Kasalukuyan nagdidilig si Ayesha ng mga halaman sa labas ng gate ng bahay na pinapasukan nya bilang maid at apat na araw pa lang siyang nangangatulong sa tahanan ng mga Altamonte.
Abala siya sa pagpupulot ng mga natanggal na dahon habang patuloy pa rin ang pagdidilig nya sa ibang parte ng halaman ng makarinig sya ng busina malapit sa kinatatayuan nya na ikinagulat nya pa kaya naiharap nya ang hose na hawak sa kotseng nasa harapan nya na pala kaya nabasa ang hood ng sasakyan na ikinataranta nya na agad niyang ikina off sa hose.
"Hala patay lagot ako nito!" usal nya sa kanyang sarili.
Lumabas mula sa loob ng kotse ang isang lalaki na ikinatulala ni Ayesha dahil sa angking kakisigan at magandang lalaki ang nasa harapan nya ngunit na balik sya sa huwisyo ng magsalita na ang lalaki na halatang galit ito.
" what the f*ck miss! Anong ginawa mo bakit mo binasa ang kotse ko!? Kaka wax ko pa lamang kanina nito. " ani ng lalaking salubong na ang dalawang kilay.
" S-sorry sir, hindi ko po sinasadya
Nagulat po kase ako sa pag busina nyo! " hingi nya ng despensa." Bagong katulong ka dito? Bakit ikaw ang nagdidilig nyan? nasaan si Mang Jun? sya dapat ang gumagawa nyan at hindi ikaw? " ani ng lalaki sa kanya na ikinapagtaka nya dahil kilala nito ang hardinero ng mga Altamonte.
" May sakit po kase si Mang Jun kahapon pa po, kaya ako po ang na pag utusan ni Manang Lilia na gumawa po muna nito habang nagpapagaling si Mang Jun." ani ya sa kausap.
" Hindi ba sinabi sayo ni Manang na ngayon ang dating ko!? " tanong nito kay Ayesha na biglang lumaki ang mata dahil sinabi nga ng mayordoma na ngayon darating ang bunsong anak nila Senyora Mildred galing ng Pangasinan.
" Sir Nathan? " tanong nya sa lalaki.
" Ako nga! Pakibukas ang gate papasok ako. " utos sa kanya ng lalaki na ikina irap nya pagtalikod nya rito saka bumulong bulong na.
" Ang gwapo nga, ang sungit naman."" Narinig ko yon miss! " malakas na sabi ni Nathan.
" Hehehe.. Ang lakas naman ng pandinig mo sir, ibinulong ko na nga nadinig mo pa! " ani ya sa lalaki na nginitian nya na lang.
Tumalikod na sa kanya si Nathan at pumasok na sa kotse nito at pinaandar na papasok pero bahagyang nag stop sa tapat ni Ayesha at nag gesture na pinapalapit ang babae sa kanya.
" Bakit sir!? " kinakabahang tanong ni Ayesha.
" Anong name mo? " seryosong tanong ni Nathan.
" Ayesha sir, Ayesha Madrigal po. " sagot naman nya na nakatango na dahil kinakabahan sya sa pagtitig nito sa kanya.
Pinaandar ng muli ni Nathan ang sasakyan at napaisip naman si Ayesha kung bakit tinanong pa ang pangalan niya.
" Baka isumbong ako ni sir kay Manang Lilia at kay senyora!? Hala lagot talaga ako nito! Mukhang last day ko na ngayon sa mansion na to. Totoo naman ang narinig niyang sinabi ko ah sungit naman talaga sya,buti nga sinabi ko pang gwapo sya eh! " sabi nya sa kanyang sarili.
Binalikan na nya ang ginagawa niyang pagdidilig sa labas ng gate nang mawala na sa paningin nya ang sasakyan ni Nathan.
At ng matapos siya ay dumiretso na sya sa loob ng kusina upang tulungan si Manang Lilia na maghanda ng tanghalian.
" Mabuti at narito ka na Aye! Tulungan mo kong maghiwa ng mga gulay rito at malapit ng magtanghalian. " utos sa kanya ng mayordoma nila na kaibigan ng kanyang ina kaya naipasok sya nito bilang katulong sa mansion.
"Nakita mo ba si Nathan na dumating?" tanong ni Manang Lilia.
" Opo! Ako po ang nagbukas ng gate para sa kanya kanina manang. Naabutan po kase nya ko sa labas ng gate na nagdidilig ng mga halaman."
Sagot ni Ayesha.
BINABASA MO ANG
A Night with Mr. Sungit
Storie d'amoreIsang dalagang probinsyana na namasukang kasambahay, upang makatulong sa pagpapagamot sa inang may sakit. Ulila na rin sa ama at may pinag aaral na dalawang kapatid. Magkaka crush sa anak ng amo nya na napaka sungit. Na isang gabi na nalasing ang b...