Unbreakable Bond Part 2

67 9 3
                                    

[Rhian's POV]

Eto yung mga pagkakataon na masarap kunan ng picture ang mga mukha ng barkada mo. After the previous revelation mixed reactions, emotions and facial expression ang makikita mo. 

"Grabe HINDI ako makarecover! Gusto kong makita picture mo nung catterpillar ka palang!" pangungulit ni Luanne kay JhieAnn

"No way! Kaya nga ayaw kong mag reminisce ng past eh. Ang daldal kasi ng impaktong to." singhal niya sakin.

"Malay mo. Malay lang naman natin baka kayo pa talaga ni Ian ang para isat isa." pambubuyo ni Tin.

"Homaygash! Kilabutan ka nga. Lesbianism!" nadidiring kontra niya.

"Oo nga naman Julio baka naman front mo lang yan at matagal ka ng may pagnanasa kay Ian." dagdag pa ni Luanne.

"La ka! Sabi na nga ba eh! Kaya pala! Tsk Tsk." dagdag ko pa.

"Puhlease!! Ian and I is like NEVER. Bawal magsama ang tulad ko (pointing to him/herself) at ang tulad niya (pointing towards me) Mawawala ang balance ng ecosystem."

"Okay move on na tayo.." saway ni Luanne.

"O ikaw na JULIO." utos ko.

"Stop that YANYAN." saka siya nagsmirk.

"Kadiri ka." Ang totoo si Ryan ang nagsimula ng kadiring nickname na yan yung mga panahon na bulol at baluktot ang dila niya. Actually ok lang naman siyang pakinggan nung grade school ako pero nung nag high school na gusto ko ng tirisin ang kung sino mang ungas na magkamaling tumawag sakin niyan.

"Mas eewwiiee ang Julio no! Ano to Julio Julia ang kambal ng tadhana?" sabay ismid.

"Ok ang aking nabunot na tanong izzzzzz... 'Most difficult moment in your life' for Althea!"

Agad namang nabaling ang attensyon ng lahat kay Althea na katabi ng driver's seat. Dahil nga sanay na sa showbiz mukhang game na game naman niya sasagutin ang tanong.

"Hmmm. Ano ba?" paumpisa niya habang nakalapat ang index finger sa kanyang baba. "Siguro ngayon I'm facing the most difficult moment in my life." sabay sulyap kay Krieger.

Ewan ko pero seryoso ang mga mukha ng tao seryoso silang nakatitig kay Althea habang napapatango pa at nakakunot ang noo.

"It's choosing between my dream and the man of my dream." pahayag niya. "But then, I'm not willing to give up on anyone of them." after niyang sabihin to naghiyawan ang lahat.

Hindi ba pahiwatig na yan? Hahaha landi. 

 "So you mean? Kayo na ulit ni Krig?" tanong ko

"Not yet."saka siya ulit sumulyat kay Krig. "One step at a time muna." saka siya tumawa ng mahina.

 "Hai nako girl! If i were you isesecure ko na yan mamaya makawala pa yan." paalala ni JhieAn

"Imposible eh patay na patay jan si Kumag. Diba Krig?" asar ko sakanya.

"Shut up!" inis na sagot niya.

"Shy type ka pala." dagdag ko pa.

"Ok next na. Sinong nabunot mo Thei?" singit ni Luanne

"It says here Johnny Depp's Waifu? So I really have no idea." 

"Seriously Luanne?" tiningnan namin siya with bored expression. Sino pa bang nilalang sa loob ng van na ito ang maglalagay ng ganong pangalan and obvious na siya yun dahil siya lang ang naglagay ng mga pangalan in the first place.

"Oh come on mammon. We all know naman na ako lang ang nagpatibok sa pihikang puso ni Johnny Depp so what's wrong?" sabay tawa.

"Ok wrap na tayo." sabi ni JhieAn w/ matching palakpak pa ng kamay na parang naguutos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It takes 1/5 of a second to fall in love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon