Chapter 1

1 0 0
                                    

" Hindi mo alam gaano kasakit umasa na akala ko parehas tayo ng nararamdaman pero hindi pala. Kung gaanu mo ako binigyan ng rason para mangarap pero ikaw din pala ang magiging rason para mawalan ako ng pag-asa "

.............

Sobrang ingay! Kahol nanaman ng kahol ang mga aso tapos may katabi ka akong pusa na ang puwetan nasa mukha ko.
Kahit kailan nakakatamad talagang pumasok ng sobrang aga, kung hindi lang talaga papatayin sa stage at mag li-lead ng panatang makabayan ehh sa first subject na talaga ako papasok ehh.

Mabilis akong kumilos para maligo dahil alam ko naman na kailangan kong magluto ng agahan nila nanay bago pumasok.
"papasok kana anak" tanong sakin ni nanay
"opo nay, mamaya malate nanaman ako tapos pag martsahin nanaman sa harapan ang mga late nakakahiya po."
"Hala sige anak umalis kana at mag ingat ahh."

Nagmano lang ako kay nanay at nagpaalam na.

Pagdating ko ng gate ng school binati ko ang guard namin pati yung janitor na palaging nagwawalis sa may gate, nginitian lang nila ako bilang tugon.

Pumunta na ako sa likod ng stage since mag uumpisa na kaming magdasal na grupo ng rosary. Sumali kasi ako sa isang grupo ng marian sa school na palagiang nag li lead ng panalangin sa umaga.
Nag umpisa na kami bago mag dirediretso sa announcement and magsaysay hymn.

Sobrang the same lang ng set up katulad nung 1st year hanggang 3rd ako dito sa skwelahan namin, ngayon na 4th year na ako mangangapa nanaman ako sino kayang mga magiging teacher ko, sa dami dami kasi ng section kada year na umaabot ng 15-20 plus na section ehh tiyak na marami din talaga ang teacher.

Sa totoo lang I'm not good in academics, i admit it naman pero hindi rin naman pasang awa ang mga grades ko kundi sakto lang. Ang may matataas na grades ako is yung mga hindi naman ganun ka major na subject ko katulad ng MAPEH, THE, TLE. Pero ang pinaka gusto ko talaga is MAPEH nandun kasi yung paborito ko na subject ang musika.

Pagkatapos ng flag ceremony lahat ng estudyante ay umaakyat na sa kani kanilang class room.

"Hay naku siksikan nanaman sa hagdanan paakyat, di na ba talaga pwedeng nakalinya lang? Problema lang kasi malelate nanaman kung sino ung pinaka nasa itaas" sabi ni Macy na best friend ko simula pa nung first year

" ou nga ehh, ewan ko ba ang laki laki naman sana ng skwelahan natin pero bakit tatlo   o apat lang yata yung pinapaakyatan kapag umaga." tugon ko sakanya sa sobrang inis.

Wala kaming nagawa kundi sumunod nalang sa halos nagtutulakan naming kaklase at ibang section ng ibang baytang.

Natapos ang umaga naming klase at nagkayayaan na kaming mag break time nila Macy at Eloisa.

"Saan tayo kakain?" sabi ni Eloisa.

"Sa quadrangle nalang siguro tapos iwan natin bag natin at bumili ng makakain" sabi ni Macy

"kayo nalang nila Eloisa ang bumili ako nalang mag babantayan ng nag natin ayokong iwan ang gitara ko dahil the last time iniwan ko nagkaruon ng gasgas, bili nyo nalang ako ng rice in a cup at isang tubig. Salamat"

Pag ka alis nang dalawa at naiwan akong mag isa, umupo nalang ako at binuksan ang case ng gitara ko habang naghihintay sakanila, medyo malawak kasi quadrangle namin kaya alam kong matatagalan sila bumalik lunch break narin kasi.

Nagumpisa akong tumipa sa kantang una kong natutunan gitarahin at kumanta.

"Sandali nalang, maaari bang pagbigyan, aalis nalang, maaari bang hawakan ang 'yong mga kamay na sana ay maabot ang langit. Ang 'yong mga ngiti na sana ay masilip..."

Kapag kumakanta ako at feel na feel ko napapapikit nalang talaga ako na parang wala akong kasama sa paligid ko.

Pag dilat ko napakunot nalang ako ng noo dahil may nakatingin na pala sakin na teacher at nakangiti.

Nginitian ko nalang din kasi bigla akong nahiya at feeling ko namumula ako dahil feel na feel ko pang kumanta habang nag gigitara.

speech lessWhere stories live. Discover now