Chapter One
I sighed as soon I saw Chino parked his motor. Okay, I got this. Nagpractice na ako kagabi. He waved at me and smiled.
Binigay ko sa kanya ang bulaklak na dala ko.
"What's the occasion?"
I awkwardly smiled. "Let's break up."
Kumurap sya at mabilis na binaling ang tingin sa akin mula sa bulaklak.
"Ano?"
"Let's break up. Thank you for everything."
Lalampasan ko na sana sya kaya lang ang bilis nyang hinawakan ang braso ko.
"Ayeen, may nagawa ba akong mali?"
"Maghiwalay na tayo, Chino. Na-realize ko na hindi na kita gusto. I know, mabilis nangyari pero sorry."
Tumaas ang kilay nya.
"Thank you, Chino."
He scoffed. "Dahil ba sa sitwasyon natin?"
"Chino, hindi. Desisyon ko to."
Binitawan nya ako at tinapon ang bulaklak. Magsasalita pa sana ako kaya lang tinalikuran na nya ako.
I nodded at myself. Kaso nagulat ako noong bumalik sya.
"Ayeen."
"Chino, umalis ka na."
Umiling iling sya, I had no choice but to left him. Sumakay ako sa taxi agad at bumuntong hininga. Pinigilan ko ang sarili kong manginig, not now please.
Pagkauwi ko sa bahay, panay pa din syang tumatawag kaya nilagay ko number nya sa blocklist.
"Ayeen, nasa labas si Chino."
"Wag mo papasukin! Sabihin mo wala ako."
"Bakit?"
"Nakipaghiwalay na ako. Sabihin mo wala ako, ikaw na bahala ate Amethyst!"
Sinilip ko sya sa bintana at nakitang tumalikod na matapos sabihin ni Ate Amethyst na wala ako sa bahay. Nagulat ako pagbukas ng pinto kasi pumasok si Ate Aya at Ate Amethyst.
"Umalis na ba?"
"Bakit?" Si Ate Aya. "Diba mahal mo si Chino? Bakit ka nakipaghiwalay?"
"Wala, narealize ko na di ko talaga sya mahal."
"Mas matatanggap namin kung nangbabae si Chino kesa ganyan."
Umupo ako sa kama. "Alam natin na hindi pwede at may sakit ako."
"Atleast explain to him, Ayeen."
---
Wala na ako naging balita kay Chino pagkatapos, mas okay na din para mas maka move on ako agad.
Inayos ko na ang buhok ko at lumabas sa locker room para makapagsimula na sa trabaho ko.
"Hi Ayeen."
"Good morning po, Miss Donnalyn."
"You can start, aayusin ko lang mga pastry dito."
Tumapat na ako sa cashier at pinasadahan ng tingin ang buong Home Gallery. Uminom na ako ng gamot kanina para di ako maabala sa trabaho ngayon.
Agad na tumunog ang bell sa ibabaw ng double doors. I smiled at the customer.
"Good morning sir!"
A strong deep set of eyes met mine. He licked his lips that shows a small dimple in his cheek.
BINABASA MO ANG
Berry in Frappuccino (Coffee Series)
Storie d'amoreTwo different person that leads to each other will find a way to be happy...again after everything that had happened. After breaking up seven years ago, chances are still around the corner. Can love for the second time around be sweeter for two hear...