HDL

602 22 1
                                    

"FRANCHESKA! Gwapo si Cedrick. Gwapo si Alonzo. Gwapo lahat ng manliligaw mo anak. Bakit wala kang matipuhan sa kanila?"

Kanina pa nagmamaktol ang ina ni Francheska dahil sa narinig nitong pamba-busted sa mga anak ng mga amega nito. Matagal na siyang binuburyo ng kanyang ina na mag-asawa na dahil malapit na daw siyang lumagpas sa kalendaryo. Baka raw tumanda siyang mag-isa at walang mag-aalaga sa kanya kaya minamadali siya nitong maghanap nang mapapangasawa pero sa wala siyang matipuhan sa mga lalaking inirereto ng Mommy niya sa kanya.

Talagang pihikan si Francheska pagdating sa mga lalaki. When she was still in college, she vividly remembered how she ran away from those guys who likes her. Don't get her wrong. Straight siya at alam niyang hindi siya magkakagusto sa kanyang kabaro pero hindi niya rin alam kung paaano ba magkagusto sa isang lalaki.

She was aiming for a man that would sweep her off her feet. A man that would bring shiver through her spine. Iyong klase ng lalaking maghahatid ng kilabot sa katawang lupa niya pero ligwak pa rin siya, e.

"Cheska!" tawag ng Mommy niya sa kanya. "Why don't you meet Francis Adriences instead?" suhestiyon nito habang abala sa paghilot ng sentido nito. Halatang stress na stress ang kanyang ina dahil sa gagawan niya.

"My, hindi ko na mahagilap si Francis. Busy siya sa mga project niya sa iba't-ibang lugar." aniya sa kanyang ina.

"Then we will look for him. We will try to convince Francis to marry you," walang habas na suhestiyon ng kanyang ina. Nanlaki ang mata ni Cheska dahil sa narinig mula rito. She was about to say something when her mother interrupted again. "Siya lang naman kasi ang lalaking ginusto mo, anak. Siya lang iyong gusto mo na maging kasintahan mo. Kung ganito naman na ayaw mong magpakilala sa mga nirereto ko sa'yo edi hanapin natin si Francis."

Hindi makapaniwala si Cheska sa mga lumalabas sa bibig ng kanyang ina. Hindi pa naman nalalanta ang matres niya para isipin nito na kailangan na niyang magpakasal agad. Hindi rin siya payag sa balak nito na hanapin nalang nila si Francis at alukin nalang agad ng kasal. Ano siya cheap? No way!

"Mommy naman, hindi ako magpapakasal kay Francis. Hindi ako magpapakasal sa isang Adler," walang gatol niyang sagot sa Mommy niya.

"At bakit naman? Adler's businesses are quite popular this time. Marami silang naitayong businesses at isa pa kailangan mong magkaroon ng asawa na may alam tungkol sa negosyo lalo na sa pagpapatakbo sa kaisa-isang negosyo na pinamana sa'yo ng Tatay mo."

Her mother was pertaining about the beach house that her father left for her. It was a small beach resort in Kawit, Daanbantayan. Wala siyang interes sa pagpapatakbo ng negosyo dahil maayos naman ang buhay niya bilang isang Operation's manager sa isang BPO company. She was living her best life in Cebu City. Pero hindi niya alam kung bakit may kailangan pa siyang baguhin sa buhay niya.

And speaking of Francis, wala siyang balak na makipag-ugnayan sa lalaking iyon. She had already given it a shot, but he turned her down not just once, not twice, and not even three times. Francis turned her down a total of four times. Hindi niya alam kung bakit ba pinipilit niya ang sarili niya sa lalaking 'yon na wala naman mi katiting na interes sa kanya.

He was never interested in her. Kung lumayo ito sa kanya noon ay parang pinandidirian siya na parang may malubha siyang sakit. She was colorblind and she didn't mind his reaction. Francheska just continued pursuing Francis. Sinusundan niya pa ito sa mga meeting nito or sa mga site kung saan ito nagtratrabaho. She always found a way to be close to him.

"No, hindi ko na gusto si Francis. That was a long time ago, My."

"No, that was just two years ago. Hindi ko alam kung bakit bigla ka nalang nawalan ng gana sa binatang iyon. Parang gusto ka 'rin naman ni Francis," anang kanyang ina.

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon