DALAWANG araw na simula nang malaman ni Francheska ang tungkol sa pinaplano ng kanyang ina at ng abuela ni Francis. She hated their idea. That was really absurd for her. Hindi siya interesado na maging asawa si Francis. She tried being casual with him, but she still couldn't forget about what happened a few years ago.
Inilapag ni Cheska ang kape niya sa mesa. Iniisip niya pa rin ang naging plano ng Mommy niya. Hindi naman siya ganoon katanda para magpakasal at lalong hindi siya papayag na sa isang Adler siya magpapakasal. Nang bigla siyang may naisip. She hurriedly opened her laptop and wrote a message to her boss. Kailangan niyang mag-leave. Her mind needed to think. She needed a new environment. Sa ilang taon niyang patratrabaho ay hindi pa naman siya nakapag-leave nang matagal. Alam niya papayagan siya ng boss niya dahil matagal na nitong inuungot sa kanya na magleave siya pero palagi niya nalang tinatanggihan dahil ang palagi niyang dinadahilan ay hindi niya ito kailangan.
She sent her email and after ten minutes of waiting she received a response. Approved ang vacation leave niya. Kaagad siyang nagbook ng hotel. Hindi naman siya sa malayo pupunta. Gusto niyang subukan ang Malapascua Island. Matagal na iyong nasa bucket list niya pero wala siyang oras na magbakasyon pero ngayon ay marami na siyang rason.
"This is it! Hindi naman siguro ako mahahagilap ng Mommy ko 'no. Isang buwan lang at magiging maayos 'din lahat," positibong saad niya sa kanyang sarili.
Dumating ang araw ng kanyang pagluwas sa Isla ng Malapascua. Kailangan niyang sumakay ng van at sasakay 'din siya ng banka para makarating sa isla. She was a bit excited. She felt positive about this trip.
Mahigit limang oras 'din ang naging biyahe niya papunta ng isla. Nang makarating siya ay agad siyang sinundo ng isang tauhan sa resort kung saan siya nagpa-book.
Kumaway-kaway ito sa kanya. Kinawayan 'rin niya ito pabalik.
"Welcome sa Malapascua, Ma'am," bati nito sa kanya.
"Thank you po, Kuya--"
"Mang Ben nalang po. Isa po ako sa staff sa resort." wika nito. May edad na si Mang Ben pero halata sa katawan nito na malusog pa ito at batak sa trabaho. Kinuha ni Mang Ben ang travel bag niya. Hindi na siya nagdala ng luggage dahil kaunti lang naman ang inempake niya.
The crystal-clear sea greeted her. It was calming for her eyes. Malamig din ang hangin kaya hindi niya alintana ang tirik na tirik na araw. Isinakay na ni Mang Ben ang gamit niya sa traysikel nito.
"Ma'am, pasensya na po. Nasira po kasi ang van namin pinapaayos pa. Naging abala rin po kasi ang resort dahil may ongoing na renovation."
"Ganoon po ba? Wala naman pong problema sa akin po," sagot niya kay Mang Ben at agad na sumakay na sa traysikel nito.
Nagsimula nang umandar ang traysikol ni Mang Ben. Hindi naman siya naiinip sa biyahe dahil ikinikwento ni Mang Ben ang mga magagandang lugar dito sa Isla. Matagal na siyang naninirahan sa Cebu pero ito ang unang beses niya bumisita rito.
"May expansion po kasi sa resort. Matagal na 'rin po kasi iyon at gusto ng bagong may-ari na maka-enganyo sa ibang mga turista. Medyo tagilid po kasi kami noong mga nakaraang buwan. Marami na rin po kasing nagsusulputan na mga bagong resort," kwento ni Mang Ben sa kanya.
"Mas maganda na 'rin iyong may pagbabago sa resort ninyo, Mang Ben. Mas lalo kayong dadayuhin ng mga turista," aniya rito.
"Sana 'nga, Ma'am. Magaling 'din naman kasi iyong bagog may-ari. May ideya kung paano baguhin ang resort at bata pa, Ma'am. Bagay 'nga ata kayo, e."
Natawa siya sa tinuran nito. "Sige ba, ireto mo ako ha," biro niya pa.
Nakarating na sila sa resort kung saan siya mamalagi ng isang buwan. Maganda ang resort. Maganda ang tanawin at kitang-kita niya ang karagatan. Tama si Mang Ben may kailangan lang talagang ayusin sa naturang resort. Sinamahan siya ni Mang Ben sa room niya. Sinalubong naman siya ng isang ginang na kaedad lamang ni Mang Ben.
"Ben, may pagkain na hinanda para kay Ma'am," anang Ginang.
"Asawa ko pala, Ma'am. Si Glenda. Siya ang cook sa restaurant na nasa loob ng resort," pagpapakilala ni Mang Ben sa asawa nito.
"Magandang Tanghali po," bati niya rito.
"Tawagin mo nalang akong Manang Glenda, Ma'am. Ihahatid kana ni Ben sa kwarto mo para makapagbihis ka at makakain sa restaurant. May hinanda kami para sa inyo."
Tumango siya at nginitian ito. Iniwan na siya ni Mang Ben sa kwarto niya para makapagbihis siya. Tama rin naman kasi gutom na gutom na siya. Tanging crackers at kape lamang ang laman ng tiyan niya. Gusto na niyang makakain ng kanin at ulam. Agad siyang nagbihis para makababa. She just wore her yellow sunny dress. Tinernohan niya iyon ng kanyang rattan na tsinelas.
Binaybay niya ang daan papuntang restaurant. Madali lang naman tuntunin iyon dahil may mga signage papunta roon.
Nang makarating siya sa naturang restaurat ay agad siyang sinalubong ni Manang Glenda. Pinaupo siya sa upuan na nakalaan para sa kanya. Marami 'ngang pagkain na nakahanda sa mesa. Nahihiya siya dahil hindi niya alam kung bakit ang daming pagkain. Hindi naman ito pang-isahang tao lamang.
"Ma'am, kumuha ka na po. Kumain na po kayo," anang Mang Ben.
"Mang Ben, bakit ang dami po ninyong hinanda?" nagtatakang tanong niya rito.
Napakamot ng ulo si Mang Ben. "Iyon na 'nga ang ipinagtataka ko Ma'am eh. Inutusan lang naman kami ng amo namin na maghanda ng maraming pagkain."
Napakunot siya ng nuon. "Ganoon po ba?" Ang weird naman...
Hindi na niya pinansi ang bumagabag sa isip niya. Nagsimula na siyang mamili ng kakainin. She settled for sinanggag na kanin, itlog at danggit. Binigyan 'din siya ng kape ni Manang Glenda.
"Is she here?"
Sumikdo ang puso niya nang marinig ang pamilyar na boses. She knew that voice. Huminga siya nang malalim. Pakiramdam niya nabulunan siya kaya agad niyang ininom ang juice niya.
"Iyong guest, Sir? Opo, Sir." sagot ni Mang Ben.
Napapikit siya ng mga mata nang maramdamang papalapit na ito sa gawi niya. Naghuhurementado ang kanyang puso. Ito ang rason kung bakit niya kailangang umalis ng syudad at manatili sa isla pero hanggang dito ay ginugulo pa 'rin siya ng mokong.
Napaigtad siya ng hinawakan nito ang magkabilang balikat niya habang nasa likuran niya ito. Huminga siya nang malalim. Yumuko ito at bumulong sa kanyang tenga. His voice sent shivers to her spine.
"Hi, sweetheart..." low baritone voice filled her ears. She froze.
Fuck! She was trapped in this island with Francis Adriences Adler.
BINABASA MO ANG
Adler's Legacy #2: Hearts Don't Lie
RomanceFrancheska Allysa Montes was a sought-after bachelorette in her generation. Men were slamming her door to get her attention, but she was too stubborn to respond to their romantic remarks. Her attention was drawn to only one man- Francis Adriences...