Unexpected Rendezvous

143 7 3
                                    

"ANGGG TAGAL GUTOM NA AKOOO!!!" padabog kong reklamo habang binubukas sara ko yung glove compartment ng kotse niya.

"Manahimik ka nga! Ang sakit mo sa tenga." reklamo niya.

"Ilang oras na tayo dito oh?! magkakaulcer na ko ni anino niya di ko pa nakikita!" dagdag ko pa.

"Tsk. Sabi ng PA niya ngayon daw ang labas niya at dito sa back gate." paninigurado niya.

"Eh paano kung kasabwat niya yung PA niya para magsinungaling sayo aber?" yung seatbelt naman pinagtitripan ko ngayon.

"Imposible." Kinuha niya yung iPhone niya sa bulsa saka inabot sakin. 

"Oh maglaro ka jan ng manahimik yang bunganga mo."

"Ano ako bata?!"

Nandito kami ngayon sa isang sikat na TV Station. Bakit? Dahil may nag scout sakin, ako daw ang next big star nila.

Chos lang.

Eto na nga.

Kasi nga yung ex-gf ni kumag ay isang artista. Yes! Isang artista PERO di ko siya kilala kasi di na ko ganong nakakanuod ng tv. Siguro nakita ko na pero nakalimutan ko lang. Ang sabi niya nag sisimula palang daw si ex, dati sa mga commercial lang sya ngayon medyo nag level up naging supporting cast na sya sa mga drama. Kaya ayun nakipagbreak kay kumag kasi nga di nya DAW kayang pagsabayin si Lovelife at si Career. Kung sabagay kung ako yan di na ako mag iisip gora na sa Career. Hindi naman ako mapapakain ni Pag ibig. Saka pangarap na pala talaga yung nung babae bata palang sila so nung naghehello na yung chance kinagat niya na. Pero FRIENDS pa din daw sila. Kaya etong si kumag asang asa pa na magkakabalikan sila. To sum it all nandito kami para mag Ocular Survey at mang Stalk.

"Tae! sumabog lahat!" kasalukuyan akong naglalaro ng Zombie tsunami sa isang mamahaling gamit pang komunikasyon.

"Ang bobo mo kasing magtiming!" asar na comment niya habang pinapanood niya akong maglaro.

"Eh kasalanan ko bang tabi tabi yung bomba?! Sinadya talaga nila yan ilagay para mabawasan zombie ko." sagot ko.

"Nadidiskartehan yan. Gumagamit kasi dapat ng utak jan hindi puro kamay at bibig." puna niya.

"Edi ikaw maglaro" saka ko itinulak sa dibdib niya yung phone. Nakakabwisit. Ayoko pa naman sa lahat pag naglalaro ako may epal na feeling magaling ang comment ng comment. Idagdag mo pa na minumura na ko ng tyan ko sa gutom.

"Pag may sumabog ka lang ni isang zombie jan sasabog din yang mukha mo sakin." saka ko sya tinitigan ng masama upang ipahiwatig (A: naks ang lalim) na seryoso ako.

"Napakabarumbado mo talaga no? Pano ka magugustuhan ni Ethan kung ganyan ang ugali mo?"

"Teka nga lang ang tagal ko ng napapnsin na napa casual mong gamitin ang pangalang Ethan magkaano ano ba kayo? And one more thing! Di ko pinangarap na magustuhan niya! At wala akong balak baguhin ang sarili ko para sa isang tao itaga mo yan sa maliit mong kukote."

"He's my cousin. Kaya kayang kaya kitang gawing ideal girl niya." hinayupak talaga di nya ba talaga sinasapuso ang sinasabi ko? Wala nga akong gusto dun! Admiration lang!

"Di ka ba talaga nakikinig sa mga sinasabi ko?! o sadyang bingi ka lang?"

Wait! What?! Cousin?! Sige ako na delayed reaction. Kung sabagay pinsan lang naman. Mas magugulat ako kung sasabihin niyang kapatid niya yun. What a small world huh.

"Sige. Uso naman ang mga in denial ngayon."

Ako pang tinawag na in denial nito?! Kumpara naman sakanya na pinagpalit na sa career tapos umaasa parin sa second chance. Pwe!

It takes 1/5 of a second to fall in love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon