MB 4

10 1 1
                                    

Feeling ko agad ko pa rin dahil kay Luig! Kilig pa rin ako kagabi e. Pagdilat ko, hindi muna ako bumangon kasi tinatamad pa ko. Pero biglang bukas yung pinto ko kaya napaupo ako. "What a great morning to start. Seeing your face in morning is so perfect. I'll just grab our breakfast a?" Tapos sabay kindat niya sa akin. Grabe talaga siya! Hindi pa nga ako makaget over kagabi, may pa great great morning pa siyang nalalaman. 

 Naghilamos na ko para naman hindi nakakahiya sa kanya. "You ready? Tapos ko ng lutuin yung breakfast natin." Tumango ako, at sumabay na palabas sa kwarto. HIndi ko pa din matanggal yung ngiti sa mga labi ko. Shocks! Ayokong masanay kasi aalis din siya e. Pagkababa namin na amoy ko na agad yung niluto niya. "Wow! Pinapataba mo ko a!" Sobrang dami kasi, e dalawa lang naman kami dito sa bahay. "I love your face pa rin naman no matter what." Can he not? Napapaenglish ako dahil sa kanay e, hay!

Nagstart na kaming kumain. Di ko pa alam kung ano una kong kakain. Kumuha na lang ako ng lahat pero konti lang para matikman ko. "Ah! Grabe ang sarap naman!" Komento ko. Natawa lang siya. Habang ako aliw na aliw sa pagkain nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Naconcious naman ako bigla at umayos ng upo. Napangiti siya at bumalik sa pagkain niya. 

Maya maya ganon na naman siya. Hindi na naman siya kumakain, nakatitig lang ulit sa akin. Hindi ko na natiis kaya nagsalita na ko. "Ehem." Sabi ko muna, pero ganon pa din siya. "Ehem." Ulit ko, wala pa ding pinagbago. "May dumi ba ko sa mukha?" Umiling siya, ako naman kinapa yung mukha ko kung meron nga. Eh wala naman din. Naisip ko baka may muta pa ko kaya siya ganon. "Eh muta?" Umiling na naman siya. "Eh anong meron?" Kasi naman kulang na lang tunawin niya ko sa mga titig niya.

"Wala lang, naisip ko lang kung ganon kagaling si God." Ano? Bat napunta si God sa usapan? "Kasi he manage to creat an angel like you that I will treasure the most." Tas nagkibit balikat at kumain na siya ulit. Gosh! Kailangan ko ng maraming tubig! Angel daw? Aba, ako na ata ang pinaka swerteng anghel dahil dito sa lalaking to. Jusme, ikakalma ko na naman yung sarili ko dahil sa kanya. 

"Anak?" Safe by the bell! Buti na lang dumating na si mama. Di ko kasi alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya. Alangan naman sabihin ko. 'Enebe! Masyado ka naman!' Magmumukha akong malandi nun. Eh pag ano naman 'Maliit na bagay, pero salamat.' Masyadong conceited. Pag hihihi lang, pacute naman. Kaya okay na na biglang dumating si mama. 

Tumayo ako para salubungin siya. "Ma!" Sabay yakap ko sa kanya at kiss sa pisngi. "Tita." Lumapit din si Luigi para magmano. "Sinamahan po ako ni Luigi nung wala ka." Baka kasi hindi alam ni mama e. "Ah oo, nasabi niya sa akin bago ako umalis." Hala? So ako lang pala talaga walang alam nun. Magaling! Di ko alam yun a. "Kumain ka na po tita?" Ay oo nga! Pwede, madami pa naman pagkain e. "Oo nga ma." Pero umiling si mama. "Okay na ko, sige kumain na kayo." Kaya yun, pumunta na lang ulit kami sa kusina. Habang si mama kinukuha pa yung mga gamit niya sa labas.

"After neto, aalis na din ako." Tumingin ako sa kanya. "May mga requirements pa kasi akong tatapusin, ikaw din diba?" Tumango ako at ngumiti. "Good." Tahimik na naman kaming kumain. Buti na lang hindi niya na ulit inopen yung topic kanina. Kundi di ko alam kung ano isasagot ko dun, although hindi naman tanong yun. Eh basta, okay na yun. Hindi ko na nga masyadong iisipin.

Natapos na din kami agad. Hinugasan na din namin yung mga plato. Ayaw niya kasi ako payagan na maghugas, e kaso siya na kasi nagluto. Unfair sa kanya, kaya sabi ko dalawa na lang kami para di na kami magtalo pa. After nun umakyat na siya para kunin yung gamit niya. Inabangan ko lang siya sa sala. 

Habang inaantay ko siya sinilip ko muna si mama sa labas. Medyo matagal na kasi siya dun e. Pagbaba niya saktong pumasok si mama na may kasama. Napakunot ako ng noo. Binababa muna ni Luigi yung gamit niya at tinabihan ako. "Anak, papa mo." Lalo akong nilapitan ni Luigi at hinawakan yung kamay ko. Lumapit yung lalaki sa akin at akmang yayakapin ako. "Ma ihatid ko lang si Luigi sa labasan." Umiwas na ko hangga't maaga pa. Tumango lang si mama. Dali dali kong hinatak palabas si Luigi. 

Naglalakad lang kaming dalawa, hindi ko siya kinakausap. Hindi niya pa din binibitawan yung kamay ko. "O, akala ko ba hanggang labasan lang tayo." Hindi ko siya sinagot. Pumara ako ng jeep at sumakay. "Kung di mo ko sasamahan okay lang." Bigla rin siyang sumakay sa jeep at hinanap na naman ang kamay ko, mas hinigpitan niya yung pagkakahawak niya. 

Di ko alam kung saan kami napunta. Basta ginising lang ako ni Luigi dahil nakatulog pala ako. Ang sama pa rin ng loob ko sa sinabi ni mama e. "O, para sa sweet tooth mo." Binigyan niya ko ng cotton candy, at umupo kami sa swing nung park. Kain lang ako nang kain, nawala kasi yung laman ng tyan ko kanina e. "Iiyak mo kung gusto mo." Lumapit siya sa akin at tumuwad pa harap sa akin at niyakap ako. Ewan ko walang luhang pumapatak. Basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay galit. 

"Anong pakiramdam mo?" Inalis niya yung pagkakayakap niya sa akin at umupo sa harapan ko. Bali ako nasa swing siya nasa grass katapat ko nakaupo. "Galit? Hindi ko alam e." Nakatingin lang siya sa akin. "Alam mong nandito lang ako diba?" Shocks! Yung requirements niya pala. "Wag kang mag alala yung requirements ko kayang mag antay pero ikaw, mas kailangan mo ng kasama ngayon." Nabasa niya yung expression ng mukha ko. Ngumiti siya. 

"Kasi hindi ko maintindihan. All this time, MIA siya. Tapos isang araw dadating na lang siya ng walang pasabi. Ano akala niya ganon lang yun? HIndi naman pwede yun. Sa buong buhay ko si mama lang ang nasa tabi ko." Bigla akong natigil nung nag ehem siya. "Syempre kasama ka dun. Kayo ni mama. Alam mo yun? Mahirap lang para sa akin na tanggapin siya agad." Naiiyak na ko. Kasi naman e. 

Hinawakan niya yung kamay ko. "Hindi naman agad agad matatanggap mo siya. Kaya nga siguro nandyan siya para mag sorry at bumawi sayo. Alam mo you're still bless kasi bumalik siya para sayo. Di tulad ng iba dyan hanggang ngayon hinahanap pa rin nila yung mga tatay nilang missing in action." Alam kong tama naman lahat ng sinabi niya pero kasi. "Alam mo ba yung sinabi ni tita sa akin kanina?" Ano nagusap sila? "Nung inaayos mo yung kusina tapos paakyat ako ng kwarto para kunin yung gamit ko." Tumungin ako sa kanya.

"Sabi niya sa akin. 'Anak alam kong mahihirapan si Den pag sinabi ko na sa kanya kung bakit ako umalis. Pero sana ikaw na ang bahala sa kanya, sayo lang din nakikinig yun e.' Tapos nun niyakap niya ko, oo di ko nagets nung una pero nung nakita ko yung tatay mo. Alam ko na yung sinasabi ni tita."

Hay, si mama talaga. Tuluyan na tuloy akong umiyak. Alam kong gusto lang din naman niya namakilala ko yung papa ko. Masyado lang akong nagulat kasi biglaan. Hindi ko naman inaasahan na magpapakita siya after how many years. Bago kami umuwi bumili na naman si Luigi ng sweets. Para daw hindi ako masad. Spoiled na spoiled talaga ako sa kanya. 

"Oh ayan a, pag di mo pa siya kayang kausapin. Kumain ka niyan para magkaroon ka ng lakas ng loob. Tapos pag gusto mo ulit umiyak, kahit nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Pupuntahan kita agad agad sa bahay niyo. Tandaan mo yan." Ginulo niya buhok ko. Nasa tapat na kami ng gate ng village namin. "Teka nga." Hinigit niya ko palapit sa kanya. "Isang yakap na lang ulit." Napangiti naman ako sa ginawa niya. "Ayan edi ngumiti ka din. Wag nasisimangot, baka hindi lang yakap ang gawin ko sayo hahaha!" Aba sira ulo. "Baliw! Sige na umuwi ka na. Salamat ulit!" Lumakad na siya paalis. "Anything for you, my angel!" Tas nagbabye na siya. Hay, hindi ko alam kung paano pag wala siya.

*********

A/N: Ang hirap mag pakilig a! Naloloka na ko, hahahaha pero para sa inyo kakayanin ko. Hahaha hope you like it guys! #DenGI official love team ni Den at Luigi hahaha mwamwa :***

Is Two Will Always Be Better Than ONE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon