..........
Pag alis ng teacher sa harap ko binalik ko nalang ulit sa case yung gitara ko, di ko na kasi maintindihan sarili ko kung naiihi ako dahil sa hiya o nagugutom na ako dahil sa tagal ng mga kasama ko.
Maya maya dumating narin sila dala dala isang delata ng corned beef dalawang rice, isang rice in a cup na pinabili ko at dalawang chichirya.
Dahilan nila baka mainip kami dahil isa't kalahating oras ang lunch break namin, alas syete ng umaga hanggang alas sais ng gabi ang klase namin kaya may dalawa kaming break kada araw ng klase."bakit namumula yata pisngi mo emz?" tanung sakin ni Macy
"hehehe wag nyo na pansinin lalo tuloy ako nahihiya, paano ba naman feel na feel ko kumanta dito habang nag gigitara bigla ba naman pagdilat ko may teacher sa harapan ko nakangiti, ang awkward mga sissy"
"Hahaha gaga alam mo naman kasing nasa quadrangle ka masyado mo kinarir yang pagiging music lover mo kaya hindi ka tinatantanan ng kaklase natin kapag break natin na mag jamming daw ehh" sabi naman ni eloisa
"Naku hindi naman ako ganun kagaling mag gitara at kumanta, gusto ko lang talaga ilabas yung excitement ko kung sino ba ang magiging music teacher natin, paano last year music teacher daw pero hindi ko naman makitaan ng hilig sa musika puro galing lang sa libro ang tinuturo walang thrill."
Lumipas ang oras ng break namin ay naisipan na naming umakyat ulit para makahanap ng magandang upuan kung san makakapag chika kapag boring ang subject.
Kahit ganito kaming tatlo ehh palagi naman pasado ang mga exams namin last three years ng school year namin hindi nga lang mataas na mataas pero we make sure naman na hindi bababa yung section namin next school year.
"Guys una na kayo mag CR muna ako, kanina pa ako naiihi ehh. Sandali lang naman serve nyo ako ng upuan ahh. Salamat"
Hindi ko na sila hinintay makapag salita kasi feel ko sasabog na pantog ko sa sobrang ihing ihi na.
Tumakbo ako sa third floor kasi fifth floor pa naman yung MAPEH room namin.
Buong MAPEH na subject nasa fifth floor ang mga rooms pati ang faculty room. Malaki kasi yung space para tumambling, hehehehe joke.
I mean malaki talaga yung space para mag practice ng sayaw, ng choir, and other activities sa P.E namin, kaya ayun from ground floor to fifth floor inaakyat namin kaya pagdating sa itaas dinaig pa namin hinabol ng kabayo palagi sa sobrang haggard ng itsura.Nakarating ako ng third floor para mag C.R.
Pag dating ko, pati sa C.R sobrang haba parin ng pila dahil sa dami ng students at mga nagbreak. Yung iba nagpapaganda sa malaki naming salamin kaya kahit hindi naman gagamit talaga ehh napupuno ang loob kahit sobrang laki na.Dali dali akong pumasok at nakisingit nalang sa ibang students dahilan ko late na ako sa klase ko, yung iba ok lang yung iba nagtataray na. Hindi ko nalang pinansin kasi mas excited ako sa subject namin ngaun.
Pagkatapos ko, tumakbo agad ako sa itaas kasi 5mins na akong late, natatakot ako baka sobrang sungit ng music teacher namin, hindi ko pa naman din kilala.
Pagkarating ko sa class room halos nakayuko pa ako dahil hinahabol ko hininga ko sa pagtakbo, pano ba naman ang bigat na ng bag ko isama pa yung gitara ko at taas ng floor.
Pag tingala ko para bumati at mag sorry.....
Speech less ako....
Sheeet...
Nakakahiya talaga....
Sa dami ng teacher bakit siya pa?Nakangiti nanaman sya sakin at kitang kita ko nanaman yung brace niya sa ngipin..
Good afternoon po Ms. Zampanta.....
YOU ARE READING
speech less
FanfictionKailan kaya kita makikitang muli.. Ilang taon na nakakalipas pero hindi ka mawala sa sistema ko.. Gusto ko nang makawala... Makawala sa alala na meron tayo...