Chapter One

395 14 1
                                    


"MOMMY! Why do you have to do that? Hindi mo naman dapat tawagan ang abuela ni Francis para ipagkanulo ako sa kanya. Mommy, matagal ko ng hindi gusto si Francis. That was just a pure admiration," wika niya sa Mommy niya nang tumawag ito sa kanya.

She was still shocked when she saw Francis yesterday. Hindi naman niya akalain na magkikita sila ni Francis sa iisang lugar. Matagal na niyang kinalimutan ang kung ano mana ng koneksyon niya sa binata. Two years ago she was head over heels in love with him. Hindi niya alam kung bakit siya habol ng habol kay Francis palagi naman siyang tinataboy nito. She was trying to get his attention pero wala pa rin. Francis never looked at her with so much affection in his eyes. Parang naririndi ito sa kanya.

"Cheska, you can try to talk to Francis. He is a good man, darling," anang Mommy niya na wala pa ring balak bitawan ang ang ideya tungkol sa kanilang dalawa ni Francis.

"My, No! I can't deal with Francis anymore."

Cheska dropped the call without even saying goodbye. Nasa opisina na siya at kasalukuyang tinatadtad ng workloads. Mamaya ay meeting siyang aatupagin. Mahigit dalawang taon na rin simula nang umalis siya sa kanila para makipagsapalaran sa Cebu. She was trying to move forward about everything that happened to her in Metro. Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari doon.

Hindi naging madali ang paglipat niya sa Cebu. She had a hard time adjusting but she was able to managed. Kahit wala naman talaga siyang balak na umalis ay ginawa niya. Francis Adler made her do that. Umiyak siya nang umiyak noon habang nag-eempake ng mga gamit niya. Her mother kept on asking her about what happened but she just stayed silent.

Francis Adler was really a jerk that time. Ngayon masama pa 'rin ang tingin niya sa binata. Bakit ba kasi siya nagkagusto sa lalaking 'yon noon? Bakit pa kasi kailangan na maging magkaibigan pa ang Mommy niya at ang abuela ni Francis? Bakit ba kasi?

She snorted while she started facing her laptop. "Kainis! Naiinis talaga ako sa lalaking 'yon!"

"OM Cheska! Coffee?"

Napaangat ng ulo si Cheska ng biglang may magsaklita. Si Leon Aravilles, Operations Manager 'rin ng ibang market ang nagsalita. May bitbit itong kape galing sa isang sikat na coffee shop.

"That's mine?" tanong niya.

Ngumiti si Leon at inilapag sa table niya ang kape na binili nito. Matagal na niyang napapansin na may gusto sa kanya si Leon. He tried to ask her out on a date but she always declined him. Wala naman kasi siyang balak makipag-date ngayon. She was too preoccupied with her works. Hindi madali ang trabaho niya dahil marami siyang taong dinadala. She was really good at her job. She was even recognized by a lot of clients. May nakaumang offer sa kanya bilang isang Senior Operations Manager pero hindi pa siya handa para sa mas mabigay na responsibilidad.

"Thank you, Leon."

"You are always welcome, Cheska." anang Leon. "If you are not busy we can drop by at Lalaine's coffee shop. I will treat you, Ches." muli na naman siyang inimbita ni Leon.

"I'll let you know if I am not busy, Leon."

Tumango lamang si Leon sa kanya at nagpaalam na itong aalis na. May meeting din kasi ito. Siya naman ay napabuntong-hininga. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang naging pagkikita nilang dalawa n Francis.

Gwapo pa rin ito sa paningin niya. Kapag nakikita niya ito ay hindi na niya maramdaman ang garter ng panty niya. Parang nawala nalang ito ng kusa.

She still got the same effect everytime Francis is around. Her body was still able to recognized him.

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon