lumihis na lang siya ng tingin sa akin. "Tara dun ka na lang muna." Yun yung pumutol sa tahimik naming paligid. "Ako na maghuhugas. Yung sugat mo kasi dumudugo na naman e." Pagtingin ko, oo nga. Hindi na ko nakipagargue. Sumunod na lang ako at pumunta sa sala.

After niya pinuntahan niya ako agad. "Amina nga." Nilagyan niya ulit ng betadine. "Di ko muna lalagyan ng band-aid para makahinga yung sugat mo." Tumango tango ako, ginulo niya lang yung buhok ko. "Nuod tayo movie." Naalala ko, wala pala akong movie. "Eh wala akong movie, nagcrash yung flash drive ko. " May kinuha siya sa bag niya.

Parang isang notebook siya na may mga sulat na. "Ano yan?" Sinilip ko pero bigla niyang sinara. "Nothing, just personal." Umoo na lang ako. Napahikab ako, pagcheck ko 10:30 na pala. "Sleepy?" Hikab ulit yung naging sagot. "Yes you are." Tumayo siya para alalayan ako.

Pagdating sa taas, tumigil siya. "Ayoko kasing hindi ka makitang matuog e." Nanliit yung mga mata ko. "Do you mind if I escort you to your room?" Yun pala ibig sabihin niya. Umoo ako, wala namang masama e. Dalaga ako, binata siya. Joke! Hahahaha bata kami, malikot lang talaga imagination ko.

Pagpasok namin. "Sorry makalat." First time ko kasing magpapasok ng iba sa room ko. "Okay lang." Tumingin tingin lang siya sa loob. Naalala ko may kinekwento pala ako sa kanya. "Hey, meet Mr. Toki" Ipinakita ko yung pig na stuff toy ko. "Hi Mr. Toki, I'm Luigi." Hinawakan nuya yung legs tas shinake niya. Hahaha ang cute!

"Bakit nga ba Mr. Toki?" Ay di ko pa nga pala nasabi sa kanya. "Mr. Toki kasi galing sa tokwa. Toki, tokwa. Tokwa't baboy. Pinaikli ko lang." Napa-ahh siya sa sinabi ko. "Mr. Toki thanks for your presence. At least alam kong may kasama si Den everytime nawala ako. Lagi mo siya ingatan a? Pag may nangyari tawagan mo ko." Natawa naman ako dun, nahampas ko tuloy siya. "Bakit? Naiintindihan niya ko." Natawa din siya.

Napahikab ulit ako. "O sige na, safe ka na e. Tulog na, sleep well. Don't let the bedbugs bite you." Humiga na ko. Nilagay naman niya yung kumot sa katawan ko. Bago siya umalis. Hinalikan niya ko sa noo. "Goodnight, bukas paggising mo nandito pa ako." Ngumiti ako. "Goodnight din :)"

Is Two Will Always Be Better Than ONE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon