Chapter Ten

258 9 0
                                    


"SAAN ba pwedeng mamasyal, Asis?"

Francheska applied sunscreen all over her body. Nasa dalampasigan sila ngayon dahil nais niyang mag-sunbathing. Asis was just a good friend to join her today. Kagabi lang ay nag-usap sila tungkol sa truce nilang dalawa.

"I can't come with you. May meeting ako."

Inismiran niya ito. "Hindi trabaho ang pinunta mo rito. We are here to unwind and to stop the plans that were made by our family."

"Bakit ayaw mo bang magpakasal sa akin?"

Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway dahil sa tanong ni Asis sa kanya. What was he even thinking? Kung noon pa siguro ay baka mangunyapit pa siya sa leeg nito pero ngayon-- no way!

"What made you think na magpapakasal ako sa'yo?"

"Bakit hindi? Gwapo naman ako."

"Hindi na kita type!" she hissed at him. Kinuha niya ang body cream niya at binato niya sa binata. Tawang-tawa si Asis habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay naging magaan ang loob niya kay Asis. Siguro tama ang naging desisyon nila na mag-usap na muna at h'wag na munang magbangayan.

"Not my type anymore," inirapan niya ito ng mga mata. Tawang-tawa lamang si Asis sa kanya.

Pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto 'ata nitong kumawala sa ribcage niya. Iyong mga birong ganito ni Francis ay hindi niya matagalan. Pakiramdam niya ay bibigay ang puso niya dahil sa mga patutsada nito. Mas lalong naghurumentado iyon nang nilapitan siya ni Asis. Nangunot ang nuo niya.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya. Hindi ito nagsalita. Pinatalikod siya nito at dahan-dahang hinagod ang kanyang likuran ng sunscreen. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi dahil sa ginawa nito.

"Francis..." binalingan niya ang binata. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ng binata. He had this kind of lips that every woman would love to kiss. Gusto niya rin matikman iyong. Para iyong mansanas na takam-takam siyang kagatin. Nag-iwas siya ng tingin.

Tumikhim si Francis nang mapansin nito ang ginawa niyang pagtitig rito. "Enjoying the view?" tukso nito sa kanya. She had to calm herself and met his gaze again to avoid humiliating herself even more.

Umingos siya rito. "No, not really, mas maganda siguro kapag topless ka." Aniya na parang hinahamon ang binata.

"Are you really like that?" tanong nito. Naguguluhan niya itong tinignan. "I mean, flirting with a your enemy?" tila natutuwa ito sa tanong nito sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili na matawa. So, this was his assumptions about her. "So you are still my enemy?" balik tanong niya rito imbes na sagutin ang tanong nito. Huminga nang malalim si Asis habang pabalik-balik ang tingin nito sa kanya.

"I can't really come with you," buong pusong pagtatapat nito sa kanya. Tila nahihiya itong balingan siya ng tingin. "I still need to work and my abuela was pestering me since I came here."

She stifled a laugh while staring at Francis.

"Don't you dare laugh at me, Francheska." He warned her.

She bit her lower lip and held his hand. "If you can't come with me then I guess we can just walk around the beach. Would that be fine with you?"

Awtomatikong dumako ang tingin ni Francis sa kanya sa kanya. "Gusto mo?"

"Anong gusto ko? Masolo ka? Aba, gustong-gusto ko, Mr. Adler. Crush kaya kita nuon." Natatawa niyang tugon habang hinihintay ang reaction ni Asis.

"Francheska!" bulalas nito. Humagikhik siya.

"Ito naman hindi mabiro," gamit ang libreng kamay kinurot niya ang pisngi ni Asis. "Pero swerte mo. Virgin pa ako 'no. Di ako malandi. May braces ako 'nong highschool kasi strict ang parents ko."

"Y-You're a virgin?" ulit nito sa sinabi niya.

Sa haba ng litaniya niya ay 'yon lang ang narinig ni Asis. Aba, interesado na 'ata ito sa masikip na takip ng bote niya. Ipinilig niya ang ulo niya dahil ang dumi na ng pumapasok sa utak niya. Hindi naman siya kailanman nagkaroon ng nobyo. Gustuhin man niya ay masyado siyang naging abala sa kanyang pag-aaral noon at nang magdesisyon ang puso niya na mamili ng taong gugustuhin ay kay Francis Adriences Adler pa siya napadpad. She was heartbroken because of this man. Nawalan siya ng panahon na buksan muli ang kanyang puso.

"Luh, atat din sa virgin ha?" tudyo niya. "Samahan mo na ako para maglakad-lakad sa dalampasigan." Nai-imagine na niya na magkahawak-kamay sila ni Asis habang naglalakad sa dalampasigan. Pinakiramdaman niya ang sarili niya kung kinikilig ba siya dahil para itong palabas sa telebisyo o mga pelikula. Ganoon kasi minsan ang settings sa mga palabas.

Tumayo siya sa kanyang inuupuan na sunbed. Hinila niya patayo si Asis Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Francis. Nagpatianod lamang ang binata.

"I want to know you more," saad niya habang patuloy lang sila sa kanilang ginagawa. Francheska was trying to look for a good spot. May nakita siyang malaking bato kung saan pwede silang tumambay at maghanap ng mga magagandang bato at shells.. Doon niya dinala si Asis. Umupo si Asis sa mga bato at siya naman ay yumukod para maghanap ng iba't-ibang kulay ng shells at mga bato.

"What do you want to know about me?" mahinahon nitong tanong nito sa kanya. Dinig na dinig nila ang bawat hampas ng alon. Ang init ng araw ay nakadantay sa kanilang mga balat. Nakamasid lamang si Asis sa karagatan.

"May girlfriend ka ba?" diretso niyang tanong ditto. Ayaw na niya ng marami pang patutsada. Ito ang matagal na niyang gustong itanong sa binata. She tried searching about his relationship status online but she didn't find an answer. Mas mabuti sigurong galing kay Asis ang sagot sa tanong niya. Well, hindi na niya gusto ito pero curious siya sa estado ng lovelife nito lalo na ngayon na may plano ang kanilang pamilya.

"Wala,"

"Bakit?"

Bumuga ng hangin si Asis habang nakatingin sa kawalan. Nagkasya lang si Francheska na titigan si Asis. This man was making his way to her heart. May pagak na ngiti sa mga labi ng binata. "I was not ready to be in love. I guess it was never my calling," muli ay bumuga ng hangin si Asis. "I just happened to focus more on my job rather than dating. Hindi ako kagaya ni Shien na may panahon pa para maglasing."

Awtomatikong bumangon ang kuryosidad sa puso niya para kay Asis. He may look so tough and ruthless but deep inside he felt nothing. Iyon ang nakikita niya kay Asis. Nakaramdam siya ng awa para sa binata.

"Asis..." tumayo siya mula sa pagkakaupo at pumunta sa harapan ng binata. "You can't just be like that forever. It is better to feel pain than to feel nothing. Mas nagiging tao ka kapag may naramdaman ka."

"Hindi ko pa alam," sabi nito.

She creased her forehead. "Ang alin?" sabi niya.

"H-Hindi ko alam..." kapagkuwan ay umiling ito. Lumatay ang lungkot sa mga mata nito. "Hindi ko alam kung saan ako sasaya."

Nilapitan niya ang binata at hinuli ang mga kamay nito. She held on his hands tightly. Gusto niya maramdaman ni Asis na hindi siya nag-iisa. Pinisil niya ang mga kamay nito. "That's the worst feeling-- the feeling that you are not necessary sad, but you just feel really empty. That's the worst part ever, Asis."

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon