MB 7

30 1 0
                                    

Pagtanggal niya ng yakap niya. Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Mageexplain ako." Tas nginitian ko siya. "Yah, I know." Simula kasi nung dumating si papa hindi ko siya nakausap. Syempre, nagbonding muna kami ang tagal din since nung nagkita kami e. "Atayin lang muna natin si Nikki." Tumango siya at tumabi sa akin sa gilid. Nilalaro niya yung kamay ko habang nagaantay kami. Hobby na niya yun pagmagkasama kami kahit pawis okay lang sa kanya. "Basa na naman kamay mo a." Tas kinuha niya yung panyo niya para punasan.


"Sorry te!" Tas napatingin si Nikki sa kamay namin. "Ay!" Sira ulo talaga, binababa na tuloy ni Luigi yung kamay ko. "Ang tagal a!" Pang aasar ko, medyo awkward na kasi. "Eh sorry naman te, aba malay ko bang ganon kahirap yung exam natin." Tinawanan ko na lang siya at dumiretso sa canteen.


Dating pwesto, si Luigi yung bumibili kami nakaupo lang habang inaantay siya. "Oh ano te? Ano yung nadatnan ko kanina?" Eto na naman si Nikki, daming tanong. "Eh diba kasi pasmado kamay ko? Ayon pinunasan niya." Inirapan ba naman ako. "Aba, boyfriend duty lang ang peg?" Pinalo ko siya sa braso, para kasing baliw. Buti na lang dumating na si Luigi. "Oh eto sayo." Tas nilagay niya sa harap ko yung binili niya.


"Eh yung akin?" Tanong ni Nikki. "Ay, akala ko kasi may baon ka." Patay tayo dyan! Napakunot tuloy noo ni Nikki. "Wow a? Salamat Captain, ang bait mo." Sarcastic na sagot ni Nikki. Tumayo na lang siya, wala na naman siyang magagawa kundi bumili ng pagkain niya. "Baliw ka, bat di mo siya binilhan?" Tumingi si Luigi sa akin at nagkibit balikat. Loko yun, mainit pa ulo nun dahil sa exam namin kanina e.


Pagkabalik ni Nikki sa table namin para siyang bibitayin sa binili niyang mga pagkain. "Tamo, kung binilhan ko siya ubos baon ko." Natawa naman ako sa sinabi ni Luigi, totoo kasi e. "Che! Wag kayong mang judge, depress ako." Hahaha sabi ko na nga ba e, hanggang ngayon hindi pa din siya makaget over sa exam kanina. Hindi siguro nakapagreview yun ng maayos kaya, depress eating ang peg niya ngayon.


"Free cut daw a." Napatingin ako kay Nikki. "Di nga?" Tumango lang siya. "Te di ako makakasama sayo, may tatapusin pa kami nung group ko sa lit e." Tumayo na agad siya para pumunta sa pupuntahan niya. Naiwan lang kami ni Luigi sa table. "Baka may gusto kang ikwento sa akin, baka lang naman." Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam ko siya.


Di ko alam kung saan magsisimula. Yung pagdating ni papa, bakit ako late at di ko siya nasasagot o sa hindi pagkausap sa kanya ng ilang araw. "Eh ano?" Tapos tumingin siya sa akin. "Pola?" Ay oo nga pala hindi niya alam kung bakit Pola ang tawag ni papa sa akin. "Ah yun ba? Pangalan kasi ni papa, Pole ginawa niya lang yun kasi gusto daw niya ng girl version niya kaya Pola ang tawag niya sa akin. Siya lang din ang may palayaw sa akin." Napa ahh na lang siya at napatango tango. Akala ko naman madami siyang itatanong sa akin. "Eh bakit late ka kanina? Tas yung phone mo pa." Ah eto na nga yun. Sabi ko na nga ba e dadating kami dito e. "Kasi si papa masyadong clingy, namiss ako masyado kaya yun medyo napasarap usapan namin. Hahahaha tapos nun hindi ko pala na bulsa yung phone ko kasi nga sobrang nagmamadali na ko." Nanlisik yung mata niya bigla.


"Dat sinabi mo agad. Nag alala kaya ako sayo." Eto na naman siya. Kailangan ko ulit ulitin sa kanya para magets niya. "Oo, alam kong may exam kayo pero sana naman nakitext ka kay Nikki o kaya sa iba mong blockmate ng hindi ako kinakabahan at mag isip isip ng masama. Alam mong ayokong may nangyayari sayo." Napangiwi naman ako dun, sasabihin ko ba na hindi ko alam yung phone number niya? Kay mama lang kasi yung kabisado kong number tsaka yun akin. "Eh kasi hindi ko kabisado yung number mo, naisip ko din naman yun. Kaso diba ayaw mong pinapamigay yung number mo kaya wala din sila." Hinila niya ko patayo.


Napansin ko na punta na pala kami sa gym. "Sandali lang, inatayin mo ko dyan." Pumasok siya sa locker room nila, siguro may gagawin. "Hi first lady!" Biglang nagsidatingan yung mga kateam ni Luigi. "Hi Captain's" Mga loko talaga, ang lakas nila mangasar. "Ano ginagawa mo dito?" Lumapit yung isa, di ko kasi sila kilala e. "Hoy baliw mamaya makita ka ni captain e." Kung tutuusin nandito nga si Luigi e. "Let's go there, ang iingay ng mga tao dito e." Hinigit na naman niya ako palayo sa mga kateam niya. "10 rounds now!" Sabi niya sa mga iyon.


May hawak siyang ballpen at paper. Pinunit niya tas may sinulat siya. "Id mo?" Ah? Bakit? Pero di ko na siya tinanong binigay ko na lang. Pagkabigay ko nilagay niya yung papel. "Yaan, you don't have reason para hindi ako itext. Kahit hindi mo kabisado nandyan na naman, wag mo nang alisin pa yan." Ah yun pala yun, lagi siyang may solusyon sa lahat ng bagay. Nakiupo na lang din ako sa gym. Free cut naman, sakto wala din akong gagawin. "Wala kang class?" Tanong nila, umiling lang ako para sagutin sila with matching smile. "Enough, back to work." Sita naman ni Luigi sa kanila.


Medyo late na din, kumulo tuloy sikmura ko. Tumayo ako para bumili ng pagkain. "Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Luigi. "Bibili lang ako ng pagkain, babalik din ako." Paalis na sana ako ng gym. "Sige, bukas na lang ang practice. Uwi na kayo." Pagtingin ko sa oras wala pa namang 6. Eh madalas yun yung tapos ng training nila. Lumapit sa akin si Luigi at kinuha yung gamit ko. "Sabayan na kita kumain." Tumingin ako sa kanya. "Eh hindi pa naman 6 ah? Bakit ang aga mo tinapos yung practice niyo?" Lagi na lang siya ganito, napaka unpredictable niyang tao. Ang hirap basahin ng mga gala niya, kahit yung mga sinasabi niya. "I won't let you starve yourself for the sake of me. Okay na yung makakain ka kaysa naman kumalam yang tyan mo sa biscuit lang." Tsaka na niya ko hinila palabas ng gym. So much of him.


**********

A/N: Sorry for oh so late update been busy for the past few days :) Enjoy!


Is Two Will Always Be Better Than ONE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon