Chapter 2: Kerwin Villegas Ang Aking Pangalan

299 9 6
                                    

Chapter 2: Kerwin Villegas Ang Aking Pangalan

"Kerwin!" Sumigaw si Gerard!

"Ano yun brad?" Huminto ako at humarap sa kanya.. Tumatakbo syang papalapit sa akin.

"Balita ko break na kayo ni Sheena? Anong nangyari Brad?! What's with you men!?" Tinapik ako ni Gerard sa braso.. At nagpatuloy na ako sa paglalakad, hindi ko muna sinagot yung tanong nya..

"Brad? Ano nga?! Hindi pa kayo nagtatagal, ni wala pang 5 days mong bebot un, break agad? Kelan ka ba magkakaroon ng long term na girlfriend?" Tumingin ako kay Gerard, kumakamot sya sa ulo..

"Ganun talaga, ginusto nyang mag try out Pep Squad, gusto daw nyang maging cheerleader." Huminto si Gerard, naramdaman kong nasa likod ko sya..

"Ha Brad? Dahil lang don? Pwede mo naman syang maging girlfriend kahit na cheerleader na sya ha?" Lumingon ako kay Gerard.. Inayos ko ang suot kong eyeglasses at sinabing..

"Ayoko sa taong busy. Alam mo un di ba? Busy na nga ako, busy pa sya. Oras Gerard, oras ang pinakamahalagang bagay sa akin pagdating sa pakikipagrelasyon. Yan ang element osa isang relasyon na kapag nawala, lahat unti-unti, sunod-sunod ding mawawala."

Naglakad na ako sa hallway ng 3rd floor sa Science Building.. Iniwan ko na si Gerard.  may klase pa kami sa Physics, isa yun sa fave kong subject kaya hindi ako dapat malate..

KERWIN VILLEGAS ANG AKING PANGALAN..

Isang certified bookworm.. Oo, isa ang Science sa pinaguubusan ko ng oras.. Kadalasan sa library lang ako makikita pag walang klase.. Gawin kong magbasa, magbasa.. Atsaka magbasa, ng libro..

After class, nakita ko na naman si Gerard, nakaabang na sya sa hallway.. Section 2 sya kaya hindi ko sya classmate.. Tuwing Wednesday at Friday nakaabang na yang si Gerard, atat na atat na inaabangan ako.

"Brad, nandyan ka na naman? Hindi ako magkakagirlfriend ulit nyan sa ginagawa mo eh, binabantay sarado mo ako." Sabi ko kay Gerard sabay kuha ng bitbit nya..

"Brad naman, sanay na akong ganito, wag ka namang ganyan.. Mula pa noon, alam mong inaabangan na kita after ng Physics class nyo, kahit dati pa. Nung 3rd year, sa Chemistry Class mo, Brad.. Bakit ka ganyan.. Mahalaga ka, kaya ginagawa ko toh.." Inakbayan ako ni Gerard sa balikat at naglakad na kami papuntang Gym. Friday kasi ngayon.

KERWIN VILLEGAS ANG AKING PANGALAN..

Ang Star Player sa aming Basketball Team. Varsity ako simula nung 3rd year, si Gerard ang nag-aya sa aking sumali sa team noon. Dahilan kung bakit palagi nya akong sinusundo sa mga klase ko, dahil ayoko naman talagang sumali sa team. Sya kasi, player na sya bago pa ako sumali. Sabi nya try-out lang daw ako, kapag natanggap, seseryosohin daw namin. Eh hindi lang yun, ako pa ung naging star player ng team, kaya palagi na nya akong sinusundo, dala yung sports bag ko na kinukuha nya sa locker ko para deretso na kami sa Gym after my class.. Ewan ko, ayokong gawin un ni Gerard, pero pasasalamat na daw nya yun sa akin sa pagsali ko sa team.  At daw sa pananatili namin sa team, palagi pa nyang nakikita ang crush nya.. Ang crush nyang si Munich.

 Tuwing pagkatapos ng game namin, umuuwi na ako agad. Ganun lang ung araw-araw kong ginagawa: Pumasok, Makinig sa Klase, Maglaro ng Basketball at Umiwas. Oo, umiwas. Kailangan ko syang iwasan. Si Munich, sya ung babaeng iniiwasan ko sa lahat ng nakikita ko dito sa school.

Lahat ng lalaki karamihan dito sa school eh kung ano-anong pagpapapansin na ang ginagawa kay Munich, pero ako, ibahin nyo ako. Hindi ako magsasayang ng oras para lang maghabol at magpapansin sa kanya. Maganda si Munich, maporma, sexy, kapansin-pansin talaga sya. Kapag dumadaan sya sa hallway ng building sa school, halos lahat napapatingin sa kanya, head-turner kasi sya.. Sya lang ung naglalakas loob na magpalda ng above the knee sa school, actually silang tatlong magkakaibigan..

25 First Holding Hands (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon