70

761 49 29
                                    

---

Nana's P.O.V :

Kanina pa ako nagtataka dahil ilang imahe at bagay na ang nababasag sa loob ng bahay na ito. ngunit lahat ng 'yon ay iisang imahe lang, at iyon ay ang aking alaga, si Venice.

Lumaking magarbo, magastos, mayaman. dahil anak mayaman ay sunod lahat sa gustong materyal, subalit kapos naman sa di materyal na mga bagay.

Mula ng isilang siya at ang mga nauna niya pang kapatid ay ako na ang katuwang ng kaniyang inang si Lizzie na  nag-aruga sa kanila. matalino, masunurin, mabait pa minsanan, pero mas lamang ang ka malditahan at kaartehan.

Pero kahit ganoon yon si Venice, naiintindihan ko siya. napapagalitan ko man minsan dahil sa hindi niya angkop na pag-uugali sa iba, tulad na lamang ng pagmamaldita ng di naayon sa sitwasyon at pag trato sa ibang tao.

Hindi kasi siya sanay sa ibang tao dahil walang gustong kumaibigan sa kaniya gawa ng alam nilang siya ay anak mayaman, anak ng bilyonaryo at laging may kasamang yaya, driver at security.

Masyadong naging mahigpit sila Jaza at Lizzie sa kaniya, siguro ay dahil siya ang pinaka bata at sa pagkakaalam ko ay siya ang magmamana ng korporasyon balang araw.

Hindi man siya nalilinya sa business di gaya ng mga kapatid niya ay alam ko na siya ang paboritong anak, kaya nasosobrahan sa pagpoprotekta ang mga magulang niya at masyadong nagkukulang na sa oras at pagmamahal.

Apo na ang turing ko sa kaniya at mahal na mahal ko siya. nandito ako para gabayan siya sa gusto niyang larangan at kahit alam kong hirap siya sa sitwasyon niya ngayon ay iniintindi ko siya.

Mahal niya Simon. mahal na mahal, at walang anuman na makakapigil sa nararamdaman niya sa binata na 'yon.

At sa gitna nga ng aking pagtulog habang patuloy na iniisip ang aking pinakamamahal na alaga ay nagising nalang ako nang marinig ang kaluskos ng apo ko sa tuhod este ang anak ni V na si Sisi. madaling araw na at naiyak iyak pa si Sisi habang kumakaluskos sa pintuan ko, gutom siguro ang alaga namin na ito jusko!

Nang pagbuksan ko siya ng pintuan at tila hindi ito mapakali.

"Ano 'yon Sisi? tulog pa ang lahat, gutom ka na ba?" tanong ko at tumahol ito.

Panay ang tanong ko subalit iyak at tahol lamang ang tugon nito, at nang pumasok ako sa kwarto ng batang iyon ay wala siya.

"Nasaan ang mommy mo?" tanong ko kay Sisi. "Sus maryosep ka talaga Venice! kailan ka pa natutong tumakas--"

Natigilan ako nang mag-ring ang telepono sa kwarto ni Venice, agad ko iyong sinagot. "Hello?" usal ko.

"Is this the guardian of Vitoria Zobel?" usal ng isang lalaki, rinig sa telepono ang tunog ng pulis at ambulansya, maingay na tunog ang puro naririnig ko, at doon na ako kinabahan ng sobra.

"Y-Yes, w-why?" tanong ko.

"She got into accident, go to the Weymouth Street Hospital immediately she's unconscious and still reviving at the ambulance" aniya at nabitawan ko ang telepono.

Nanginginig man ang tuhod dahil sa kaba at katandaan ay dali dali akong nagbihis ng panlamig na kasuotan at ginising ang mga kapwa ko kasambahay at driver upang magtungo sa ospital na sinabi, pinabantayan ko si Sisi sa isa pang kasambahay.

Umiiyak at nagdarasal ako habang nasa sasakyan at pilit nila akong pinapakalma. mabilis ang naging biyahe at nagtungo ako agad sa emergency room at nanghina ako nang makita siyang nakaratay.

"Venice!" bulahaw ko. "Jusko! Venice apo ko!" usal ko, dahil apo na talaga ang turing ko sa kaniya.

Duguan, walang malay at tila hindi mo makilala sa tinamong mga pinsala sa katawan. iyak at sigaw lang ang ginagawa ko dahil hindi ko alam kung paano ang gagawin. nakakagulat...parang kanina lamang ay ayos kami, kausap ko pa siya at ngayon heto...

How to make Simon Marcos fall inlove?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon