Kindred Spirit [Part 1]

108 4 0
                                    

[Krieger's POV]

Langya nalusutan ako!

Gue! 2 pts. lang naman lamang. Sisiw.

Hawak ni Timo yung bola. Ipinasa kay Ethan para itawid. Dinouble team siya nila Rex at Dennis na parehong pader kung dumipensa. Tumingin siya sa paligid. Nagtama paningin namin. Tumalon siya at umakmang pupuntos sumunod naman sila Rex. Habang nasa ere ibinato niya yung bola patagilig saka ko sinalo.

Pagsisisihan niyong hindi niyo ko pinostehan.

Pagkakuhang pagkakuha ko ng bola nagjump shot ako mula sa 3pts line. Kinakabog ng excitement yung dibdib ko. Ramdam ko yung pag apaw ng adrenaline sa sistema ko.

Tres!

Ano asan gilas niyo?

Friendly match lang naman to. Pero syempre ang panalo ay panalo. Gamit namin anh court nila Timo. Dito ang tambayan namin pag free time. Pangit kasi sa school dahil maingay. Masakit sa tenga.

"Ano pre? Durog?" asar ni Timo na di maalis ang ngiting tagumpay sa mukha.

"Bobo! Homecourt advantage!" depensa ni Dennis.

"G*go! Di yun applicable dito. Baog lang talaga kayo." kontra ulit ni Timo.

"Nice assist!" bati ko kay Ethan saka kami ng high five.

"Nice Shot! Ang tibay ng poste ko. Haha. Desperate attempt na yung fake buti gumana." paliwanag ni Ethan.

"Bibenta talaga yan kila Rex. Katawan lang naman malaki jan." trashtalk ni Timo.

"Lul ka! Ang saya saya mo. Wala ka namang ibang inambag kundi court." sagot ni Rex.

Habang nagaasaran sila pumunta ako sa bench para magrehydrate at magpunas ng pawis. Nakakapagod pero masaya sa pakiramdam lalo na pag ikaw ang hero. Maya maya umupo din si Ethan sa tabi ko at uminom ng tubig. Habang nagpapahinga chineck ko yung phone ko. 10 messages. Iniscan ko.

Ui nagtext si amazona! Ano kayang balita? Nilagpasan ko na yung ibang msg kasi paniguradong walang kakwenta kwenta nanaman yun. Sino ba kasing namimigay ng number ko kung kanikanino?

[from:Amazona]

-Tayo ay magdiwang! Hohoho. May good news ako.-

Baliw. Ano kaya yun? Tungkol kaya kay Thea? Kung sabagay siya lang naman common denominator namin bukod kay Ethan.

[to: Amazona]

-Bakit? Anong nangyari?-

Ang tagal nagreply.

"Bakit ba tingin ka ng tingin sa phone mo?" usisa ni Ethan.

"Tong kausap ko ang tagal magreply." inis na sagot ko.

"Baka naman naubusan ng load."

Siguro nga. Grabe ganun na ba siya kahirap pati 10 peso na load di pa ma afford. Tss.

"Kesa naman di ka mapakali jan. Tawagan mo nalang anong silbi at nag open line ka pa." suggest niya.

[Ring]

Ang tagal sumagot! Ano bang ginagawa nito?

[After several rings]

(O?)

"Bat ang tagal mong sagutin?"

(Tumae ako. Gusto mo kong kausap habang tumatae?)

"Ang baboy mo."

(Anong baboy dun? Bakit di ka tumatae?)

"May proper term para dun."

(Lul! Baka halikan mo pa ingrone ko pag nalaman mo nangyari kahapon.)

It takes 1/5 of a second to fall in love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon