Inbetween

115 7 0
                                    

Ano bang nakukuha natin sa kakapanuod ng mga romance teleseryeng yan? Isa lang yang malaking PA ASA. Pa asa sa mga katulong na maiinlove sakanila ang amo nila. Pa asa sa mga mahihirap na balang araw may mayaman at gwapong lalaki ang magliligtas sakanya sa kahirapan. Pa asa sa mga anak na ampon sila at anak pala sila ng milyonaryo. Pa asa para sa mga taong nangangarap na may perpektong lalaki ang dadating sakanila. Pa asa sa mga teenager na pag nagboyfriend ka na ngayon, kayo na ang mgakakatuluyan forever.  Pa asa sa HAPPILY EVER AFTER.

Tulad ng mga taong to. Grabe kung kiligin at makatili sa love story ng amo at katulong. Ang sarap tsinelasin. Inuna pa yung teleserye kesa sa sikmura ko.

"Hoi wag kang mag emote jan!" sita sakin ni Luanne.

"Tigilan niyo ko." sagot ko saka ko sila tinitigan ng masama.

"Sandali lang naman kasi. Pagkatapos nito gora na tayong kumain." paninigurado ni JhieAn.

"Pwede naman kasing bumili muna ng pagkain bago pumunta dito kaso inuna niyo pa yang superficial love story na yan." inis kong sagot sa kanila.

Andito kasi kami sa dorm ni Kristine. Dito muna kami tumambay kasi mahaba ang break namin.

"Leche ang bitter mo. Hindi ka pa naman naiinlove pero bat ang bitter mo na sa love?" sita ni Kristine.

"So may pre requisite bago maging bitter? Pwedeng gumagamit lang ng libreng common sense?" sagot ko.

"Anong di pa naiinlove eh grabe nga mamula yan kay Ethan eh!" kontra ni Luanne.

"Bakit pag nagblush inlove na agad? Napaka superficial ng ganyang Love. You can live without it." sagot ko.

"Oo you can live without it. Pero mind you, hindi ka mabubuo kung walang love." paalala ni Kristine.

"Sigurado ka?" seryoso kong tanong sakanya.

"Oo. Dahil ganun naman talaga." sagot niya.

"Kung yan ang basehan mo ng normal Fine. Mukhang Abnormal nga ako." seryoso kong sagot sakanya.

Napatitig lang sila sakin na parang nagtataka. May mga bagay pa akong hindi kayang i-explain ngayon pero dadating din ang panahon.

"Problema mo? Di bagay teh." taka ni Luanne.

"Leche! Wag na nga kayong maingay! Tapos na commercial oh." awat ni bakla.

Tss. Makapagsnake na nga lang. Kinapa kapa ko sa bag ko yung cp ko. Nakalimutan ko nanaman kung san ko nilagay. Ayun nakapa ko sa pinkailalim. Bat umiilaw.

[Incoming call: Thea]

"Hello?" sagot ko.

Bigla silang nagtinginan sakin. Binuka ko ang bibig ko para mag sabi ng 'Ano?' yung walang tunog. Saka sila nagtinginan sa isa isa. Mga tingin na 'Alam na'. Ok fine Tamang hinala.

(Hi Ian!) bati niya.

"Oh? Problema mo?"

(Wala lang)

"Wala kang raket no?"

(Hoi! Hindi ah. Kasalukuyan nga akong nasa taping ngayon eh)

"Eh bat ka tumatawag?"

(Ang mean mo! Hindi. Gusto ko lang magthank you sa advice mo. Super effective. I feel so good.)

"Edi Good for you."

(Ui. Do you have time?)

"May klase pa ako."

(Sige kahit later na. Gusto kong makipagchikahan)

It takes 1/5 of a second to fall in love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon