"alam mo ba kung ano yung pinagsisisihan ko? Yung naniwala ako sa mga pinakita mo at sa salitang mahalaga ako sayo. Kapag wala siya tsaka lamang ako nagiging mahalaga sayo"
................
Nagising ako ng maramdaman kong kinakalabit ako ni nanay.
Di nanaman ako nagising sa alarm clock ko,
Kasalanan to nila Eloisa at Macy ehh..
Kung anu anung pinagsasabi kahapon, di tuloy ako naka tulog ng maaga kakaisip ng what if's sa mga pinagsasabi nila."emerald, anung oras ba pasok mo alas sais na ng umaga. Di ba alas siyete ang flag ceremony nyo? Bakit tulog ka pa diyan?"
"pasensya na nay, medyo napuyat lang sa assignments. First day palang kasi marami ng binigay na gagawin hanggang matapos ang first grading ehh."
Pagdadahilan ko, although totoo naman na may mga assignments pero madali lang naman dahil nasa libro lang din naman sasagutan namin.
Nagmadali na akong kumilos kasi pag umaga, naglalakad lang naman ako papuntang school. Apat na kanto lang naman school na namin. Ayoko ng sumakay sayang kasi pamasahe pwede ko na yun ipunin pang bili ng capo na gustong gusto ko. Sobrang mahal kasi.
Pagkatapos ko kumain ng agahan dahil si nanay narin naman nagluto ehh nagpaalam na akong papasok kasi talagang malelate na ako.
"Nay... Una na ako ahh. Ingat po kayo dito. I love you!" sigaw ko nalang dahil naglalaba nanaman ng sobrang aga sinabi ko ng ako na sa hapon paguwi ko. Tigas ng ulo ehh. Sige nalang..
Nakarating ako ng school sakto kakatunog lang ng bell bago mag umpisa ang flag ceremony.
Again, announcement nanaman sa darating na MAPEH month..
Blahhh blahhh blahhh..."Macy, problemado talaga ako anung kakantahin sa event.. Ayoko naman basta basta lang pumili tapos di magustuhan ni maam."
"alam mo emz why don't you ask nalang si maam kung anu din ba ang idea niya since kayo naman ang mag pepresent nyan"
"Ou nga emz, liit ng problema mo pinapalaki mo" sabi naman ni Eloisa
"Ehh kung batukan ko kaya kayong dalawa, kayo may kasalanan bakit namomroblema ako ehh"
Nag peace sign lang ang dalawa..
Hay naku may magagawa pa ba ako ehh nakalista na pangalan ko..Dahil istrikto sa school namin at fourth year na nga kami ehh talagang seryoso kami kapag nasa klase na kahit pa puro kalokohan kaming tatlo kapag magkasama ehh hindi naman namin hinahayaan maapektuhan ang grado namin sa acads.
Lumipas ang oras at lunch break nanaman..
Naisipan ko munang hindi sumama sakanila dahil busog pa naman ako,
kaya dumiretso nalang muna ako sa music room namin sa fifth floor para naman makapag isip at makapag relax.
Yun lang talaga yung way ko para makapag relax.Halos wala ng estudyante ang nandoon at teachers kasi lunch break na nga.
Dumiretso ako ng lakad sa mahabang pasilyo..
Pumasok ako sa pinaka dulong room kung nasaan ang mga instrumento at kung saan din nag papractice ang choir namin.
Sobrang laki ng silid pwede nang tambayan nang halos 100 na tao sa sobrang laki.Kumpleto ang mga kagamitan kaya naman tuwang tuwa talaga akong pumupunta dito kapag walang tao mas payapa kasing tumugtog at kumanta lalong lalo na ang sumulat ng liriko.
Umupo ako sa may bandang dulo kung saan naka display ang mga gitara, nilapit ko nalamang ang patungan ng mga song book para makapamili ako ng pwedeng kantahin..
Nang makapili ako na pwede kong gamitin sa event ay nag umpisa akong tumipa sa gitara at kumanta."You take a deep breath
And you walk through the doors
It's the morning of your very first day
You say hi to your friends you ain't seen in awhile
Try and stay out of everybody's way....It's your freshman year
And you're gonna be here for the next four years
In this town
Hoping one of those senior boys
Will wink at you and say, "you know I haven't seen you around, before"'Cause when you're fifteen,
Somebody tells you they love you
You're gonna believe them
And when you're fifteenFeeling like there's nothing to figure out
Count to ten
Take it in
This is life before you know who you're gonna be
At fifteen..."Pag tingala ko may nakatingin na pala sakin mula sa kabilang dulo..
Nagtama ang tingin namin..
Seryoso siyang nakatingin.. Wala akong makitang bakas ng ngiti sa mga labi niya na parang may malalim na iniisip...Dun ko lang din naramdaman kabog ng dibdib ko... Takot... Hiya... Atsaka.....
YOU ARE READING
speech less
FanfictionKailan kaya kita makikitang muli.. Ilang taon na nakakalipas pero hindi ka mawala sa sistema ko.. Gusto ko nang makawala... Makawala sa alala na meron tayo...