Chapter 3

0 0 0
                                    

............

Ngiti nanaman nyang di ko maintindihan ang nakikita ko.

Naupo ako sa may harapan na upuan dahil ang magaling kong dalawang kaibigan ayun umupo sa likod ni hindi manlang ako nireserbahan ng upuan, kaya ito napilitan nanaman na umupo sa harapan.
Advantage lang din talaga dahil hindi ko makita ang nakasulat sa black board.

"class my name is Ms. Jhess Zampanta and i'm going to be your music teacher for this school year. Now, i would like you to introduce yourself para naman makilala ko kayo. "

Nag umpisa siyang magturo sa likod kung san maguumpisa ang pagpapakilala.

Every year naman ganito, dahil hindi naman lahat ng classmates namin ngayon ehh classmate namin last school year dahil nga nagiging base ng final grade namin ang magiging section namin the next school year.

Pasalamat nalang talaga ako na from first year to fourth year ehh magkaklase kaming tatlo nila Macy at Eloisa. Hindi na ako mahihirapan maghanap ng pagtatanungan kapag nakaka absent ako.

Minsan kasi kapag sunday night  may gig ako sa gabi kaya sa umaga ng lunes late ako palagi, extra ko narin kasing allowance yung nagiging talent fee and tip ko dun. Nakakatulong narin ako kahit konti kila nanay sa gastusin and allowance ko.

Dumating na sa harapan ang pagpapakilala at ako na ang susunod pagkatapos ng katabi kong si Irish Garcia.

"Hi! Goodafternoon, my name is Emerald Flores but you can call me Emz for short. 18yrs old and currently living in sampaloc manila."

Habang nagpapakilala ako sakanya ako nakatingin, maganda siya kung mag aayos lang talaga siya ng pang babae but i doubt na gagawin nya yun kasi sa kilos nya palang at style ng ayos niya I know lesbian ang teacher namin, si binabai ko na, gwapo pala siya.
Bata pa naman siyang tignan, siguro ay bago pa lamang itong naging guro at dito naisipan sa Ramon Magsaysay unang magturo.

Natapos ang pagpapakilala at nag umpisa na siyang magturo sa mga basic na natutunan namin tungkol sa iba't ibang uri ng boses sa pagkanta.

Hanggang sa limang minuto na lamang ang natitira ng mag tanong siya kung sino ba ang marunong kumanta  sa loob ng klase na pwede daw niyang irepresent sa klase nya this MAPEH month sa huling linggo ng Hulyo.

Sa bawat buwan kasi ay nagkakaruon ng event kada department at meron din naman kanya kanyang pakulo.

Sa nabasa ko kanina sa bulletin board ng department ng MAPEH ay totoo ngang kada teacher ay dapat may representative na student na magiging partner nila sa pag kanta o pagsayaw sa  huling araw ng event.

Isang linggo kasi ang event  nangyayari kada buwan, kada araw ay may iba't ibang activities and games ang mga teachers at students na makakatulong din naman sa academics namin.

Pagtanong nya ng ganun ayy napatingin ako sa likod dahil kinakalabit ako ng isa kong kaklase na hindi ko pa alam ang pangalan, hehehe di naman kasi ako nakikinig sakanila kanina dahil nga lumilipad nanaman isip ko.

Tinuro niya yung dalawa kong kaibigan sa likod na sinesenyasan akong itaas ang kamay ko, ang iba ko naman kaklase ay nakatingin narin sakin dahil siguro napansin nila na may gitara ako sa harapan kong upuan.

"Ikaw ms emz, baka gusto mong maging representative ng klase nyo at maging partner ko sa gagawing event sa katapusan?"

Unti unti akong napalingon sa harapan ko ng marinig ko ang pangalan ko..

Pag lingon ko ang lapit na ng mukha niya sakin at nakangiti nanaman siya na nakikita ang brace niya.

"Sheet! Yan nanaman yung awkward niyang ngiti, happy ba siya palagi? O ganyan lang talaga siya."
sabi ko sa isip ko.

Hanggang sa nakarinig nalang ako ng kantyawan ng mga kaklse ko at pinipilit akong umoo.

"pahamak talaga tong mga to, wala lang talagang gustong maging representative ng section namin kaya ako ang pinipilit ehh." bulong ko sa sarili ko

"hayaan mo na, sa tingin ko ay magaling ka naman kumanta ako naman din ang mag gigitara kaya wag kang magalala ms emz"

Sa gulat ko dahil narinig nya pala yung binulong ko, napatayo nalang akong bigla.

Naghiyawan na mga kaklase ko akala nila nag ou na ako.

Natapos ang klase at lilipat na sana kami ng ibang room para sa susunod na subject ng tawagin nanaman ako ni maam.

"Ms emz, i just want you to know that i already heard your voice when you are in quadrangle. Alam kong magaling ka dahil nakikita ko yung passion mo sa pagkanta."

Speechless nanaman ako, sino ba naman hindi ehh pinaalala nanaman niya yung kanina, nahihiya nanaman tuloy ako.

"ahhmm, yes maam i'll do my best po maam. Pero wag po sana kayong mag expect sakin maam hindi po ako magaling.
Mahal ko lang po talaga ang music."

Ngumiti lang siya sakin at sinabing friday and saturday ang practice daw namin, friday dahil tatlong klase lang ang tuturuan niya at saturday dahil wala siyang pasok at ako rin.

Sumang ayon nalang ako dahil baka malate nanaman ako sa susunod kong subject.

For the whole day of class wala akong ibang inisip kung anu yung magiging kanta namin ni maam, sinabihan kasi akong ako na daw bahala dahil gigitarahin lang naman daw niya.

Sana ganun lang din kadali mamili ng hindi binabase sa theme na "Music can heal the wounds that medicine cannot touch"

Natapos ang araw nato at nagkayayaan muna kaming mag fishball sa labas ng monsay nila Macy at Eloisa bago umuwi. Hindi na kasi kmi ng snacks kaninang break dahil busog ka naman kami.

"bakit ako nanaman tinuro nyo? Di madali sinasabi nyo di ko alam anung kakantahin namin"

"Alam naman kasi namin kaya mo emz, no need to worry nandyan naman si maam partner kayo di ba?" sabi ni Macy sabay subo ng fishball

"Hoy wag nyo akong tinitignan ng kung anu dyan, mga malisyosa"

"Emz sya ba yung teacher na sinabi mo kanina nakakita sayo sa quadrangle? Para kasing magkakilala kayo kung maka ngiti ehh" sabi ni eloisa

"Siya nga sissy, kaya nga nahihiya ako kanina ehh. Paano hindi ko expected na siya ang magiging teacher natin"

"Parang exciting to emz, may nakikita akong excitement sa tinginan nyong dalawa" sabi ni eloisa

Hindi ko nalang sila pinansin masyado kasing malawak imagination ni Macy to the point pati ako hinahanapan ng partner kahit hindi naman need.
Sanay narin naman ako sakanila lakas mang asar kahit yata janitor ng school nirereto sakin.

Sana lang talaga before friday meron na akong kanta na ipresent kay maam.
Ayoko mapahiya sakanya..

speech lessWhere stories live. Discover now