Chapter 4: Wasted Promises

256 7 3
                                    

Chapter 4: Wasted Promises

“Kerwin..” Tinawag ni Vera ang pangalan ko, saka huminto sa paglalakad.

“Bakit Vera?” Nilingon ko sya.

“Salamat, salamat sa pagtatanggol mo sa akin kay Munich kanina.” Ngumiti sya at yumuko.

Iba din itong si Vera, sa lahat ng mga babaeng wala pang 1 week ko nagiging girlfriend, sya lang ata yung parang hindi galit sa akin. Na parang yung nangyari sa amn, hindi nya ako sinisi o kinamuhian. Wala akong hatred na naramdaman sa kanya towards me. Kaya sa lahat ng relationships ko na madaling natapos, kay Vera ko lang gugustuhin na makipagbalikan ulit para ipagpatuloy ang naputol na relationship namin.

“Cause you don’t deserve to be treated that way, she don’t even know you. By your name maybe, but not the real you.” Hinawi ko ang bangs nya na nakaharang sa maganda nyang mata.

“Thank you talaga..” Bumitaw sya sa kamay ko, ata ngumiti. Nagsimula na ulit maglakad.

“Bakit ka nga pala pumunta sa school?” Sinundan ko sya sa paglalakad.

“Wala lang, I just want to give this to you.” Huminto sya at binuksan ang back pack nya, may kinuha sya.

“Birthday mo na pala sa Saturday..”  Tinignan ko ang Invitation nya for her 15th Birthday.

“Yes, I hope you’ll come.” Mahina nyang sabi.

“Sure. I will.” Ngumiti ako sa kanya.

“Hmm.. Oh sige Kerwin, I’ll go ahead na. Gusto ko lang naman talaga ibigay yan sayo personally. Baka hinahanap na ako sa bahay. Aasahan kita sa Sat ha?” Nagsimula na syang mgalakad, at nag-wave sa akin.

“Take care Vera!” Nag-wave din ako sa kanya pabalik.

____

“Common, Baby! Eat your dinner na!” It’s my Mom, she used to call me Baby kahit malaki na ako. Ako lang kasi ang anak nya.

“Thank you Mom..” Mahina kong sagot, nagrereview kasi ako at busyng-busy na nakayuko sa librong hawak ko.

“Please, eat your dinner first. Please Baby?” Pumasok si Mommy, bitbit ang tray ng food na dinala nya dito sa kwarto ko.

“Okay, I will. Hmm.. Thermodynamics is contained in the four laws. The first law…” Nagbabasa ako ng bigla akong matigil dahil kay Mommy.

“Who’s Vera Baby?” Hawak nya ang Birthday Invitation ni Vera.

“Ex-Girlfriend Mom. It’s her birthday on Saturday.” Walang kakaba-kaba kong sagot.

Sanay na kasi si Mommy sa pag-gi-girlfriend ko. It’s not even an issue to her. Kahit mag-girlfriend ako ayos lang sa kanya. Alam nya kasing priority ko ang studies ko, and never ko syang biniro when it comes to my studies.

“Oh, really? Then go, I’ll buy you a new suit tomorrow. I’ll also tell Mang Victor to send you to the venue. I’ll also add extra money on your allowance to buy her a gift. Just buy something that she would really like. Okay?” Di ba? Supportive pa sya.

“I will, you are a great Mom. So much thank you Mommy.” Then I kiss her on her cheek.

“Okay, but for now, eat your dinner. Just call Yaya Dessa when you’re done. ”Kiniss din ako ni Mama, sa noo.

“Take care Mommy!” Sigaw ko sa kanya habang yung mata ko nakatingin pa rin sa libro.

“Yaya Lora! Please prepare my bag and some of my things, I’ll go for my Yoga Session! You know it already!” Sigaw ni Mommy habang papalabas ng kwarto ko.

25 First Holding Hands (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon