Chapter 5
Sa sandaling iyon, hindi ko alam kung titigil na ba ako, lalabas o ano..
Tanging nasabi ko nalang"Kanina ka pa po ba dyan?
May gagawin po kayo dito?
Naistorbo ka po ba kayo?"Nagulat ako dahil natawa nalamang siya sa sunod sunod na tanong ko.
"hindi mo ako naistorbo. Halos kararating ko lang dito. Narinig ko kasi may kumakanta na nagmumula dito kaya naisipan kong silipin kung sino"
"Ganun po ba? Hehehehe"
Sa pagliligpit ko ng mga papel na pinagpilian ko kanina ay hindi ko napansin nasa harapan ko na siya.
"Aalis kana ba?"
"Hindi po"
"Wag ka munang umalis, pagpatuloy mo yung kinakanta mo."
"Hehehe sa susunod nalang po siguro."
Hindi siya sumagot.
Nang lumingon ako sakanya nakatingin lang din siya sakin."May problema po ba? Ok lang po kayo?"
"Ok naman ako, naisip ko lang bakit hindi ka kasali sa chorale kung gayung maganda naman ang boses mo?"
"Ilang beses na po ako sumubok hindi po ako natatanggap."
"Gusto mo bang kausapin ko si sir Peña para sayo?"
Si sir Peña kasi ang humahawak ng chorale namin.
"naku! Wag na po alam ko naman po kung bakit."
"Bakit nga ba?"
"Kinakabahan po kasi ako kapag si sir na ang kaharap ko, istrikto po kasi masyado yung itsura nakakapanginig ng boses. Kaya nawawala ako sa nota"
"Hahaha natural lang yun. And yes istrikto talaga siya. Alam mo naman na nilalaban sa ibang school ang chorale natin kaya siguro ganun"
"Kaya nga po siguro. Pero ok lang. Di rin naman po matatapos ang pagmamahal ko sa musika dahil lang hindi po ako natanggap"
"Dapat lang dahil naniniwala ako sa kakayahan mo"
Halos di na ako nakasagot dahil yan nanaman yung ngiti niya na nakakapag pagaan ng loob. Namumula nanaman siguro ako sa sobrang hiya.
Ilang minuto na ang nakalipas ng hindi namin namamalayan dahil sa kwentuhan tungkol magaganap na MAPEH month.
Hanggang sa dumating nalang ang mga kaklase ko dahil siya ang susunod namin na subject."ganda ng ngiti natin emz ahh.. Anung meron?" sabi ni Eloisa
"yan nanaman kayo kung anu anu nanaman napapansin nyo ehh" sabi ko
Pero ang totoo niyan ang gaan ng loob kong kausap siya. Parang ang tagal na namin magkakilala kung magusap kami.
Sarap ng may kasamang hilig din kung anung hilig mo.Sana ok siya, kasi gusto ko siyang maka jamming if ever na pumayag siya.
Nag umpisa ang klase namin at yung dalawa kong kaibigan ayy panay tukso sakin dahil daw nakatingin si maam sa akin habang nagtuturo.
Kung meron lang talagang ibang pwesto sa likuran baka maupo na ako doon. Yung iba ko kasing kaklase ehh napapansin naring kada may tanung si maam ako ang unang tinatawag ehh.
Sa gitna ng leksyon namin.
Nakatulala nalang ako sakanya habang nagiisip ng kung anu anu tungkol sa personal niyang buhay.
Hanggang sa di ko narinig na tinatawag na pala ulit niya ako."Ms.Emz care to share your thoughts to us. Kanina ka pa nakangiti dyan. Iniisip mo ba crush mo?"
Like what the F....
Crush ko? Iniiisip ko?
Crush ko nga ba??
YOU ARE READING
speech less
FanfictionKailan kaya kita makikitang muli.. Ilang taon na nakakalipas pero hindi ka mawala sa sistema ko.. Gusto ko nang makawala... Makawala sa alala na meron tayo...