Prelude to Disaster and Tragedy

253 20 4
                                    

Andito KAMI ngayon sa mall. KAMI kasi kasama ko mga tropa ko. San pa ba tatambay ang mga college student na inindian ng prof?

Andun sila sa pink boutique na bilihan ng cosmetics. Nandito ako sa nakasandal sa siderails malapit sa may hagdan. Ang weird ng panahon ngayon lalaki na ang model ng cosmetics. So pagbumili ako nun magmumukha akong lalaki? O sadyang dumadami na talaga ang baklang tulad ni JhieAn sa pilipinas? 

Nakalimutan ko bang banggitin sa inyo na Valentine's Day ngayon??. OO Araw ni kupido ngayon kaya naglipana ang mga conjoined twins. Nagkalat ang alikabok na gawa sa asukal. At ang hangin ay amoy cotton candy. Nagaksaya pa ng pera e sooner or later isa din naman sakanila ang iiyak. Tsss. Hoi FYI hindi ako BITTER! HINDEEE. XD

Bat ba ang tagal ng mga to. Para namang may bibilhin. Pupunta na sana ako ng botique para hilahin sila palabas at ipaalalang nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan ng biglang....

[THUD]

"T*ngna!" napamura ako. sa lakas ng impact napaupo ako sa sahig. Tumingala ako para tingnan yung nakabangga sakin. Lalaki matangkad at may dalang bulaklak. Agad naman akong nakarecover sa Shock.

"Hoi! Nakabangga ka. Baka di mo lang alam." Tumayo ako saka ko hinila yung balikat niya para humarap sakin.

Ayun.Moreno. Makinis. Matangos Ilong. Medyo Singkit.

In short HINDI GWAPO.

O sorry na di na ako magpapaka ipokrita. GWAPO na nga. Yan Masaya na tayong lahat?

Tinitigan niya lang ako saka niya ibinigay (more on ipinilit) yung daladala nyang bouquet (sinearch ko pa spelling niyan ha baka laiitin niyo ko e). Saka siya dirediretsong lumakad.

"Hoi Kumag! Ano to?" This time medyo napansin na ng mga kaibigan ko sa boutique na may pagchichismisan sila sa labas.

Humarap siya.

"Sa pagkakaalam ko miss ang tawag diyan ay bulaklak."

"G*go alam ko! Eh bat mo binigay to?"

"Kung ayaw mo itapon mo." saka sya ulit tumalikod at dirediretsong naglakad.

Siraulo to ahh. Gawin daw ba akong tagatapon ng bulaklak.

Ibinato ko sakanya yung bulaklak. Ayun Headshot! Well pinagmamalaki ko talaga ang na sharpshooter ako.

"Ano bang problema mo?!" lumapit siya sakin ng magkasalubong yung kilay.

"Anong problema ko?! (syempre tumingala ako since di naman ako katangkaran) UNANG UNA. Binangga mo ko di ka man lang nag SORRY. Nyemas 2 syllables nalang di pa masabi. PANGALAW. Hindi ako tagatapon ng BASURA mo. Kung may itatapon ka anjan lang yung basurahan kumakaway sayo. (itinuro ko yung basurahan malapit sa hagdan) ETO pa ha Last na talaga. Kung masama ang loob mo sa mundo wag kang nandadamay ng ibang tao!"

Saka ako nagwalk out. Sya? Ayun dumbfounded. 

Dear God. Kumukulo ang dugo ko ngayon. Napaka Antipatiko. Alam kong never pa akong nabigyan ng bulaklak pero naman please lang kung ganon lang din naman ako bibigyan WAG NALANG. Parang puro sama ng Loob ang nasa loob ng bulaklak.

.

.

.

.

.

.

"Kuya extra Rice pa nga!" Tawag ko dun sa waiter.

Nandito kami ngayon sa Fastfood na nagoofer ng unlimited rice. Bakit? Dahil BWISIT at the same time GUTOM ako. Hobby ko ang kumain lalo na pagsinasaniban ako. 

"Hoy Ian! Baka naman maubusan na sila nang kanin at ipatapon na tayo sa labas. Pang lima mo na kaya yan." Sita ni Luanne. Ang tropa kong habulin ng asungot.

"Eh kung sabihin kaya natin sa waiter bantayan ka nalang kasi after 2 mins hihingi ka nanaman, Sayang kasi pagod nila e." Dagdag pa ni Kristine. Sya naman ang babaeng di nawalan ng boyfriend.

"George akin nalang yang katawan mo. KATAWAN lang ha. Hindi Mukha." Asar ni JhieAn. Short for Julius Anthony.  

"Wow ha! Thank you sa mga compliment at mabubuting salita. Baka ikaw Mira may gusto pang idagdag?" tiningnan ko yung batang nanahimik sa sulok.

"Hahaha. Ikaaaww talaga." Nagsmile at nagblush lang naman sya. Sa barkada di mawawalan ng tahimik mahinhin at shy type. Si Mira yun.

"Eh kasi naman sino ba ang di mababashtrip diba? Ayyyyy! Ayoko na nga ang importante tong manok na nasa harap ko at nagmamakaawa ng kainin ko." saka ko ulit hinarap yung pagkain ko.

"Na misunderstood mo ata yung manok. Actually nagmamakaawa siyang tantanan mo na sya kasi buto at litid na lang ang natira sa kanya." objection ni Bakla.

"Edi ibigay mo  sakin yang sayo. Di mo naman kinakain."  sabi ko sakanya. Pagkasabi niya nun bigla niyang inilayo sa harapan ko yung plato niya. Damuhong bading to.

"Pero infairness ha ang gwapo nung naka away mo kanina." Biglang singit ni Kristine.

I gave her a WTF look.

"Ang off topic mo ha. Manok pinaguusapan natin hindi mukhang manok." nakooo. pinaalala nanaman niya.

"Sus. Kunyari ka pa." dagdag na pang aasar niya pa.

Oo na kanina ko pa inaming gwapo. Sa isip ko lang ha. Eh ano kung gwapo? Tao ba ang ugali? Sus..

"Oo nga sayang yung flowers. First time na nga lang may magbigay sayo di ka pa Gumorabels." sabat ulit ni Bakla.

"Edi kung nanghihinayang ka kunin mo dun." balik ko sakanya.

"Choosy ka pa te."  comment pa ulit ni Bak.

"Ohh sya tantanan na natin ang usapang to nawawalan ako ng ganang kumain." awat ko sakanila.

"Wala ng gana? Siguro kung kaya mo lang ngat ngatin yang buto nangatngat mo na eh." side comment ni Luanne.

"TRIP NIYO KO NO?"

"Di naman obvious diba?" sabay sabay nilang bigkas.

Saka kami nagtawanan ng malakas sa puntong pinagtinginan na kami ng mga tao.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Thank you kung may nilalang mang nagbabasa nito. Sana makapag update ako lagi para masaya ang buhay nati. (^_^)

HAPPY VALENTINES sa mga Conjoined Twins. Happy Thursday naman sa ating mga SINGLE.

Try niyo din yung isa ko pang story http://www.wattpad.com/story/4113759-pathophysiology-of-infatuation-revised

It takes 1/5 of a second to fall in love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon