Chapter 1: I am Munich Torralba

404 17 14
                                    

Chapter 1: I am Munich Torralba

Munich's POV

As usual, another girl na naman ang natanggal ko sa listahan ng mga Girlfriend nya.

Ako si Munich Torralba. 14 years old pa lang ako, pero ewan ko ba, ganito na talaga ako pagdating sa ibang tao. Friendly naman ako eh, yun nga lang, ang sarap maging maldita, hehehe pag may pagkakataon, nagiging pasaway talaga ako. :)

Sa school, kadalasan dun ako pasaway, ang maldita powers ko gumagana talaga. :)  But as what I know, marami pa rin namang may crush sa akin, kahit na alam nilang maldita ang powers ng kagandahan ko. Hmmm..

Pero sa lahat ng ginagamitan ko ng powers, may isang lalaki dito sa school namin na qoutang-qouta na sa lahat ng kamalditahan ko. AND I DON'T CARE. Basta, gagamitin ko ang powers ko sa kanya, hello?! Ikaw kaya, simula Elementary ko, kaibigan mo na sya, at dahil lang sa isang sumpaan na nasira mo, halos hindi ka na nya napapansin kahit na dumaan ka lang sa harap nya? Parang hindi na nga ata ako nag-eexist para sa kanya.

Btw. Unica Hija ako, wala akong kapatid, I have my Mom and Dad with me. Kaya lahat ng gusto ko binibigay nila. Kaya nasanay ako na lahat ng gustuhin ko sa buhay, nakukuha ko. As in LAHAT. kung hindi ko man gusto, basta may isang bagay akong naisip na dapat gawin, gusto ko maging successful toh, hindi din ako nakokontento na nakuha o nagawa ko lang ang isang bagay. Gusto ko, mapapasaya ako nito. Yung hindi lang din simpleng masaya. Yung masayang-masaya.

Kung iniisip nyo na selfish ako, hindi naman. Dahil hindi naman lahat ginagamitan ko ng kamalditahan ko. Mabait din naman ako eh, at naiintindihan ko din naman ang kapakanan ng ibang tao. Pinipili ko din naman yung gagawan ko ng kamalditahan.

Pero itong lalaking ito lang talaga, hindi ko alam pero sa lahat ng nangyayari sa kanya, dapat updated ako. Dapat lahat alam ko agad. At kapag may nalaman akong hindi tama, ako na agad ang gumagawa ng move. Duh? Kahit maldita ako, tinutulungan ko pa nga sya eh.

______________________________________________________________________

"Hey Cutie. Di ba may practice kayo mamaya sa Cheering Squad?" Tanong sa akin ni Yihna habang kumakain ng ice cream sa canteen.

"Oo Cutie, why?" Sagot ko naman habang binubuksan yung plastik ng sandwich ko..

"So what's the plan para sa Sheena na yun?" Tanong ni Cass.

"Cuties ano ba naman kayo, task done. Hindi naman sya natanggap sa Squad eh, Duh? Kayo ba do you think magpapasali ng ganung member sa squad? Nerdy type? She won't get what she wants, but me? Munich Torralba? I get what I want." Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Job well done Cutie!" Ang taray lang ng ngiti ni Cass sa sinabi nya.

"I NEVER FAIL CASSANDRA. NEVER" Naglakad ako papunta sa cashier ng sa canteen. Nakita ko kasing nanduon si Sheena.

"Hi Sheena!" Binigyan ko sya ng magandang ngiti pagkasabi ko.

"Munich, hindi ako natanggap, akala ko ba-" Pinutol ko na agad yung sinasabi ni Sheena.

"Sorry ha? Hindi ko kasi alam na hindi na pala kailangan ng another member. I'm so sorry talaga, I tried naman eh. Kaso, hindi na pala talaga pwede. I'm so sorry  Sheena.." Yung apology ko sa kanya totoo naman talaga, alam ko nadamay lang sya sa ginagawa kong kamalditahan sa lalaking yun. Ang kasalanan lang nya, eh naging Girlfriend sya ng lalaking yun.

Tama, lahat naman ng babaeng magiging Girlfriend nya, madadamay lang, pero lahat sila may kasalanan, ang pagsagot nila sa lalaking yun. Isang malaking kasalanan.

"Ayos lang Munich.. Naiintindihan ko naman eh.. Hindi lang siguro ako para sa Cheering Squad.. " Yumuko si Sheena at umalis na..

Yung totoo, ayoko naman talagang maging maldita. Tulad nyang kay Sheena, ayoko naman syang saktan eh, ayoko ding gawin yun sa kanya. Kasi nakakaawa din naman. Kaso wala akong choice. I need to do this. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil sa lalaki na yun, nagkakaganito ako.

Bumalik na ako sa table namin nila Yihna.

 "Girls, do you think tama yung ginawa ko?" I lean on the wall, wala lang, napaisip ako bigla.

 "Cutie, ikaw ba yan? Munich Torralba magtatanong kung tama yung ginawa nya?" Si Cass tumayo at humarap sa akin.

"Duh Cutie, oo naman noh. Para marealize nilang hindi dapat sila nakikipagboyfriend sa lalaking yun. Tsaka may reason naman kung bakit ginagawa natin toh" Sagot ni Yihna habang nagsusuklay ng hair.

 "Sa bagay, may point kayo, simula last year naman eh, 12 Girlfriends na nya ang nagawa nating alisin sa listahan nya ng mga Girlfriends na tatagal sa kanya. Lalo na yung si Vera. That Girl from St. Bridget School. Sya kasi yung taga ibang school na naging Girlfriend nung lalaking yun. Pero I still succeeded, alam nyo yan Cuties." I flip my hair and get my bag from the table.

 "Munich.." Si Trev, yung classmate ko na nanliligaw sa akin dati.

"Oh why Trev? Magrerecess ka pa lang?"

"Hindi Munich.. Eto oh,cookies, binake ni Mommy, gusto mo?" Inabot ni Trev yung lunchbox na may lamang mga cookies.

"You're so sweet Trev.." Pinisil ko ng mahina ang pisngi ni Trev.. Tapos kumuha lang ng isa..

"Hindi naman Munich.." Nagblush si Trev, haist. Kinikilig pa sya.

"See you later Trev," Naglakad na ako ng deretso, balak kong pumasok ng klase ngayon eh.

"Munich, si-" Narinig kong nagsalita si Yihna.

Lumingon ako agad sa kanya, at nakita kong nasa likod ko na si Kerwin.

"So what's up dude?!" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Can you please stop acting like a little child Munich." Nilayo nya ang mukha nya sa akin.

"Bakit sa akin mo sinasabi yan? Sino kaya sa atin ang bata ha? Ni hindi mo nga ako pinapansin dyan!" Nakatingin ako sa mata ni Kerwin nung sinabi ko yun.

"Cause you're too much Munich, stop acting na we can fix everything. Just move on with your life." Lumakad na si Kerwin. Nabangga nya yung braso ko,.

"It's you! You're acting too much! I'm Munich Torralba! And I will make you realize na kahit anong gawin mo, parte pa rin ako  ng buhay mo. I am Munich Torralba, at ang pangalang ito. Kahit kelan, hindi titigil na maging okay ang lahat. I AM MUNICH TORRALBA, ANG PANGALANG TOH KAHIT KELAN HINDING-HINDI MO MAKAKALIMUTAN AT HINDING-HINDI MO MAGAGAWANG KALIMUTAN!" Lumakas na ang boses ko at halos lahat ng tao sa Canteen nakatingin na sa amin.

"I know your name is Munich Torralba.." Nakatalikod lang si Kerwin habang sinasabi nya yun. Hinihintay ko  ang mga sasabihin nya.

"AND FOR ME, YOU'RE JUST MUNICH TORRALBA."

Pinagpatuloy ni Kerwin ang paglalakad pagkasabi nya nun.

Nasaktan ako sa sinabi nya, pero Munich Torralba nga ang pangalan ko di ba?

Sorry Kerwin, pero hindi lang ako basta si Munich Torralba.

*~~~~~

sacchariferousdream®

25 First Holding Hands (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon