Chapter Eleven

258 12 0
                                    


"WHAT happened with you, Asis? I thought you don't want to give it a try with her." Anang Ruche habang nakalingkis sa braso sa pinsan namin na si Riggs. Hindi niya alam kung paano siya natunton ng dalawang ito sa isla. Mabilis ang naging pagdaan ng isang linggo para sa kanila ni Francheska. They spent their entire week in the resort and they were actually having fun.

Alas dose na nang madaling araw. His cousins were bugging him because they heard the news about his escapade with Francheska. Sinasamahan niya si Francheska sa mga trip nitong gawin. He was always watching her playing with the waves. Masaya siya ng dahil na rin kay Francheska. Napadpad sila sa isla ng Daanbantayan noong nakaraang araw dahil iyon ang gusto ni Francheska. He just obliged

"I never said that I will never give it a try with her. Alam mo 'yan." Ibinalik niya ang atensyon niya sa mga dokumento na nasa harapan niya. Alam niya kung anong ginagawa ni Ruche. She was trying to divert his attention to different woman so that he can just stop being with Francheska. Ruche was too good in meddling in their lives. Masyado itong protective sa kanila na kahit ito ang tanging babae ng angkan ay labis itong mag-alala para sa kanilang magpipinsa. She even went home just check on Shien's fiancé.

Ruche never liked his decision to stay in the resort with Francheska. Iniisip nito na sinasakyan namin ang trip ni abuela. Ruche never liked the idea of arranged marriage or even blind dating.

"Why do you have to bother Asis in his decision, Ruche?" nagtatakang tanong ni Riggs sa pinsan nila.

"No, being with her is not good for you," makahulugang tumingin sa kanya si Ruche. Hinihimas-himis nito ang sariling sentido. "Kuya, nag-usap na tayo tungkol sa bagay na 'to."

"I know," he sighed heavily as he leaned his back on his swivel chair. "But Francheska is just here to rest. Hindi namin sinusunod ang kagustuhan ni abuela. Aalis rin si Francheska sa isla, Ruche."

Awtomatikong lumukob sa kanyang puso sa isipin na aalis na si Francheska. Kung siya lang ang masusunod ay mas gusto niyang manatili pa sa resort niya si Francheska. He didn't mind the expenses. She could stay here for free. Kung gusto nito na manirahan ito sa isla ay malugod niyang tatanggapin ang dalaga. He really liked being with her.

"Hindi mo ba talaga sinusunod ang utos ni abuela?" matigas na untag ni Ruche. "Nakalimutan mo na ba na may alam ako, Kuya? Alam mo kung anong ibig kong sabihin. Sasaktan mo na naman si Francheska, e." Galit na saad sa kanya ng kanyang pinsan. Naiintindihan niya naman ito at alam niyang nag-aalala lamang ito para sa kanya dahil minsan na niyang nasaktan si Francheska. Alam lahat ni Ruche tungkol sa kanila ni Fracheska.

"Insan, calm down." Hinapuhap ni Simon ang likod ni Ruche para pakalmahin ito.

"Mamamatay ako ng di oras ng dahil sa'yo, Kuya." Tumayo ang kanyang pinsan at tinitigan siya nang masama. Ang isang kamay nito ay nakapatong lamang sa ulo nito. "Aalis na ako dahil ayaw kong makita ang pangit mong mukha. Nakakainis ka. Sasaktan mo naman iyong tao,e. " Iningusan muna siya nito bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Riggs just shrugged his shoulders and followed their cousin.

Naiwan si Asis na naguguluhan sa kung ano talaga ang gusto niya. He needed to think. He was starting to feel comfortable with Francheska. Hindi mahirap magustuhan ang dalaga dahil likas para rito ang pagiging masayahin.

He checked his phone and smiled when he saw his wallpaper. Silang dalawa ni Francheska ang nasa wallpaper niya. Francheska was pinching his cheeks while she was just frowning at the camera. Ang dalaga ang nagpalit ng wallpaper niya.

Nagtataka na rin siya sa sarili niya dahil hinahayaan niya na hawakan ni Francheska ang cellphone niya. Nagagalit siya sa mga pinsan niya noon kapag pinapakialaman ang mga gamit niya pero okay Francheska ay wala siyang problema.

Napabuntong-hininga siya nang maalala na sa susunod na linggo ay aalis na si Francheska. She will be back to her old life. Hindi na niya masisilayan ang magandang ngiti ng dalaga.

FRANCHESKA was frowning while listening to Lalaine's rants on the other line. Galit na galit ito sa kanya dahil sa ginawa niyang pananatili sa resort nila Francis. Kung pagalitan siya nito ay para siyang teenager na nakipagtanan sa boyfriend niya. Hindi pa naman siya inaaya ni Asis na magtanan kaya wala dapat na ikabahala ang kaibigan niya.

"Lalaine, nagpapahinga lang ako. Hindi naman ako busy at gusto ko lang makapagpahinga," aniya. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang suot na summer dress. She was preparing for their dinner later. Inaya siya ni Asis na mag-dinner sa isang restaurant na malapit lang sa resort.

"Iyon na nga ang problema. Akala ko ba nandyan ka lang para takasan ang abuela ni Francis at ang Mommy mo. Bakit parang nag-eenjoy ka na?" nayayamot na sambulat ng kanyang kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit stressed out ito sa pagiging magkaibigan nilang dalawa ni Asis

"Bakit ba, Lalaine?" nagtatakang tanong niya sa kanyang kaibigan. "Hindi ba kayo friends ni Francis? Diba siya ang gumawa ng renovation ng coffee shop mo."

"Francheska..." pagod na tawag nito sa pangalan niya. "Kaibigan kita, girl. Sa'yo ako lalaban at noong sinabi mo na siya ang lalaking nanakit sa'yo nuon ay nagtanim na agad ako ng galit sa mokong na 'yan."

She was touched by Lalaine's word. "Iyan lang ba talaga ang rason? May nagawa bang mali sa'yo si Asis?" natatawang tanong niya sa kaibigan.

"Hoy chismis ka! Friends pa naman kami ni Engineer sa Facebook. Pero Francheska Allysa Montes, hwag kang marupok. Labanan mo, girl."

Pinagkakatiwalaan niya si Lalaine sa lahat ng bahay. Nang mapadpad siya sa Cebu ay ito ang naging kaibigan niya. She was the one who helped her ease her agony from being alone. Hindi siya sanay na malayo sa Mommy niya pero kailangan niyag lumayo para na rin makalimot siya sa nangyari noon. Tinadtad siya ng mga messages na galing kay Lalaine nang tinext niya ito na nasa Malapascua siya kasama si Asis. She gave her advices. Sinabi nito na kailangan niyang rendahan ang puso niya para hindi muling masaktan kay Asis. She liked Asis. Tuluyan na naman na nahulog ang loob niya sa binata dahil likas itong mabait sa kanya. He cared for her and that's what she liked about him. Ngayon lag siya nakaramdam ng ganitong pag-aalaga sa isang kabaro ni Adan.

"I-I want you to be safe. I also want you to be happy," anang Lalaine sa kanya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Hindi ko alam kung kaya kitang makitang masaktan muli ng dahil lamang sa isang lalaki. You built yourself on your own. You made sure that no one would ever see you struggling. Malakas ka, Francheska. Ang ayaw ko lang ay makita kang malugmok muli dahil sa pag-ibig. I never wanted to witness that," nag-aalalang saad ni Lalaine sa kanya. Nangilid ang kanyang mga luha.

She knew that Lalaine was just protecting her from any possible pain. There was nothing to worry about her. Hindi naman siya tanga para hindi lumaban kapag inaapi na siya. She could protect herself. Nagawa na niya noon na protektahan ang sarili niya kaya nga wala siyang naging nobyo. She was too cautious for herself.

"I understand. Hindi ka dapat mag-alala kaya ko ang sarili ko, Lalaine."

Muli ay bumuntong hininga si Lalaine sa kabilang linya. "Okay. Pero please let me know if there's something happened. Susugod ako ng Malapascua para sa'yo."

Natawa siya sa kaibigan niya. Somehow, it lightened their atmosphere. "Oo na, para naman akong bata nito." Himutok niya pa.

"Basta, mag-ingat ka lang. I will still check on you." Anito at kusa ng pinatay ang tawag.

Muli ay binalingan niya ng tingin ang sarili sa salamin. Sa ilang linggong pananatili niya sa lugar na ito ay alam niya sa sarili niya na masaya siya. Masaya siya na kasama si Asis.

She clenched her chest. "Mahal ko na ba siya ulit?"

She rattled. She didn't know what to do.

Will it be all worth it?

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon